Mag aalas otso na ng umaga nang magtungo sa amin si Danilo upang sunduin ako.Gusto ko syang purihin sa kagwapuhan nya. Nakaputi syang polo at brown na tuxedo. Nakaayos rin ang kanyang buhok palikod sa kanyang ulo at mamasa masa pa. Ang bango bango rin nya. Lakas maka pogi points!
Sakto naman o, nakabrown rin akong baro't saya na may itim na embroidery. Nakalugay rin ang buhok ko na kinulot ko.
"Ang ganda nyong tingnan bilang mag asawa!" Puri ng kasambahay namin na si Lucinda na ikinamula ko naman.
"Binibini, maaari ba?" Tanong nya sa akin at inilahad ang braso. Kumapit na ako sa braso nya at nagpaalam na sa mga taong nasa mansyon. Sumakay na kami sa karwahe at umalis.
"Saan ba tayo unang mamamasyal, Ginoo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa daan na tinatahak namin.
"Ginoo?" Tanong nya na may bahid ng pagtatampo.
"Ano pala?" Tanong ko. Sweetie? Sweetheart? Love? Babe?
"Kasintahan na kita, kaya ang itatawag ko sa iyo ay.. Mahal ko.." Sabi nya sabay kindat. Nuedaw?
"Sabihin mo dalii, mahal ko. Tawagin mokoo!" Sabi nya at umayos ng upo.
"Ayoko nga!" Singhal ko sa kanya.
"Hindi moko mahal no?" tanong nya na may pagtatampo na naman.
"Mahal.. Pero.."
"Tawagin mo na nga ako!" Nagmamaktol nyang sabi.
"Alam mo, daig mo pa ang bata." Sabi ko sa kanya. "Pero saan nga tayo pupunta?"
"Hindi ko sasabihin sa iyo." Sabi nya at pinaikot ang mata. Luh, nagtatampo.
"Saan nga?" Kulit ko pa sa kanya.
"Hindi ko sasabihin hangga't hindi mo ako tinatawag."
Tengene, uso din pala ang korni sa panahong ito?
"Oo na, sige na." Pagsuko ko sa kagustuhan nya. Palihim pa nga syang napangiti e.
Huminga ako ng malalim. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong kakornihan.
"Saan ba tayo patungo, m-mahal ko?" Shit, nauutal ako!
Napangiti sya at namula sa mga katagang binitawan ko.
"Sikreto lamang, binibini. Isang surpresa para sayo." Sabi nya at humalakhak.
Bumaba kami ng karwahe ng makababa kami sa tapat ng Sto. Domingo Church sa loob ng Intramuros.
Pumasok kami, nagpangurus gamit ang Holy Water at lumuhod upang manalangin.
Mas lalo akong naturn on nang nakitang kong mataimtim na nagdadasal si Danilo. Sana ganito rin ang mga lalaki sa modernong panahon.
Binaling ko nalang sa altar ang tingin ko at nanalangin.
Sana maging maayos pa din si Danilo pag alis ko sa panahong ito. Sana kayanin kong umalis, dahil napamahal na din ako sa mga tao dito. At sana, hindi malupit ang katapusan namin.
Maya maya ay dumating na ang pari para magmisa at magsermon.
Mas nakakaakit talaga yong mga lalaking may pananalig sa Diyos. Totoo yan.
"SAAN na tayo magsisimulang mamasyal, mahal ko?" Tanong nya.
"Hindi ko alam." sabi ko sa kanya. "Pero kahit saan nalang siguro, mas maganda iyong mga pamamasyal na hindi planado."
Hinila nya ako papunta sa mga tindahan malapit sa simbahan. Maraming nagtitinda ng kakanin at kung ano ano pa.
Pumasok muna kami sa isang kainan. Hindi ko maitatangging masarap talaga ang mga pagkain kahit ngayong panahon palang. Daig pa nito ang mga pagkain sa modernong panahon sa sobrang sarap. And I can say na, mas masaya mamuhay sa panahong ito kesa sa modernong panahon.
Sinunod naman namin ang mga tiangge dito sa Sto. Tomas. Nilibot nga namin lahat ang mga tindahan dito habang kumakain ng kakanin. Binilhan pa nga nya ako ng mga pulang rosas bago umalis.
Dapit hapon na at kasalukuyan kaming nakaupo at nanonood dito sa plaza ng mga mang aawit. Para silang orkestra ngunit dito lang sila tumutugtog. May mga taong napapasayaw sa tugtugin ng orkestra.
"Maaari ba, Binibini?" Tanong nya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay.
Inilahad ko nalang din ang kamay ko sa kanya. Bahala na kung saan nya ako dadalhin.
Lumapit kami sa mga mananayaw at sumabay sa tugtugin. Hinawakan nya ako sa bewang at kamay, ako naman sa balikat nya.
Habang sumasayaw kami, hindi ko mapigilan na kiligin. Nalilimutan ko yong hiya ko kasi sa mga taong nanonood dahil sa kanyang mga mata. Para bang, solo lang namin ang mundo.
Sana hindi na matapos tong sandaling ito. Sana hindi na ako umalis sa panahong ito. Sana hindi na muna matapos ang Diary.
Kasi hindi ko alam kung makakabitaw pa ba ako sa sandaling matapos to. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mawala sya.
"Victoria.." Sambit nya sa pangalan ko habang nakatitig sa mga mata ko.
"Hmmm?"
"Mahal na mahal kita." sinserong sambit nya sa mga mata ko na nagpakabog sa puso ko nang mabilis.
"M-mahal din kita, Danilo.."
PAUWI na kami sa mansyon sakay ng karwahe. Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kanina sa plaza.
Ito ang pinakamasayang araw sa panahon ng pamamalagi ko rito.
"Magandang gabi, Binibini. Paalam." nakangiting sambit nya sa akin nang maipasok na nya sa tarangkahan ng mansyon ang karwahe.
"Magandang gabi din, Paalam." Sabi ko sa kanya.
Nakangiti nyang sinarado ang pinto ng karwahe at pinaandar paalis.
"Mag empake kana para bukas, Victoria." Maawtoridad na utos ni Don Francisco na nasa pinto pala ng mansyon. Pumasok na ito sa loob.
Sana maayos na ang lahat bago ako umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/173587576-288-k810001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historical FictionRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...