Rebecca's POV
Dobleng pagpapanggap ang ginagawa ko ngayon dahil nasa Lola ako ng Lola ni Victoria. Hindi ko naman kilala ito e. Kaya better shut up nalang. Oo ng oo nalang ako sa pinag uusapan namin. Kay aling Lucinda ko na nga lang pinababahala ang lahat. Tatambay nalang ako sa kwarto.
Nasa terasa na naman ako ng kwartong inihanda para sa akin. Nagmumuni muni.. Kailan kaya ito matatapos? Hindi naman sa excited ako ha? Ang ibig kong sabihin is kailan matatapos ang mga problema?
"Kapag nawala kana.."
Halos atakihin ako sa puso nang may magsalita sa likod ko. Si Jose na naman!
"Matatapos ang problema kapag bumalik kana sa kasalukuyan.." Sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin.
"Pati ba naman dito sa Laguna, nandito kaa?" Reklamo ko sa kanya.
"I have powers," sabi nya habang nakatingin sa mga kuko nya kung may dumi ba.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Nandito lang ako para sabihin sa iyo ang katangahan mo." Sabi nya na para bang walang pakialam sa mararamdaman ko.
Ano na naman kaya ang ginawa ko? Hmm..
"Hindi mo dapat pinutol ang tadhana.." sabi nya. Anong pinutol ko?
"Dapat nagpatinaod ka nalang sa mangyayari. Dahil kung nagpatinaod ka, hindi masaklap ang katapusan mo. Kung ano lang ang nakasulat sa diary ay yon lang ang mararanasan mo." Paliwanag nya.
"Paano mo nasabing pinutol ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ang totoong Victoria ay masunurin. Dapat sinunod mo ang Don sa gusto nya. Ang iwan si Danilo kahit na mahal na mahal nya ito at pakasalan si Samuel. Pagkatapos non ay tapos na ang Diary." paliwanag nya. "Pero tumanggi ka sa kagustuhan ng Don dahil sa narararamdaman mo. Hindi mo ba pansin? Namomroblema ang Don kaya ka pinabakasyon dito. At dahil sa ginawa mo, lilihis ang tadhana at mas magiging masaklap ito."
"Magiging masaklap ang katapusan nyo. Kaya payo ko lang, ihanda mo na ang puso mo, ngayon pa lang.." Sabi nya.
"Ano ba ang magiging katapusan ko?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Sekreto." nakangisi nyang sagot. "Ang diary lang ang makakaalam. Pero maghanda ka talaga dahil magiging malupit ang katapusan nyo."
Lalabas na sana sya ng pinto nang bigla syang bumaling sa akin at lumapit.
"Oo nga pala," sabi nya habang may hinahalungkat sa kanyang itim na bag. May inilabas syang mala-libro ang kapal na diary. Ito yong diary na binabasa ko a!
Inabot nya sa akin yon. "Wala pa yang mga nakasulat dahil ikaw ang Victoria ng 1892 ngayon. Araw araw mo yang buklatin, araw araw yang nadadagdagan ng entries kahit wala kang sinusulat." paliwanag nya.
"Tapos? Makakatulong ba yan sa ekonomiya?" Pabalang kong tanong. Namomroblema na nga ako sa katapusan tapos dadagdagan pa nya ng mga walang kwentang bagay.
"Gusto mo masaktan araw araw o hindi?" Masungit nyang tanong.
"H-hindi naman ako lalaban, hehe.." Pagsuko ko saa kanya.
"Basahin mo araw araw. Kumbaga, nagiging look out mo yan kahit di mo alam. Kung anong ginagawa mo ay nasusulat dyan. Tuwing gabi, pagkatapos mong basahin ang bagong entry o ng ginawa mo buong maghapon, tingnan mo yong next page. Sundin mo ang nakalagay doon. Yon ang mag iiwas sayo sa kapahamakan." Sabi nya at nawala nang para bang usok.
***
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Исторические романыRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...