A/N: Read this first before the Chapter 28, in case na nauna nyo nang mabasa ang Chapter 28 dahil mas nauna ko na yong iupdate.
Pagkatapos namin mag usap ni Samuel kagabi ay hinatid na ako ng guardia civil sa kabilang kwarto upang magpahinga na.
Kakagising ko lang ngayon pero di pa ako bumabangon. Nakakatamad pala talagang mabuhay kapag alam mong may taning na ang buhay mo.
"Ang OA mo naman!"
Napabalikwas ako sa kama at nilingon lingon ang paligid. Nakita ko si Jose na prenteng prenteng nakaupo sa bintana ng silid ko.
"K-kanina ka pa dyan?!" Gulat kong tanong.
"Wag kang mag alala, ngayon ngayon lang din ako. I can teleport, remember?" sabi nito habang prente pa ring nakaupo.
"Anong ginagawa mo dito?" Pag iiba ko naman ng usapan.
"Well, Rebecca. Ayoko nang magpligoy ligoy pa," sabi nito at bumaba sa pagkakaupo sa bintana. Humakbang sya papalapit sa kama ko.
"Ngayon na ang katapusan."
Apat na kataga pero nagpatigil ng mundo ko.
Ngayon na ang katapusan..
Ngayon na ang katapusan..
Ngayon na ang katapusan..
"Kailangan mo na gumising sa kasalukuyang panahon. Kailangan mo nang bumalik. Papatapos na ang entry sa Diary." paliwanag pa nya.
Ayoko pang umuwi. Dito nalang ako.
"Alam kong ayaw mo pang umalis. Pero baling bali mo na ang tadhana, Rebecca. Kailangan mo nang umalis." paliwanag pa nya.
"Kailangan ko na ba talaga?" tanong ko.
"Hindi kana pwedeng magstay. Hindi ka galing dito. Kailangan mo ring balikan ang mga naiwan mo sa modernong panahon."
Ano kaya kung..
"Wag kana mag isip ng iba pang lusot, Rebecca. Mas malala lamang ang magiging resulta nito sa inyo ni Danilo."
I guess kailangan ko na talagang umuwi..
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga memories ko dito. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw ko at mga naging mabait na tao sakin dito. Every memories will be cherish and kept in my heart. Bye, 1892.
•••
Sana lahat kasing sipag ni Jonaxx magsulat. Dami na agad na series ang Costa Leona ih.
![](https://img.wattpad.com/cover/173587576-288-k810001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Fiksi SejarahRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...