Ikapitong Kabanata

1.3K 48 8
                                    

Alas tres na ng hapon at solong solo namin ng mga kasambahay ang mansion dahil umalis ang Don at Doña patungong Laguna para tingnan ang aming mga lupa roon. Malapit na naman kasi ang anihan kaya todo tutok naman ang mag asawa.

Wala si Danilo ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi sya ngayon nagtungo rito. Pero mas ayos na iyon. Nakakarindi kasi ang pinagsasasabi nya.

Nakatambay ako sa azotea ng aming mansion nang tumunog ang aming telepono na malapit sa salas. Walang umaaligid na kasambahay sa mansion kaya naman no choice ako na sagutin yon. Marahil nagsisiyesta ang mga ito.

"Magandang hapon," bati ko sa tumawag sa telepono.

"Magandang hapon, Binibini." Bati rin ng nasa kabilang linya.

Hindi ako nagkakamali, si Ginoong Danilo ito ah?!

"Napatawag ka, Ginoo?" Pormal kong tanong.

"Gusto kitang makausap, Binibini. Napapaalis na ako dito sa mansion ngunit hindi maaari." Sabi nya.

"Ahh.. Sige." Maikli kong sagot. Wala naman akong masabi. Share mo lang, Ginoo?

"Paano mo pinalipas ang iyong maghapon, Binibini? Maaari mo ba itong isalarawan upang nang sa ganon ay parang nakasama na rin kita?" Tanong nya.

"Masaya.. masaya kapag wala ka." Sabi ko.

"Aray ko naman, Binibini? Ganyan na ganyan mo ba ako kinamumuhian?" Tanong nya.

"Hindi naman." Cool ko lang na sagot.

"Umayos ka nga, Binibini. Kinakausap kita." sabi pa nya.

"Ano pa ba ang itinawag mo, Ginoo?" Tanong ko.

"Ansama mo talaga sakin. Pero de bale, mas lalo naman akong nahuhulog sayo." Sabi nya sabay halakhak.

Okay, wala akong panlaban sa lalaking to.

"Kamusta ka naman, Ginoo?" Tanong ko sa kanya dahil wala na akong masabi.

"Walang labis." sagot nya na ipinagtaka ko. "Ikaw nalang ang kulang." Sabi nya at humalakhak na naman.

"Ginoo, ako'y hulog na hulog na sa iyo." Sabi ko habang nakangisi.

"Talaga?" Natutuwang tanong nya.

"Oo naman, Ginoo. Sino bang hindi? Eh mukha kang kanal." Bawi ko sabay halakhak. Boom panes!

"Binibini, ikaw ay mukhang maskara." makahulugan nyang saad.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil ang Binibining tulad mo ay MASKARApat- dapat sa akin." Sabi nya at humalakhak. "Hala sige, magkita nalang tayo mamayang gabi."
Nagtaka naman ako. "Bakit nama--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinatayan na nya ako ng tawag. Bwisit!

Ngunit napaisip rin ako kung bakit magkikita kami mamayang gabi.

•••

Nagising ako mula sa katulong namin. Pinag aayos nya ako dahil may maliit na salosalo na mangyayari daw sa ibaba.

"Ano bang meron?" Tanong ko sa kasambahay habang tinutulak nya ako sa banyo ng aking kwarto.

"Nakalimutan mo po ba, Binibini? Kaarawan ngayon ni Don Francisco. Gusto sana ng Donya ng magarbong handaan ngunit tumanggi ang Don. Kaya ito ay naging maliit na salosalo na lamang dahil kaunti lang din ang inanyayahang dumalo." Paliwanag ng kasambahay.

"Ah sige sige!" Sabi ko at dali daling tumakbo papunta sa banyo.

Maigi nalang na hindi nahalata ng kasambahay yong pagiging makakalimutin ko. Di naman talaga kasi ako galing dito sa panahong ito.

Nagsuot ako ng gintong baro't saya na nasa cabinet ko. No choice. Hindi ko rin naman kontrol ang laman ng cabinet ko. Kung kontrol ko lang talaga, pupunuin ko to ng makabagong damit.

Tsk. Hindi man nga magarbo yong pagdidiwang ni Don Francisco ng kanyang kaarawan ay mga sikat na tao pa rin ang nandito.

Nandito ang mga kilalang negosyante sa Maynila, mga Kapitan, mga kaibigan at ang pinakamamahal na Gobernador-Heneral. Ano ba ang aasahan ko? Pangunahing source kami ng mga pangangailangan ng Maynila.

Hmmmm.. nasa pagitan lang naman ng simple at magarbo ang tema ng selebrasyon.

Abala sa pakikipag usap ang Don sa mga bisita. Habang naglalakad ako sa gawi ng Don at Doña ay panay naman ang bati ng mga binatang Ginoo sa akin. Ngunit isa lang na Ginoo ang nakaagaw ng atensyon ko.

Nakasuot sya ng tuxedong kulay ginto. Nakaayos ang buhok nya papunta sa likod at mukhang mamasa masa pa. Makisig din ito at may mala anghel na mukha.

"Isang magandang gabi sa iyo, Binibining mas maganda pa sa gabi. Ako si Samuel na nagmula pa sa mga angkan ng mga Dela Cruz. Ikinagagala kong makilala ang binibining pinupuri ng lahat." Nakangiti nyang pakilala.

Ito na ba si Samuel? Ang naging asawa ng totoong Victoria Luciana Flores?

"Ako si Victoria." Maikling pakilala ko.
Nagsimula namang tumugtog ang mga musikero ng isang malamyos na tugtugin.

"Maaari ba kitang maisayaw, Binibini?" Tanong nya.

Bakit ba ako hihindi? Eh sobrang gwapo nito? Ilalahad ko na sana ang palad ko nang may isang malaking kamay ang pumigil dito.

"Isang magandang gabi sa iyo, Binibini." bati ni Ginoong Danilo. Nakangiti sya subalit hindi pa rin maitatago nito ang itim na aura sa kanyang mukha. Mukhang naiinis sya sa pakikipag usap ko kay Ginoong Samuel.

"Magandang gabi rin, Ginoo." Nakangiti kong ganti sa kanya.

"Maaari ba kitang makausap, Binibini?" Tanong nya.

"Ahh.. Ehhh," kausap ko pa kasi si Samuel e.

"Mag uusap lamang kami, Ginoong Samuel." Sabi ni Danilo at hinila ako paalis doon.

Saka lang kami tumigil sa paglalakad
nang makarating kami sa may gilid ng silid tanggapan ng mansyon kung saan ginaganap ang selebrasyon.

"Ang bastos mo naman, Ginoo. Kausap ko pa si Ginoong Samuel e!" Reklamo ko sa kanya.

"Nagpaalam naman ako na mag uusap muna tayo ah? Ayoko sa lahat ay iyong makita kang may kausap na iba. Naninibugho ako, Binibini." nakabusangot nyang sagot sa akin.

"Ngunit nakikipagkilala lang naman si Ginoong Samuel, Danilo." paliwanag ko pa.

"Kung hindi ba ako humarang sa inyo ay paaanyayahan mo ba ang imbitasyon nya na sumayaw kayo?" Nakasimangot nyang tingin. Nakaiwas ang tingin nya sa akin.

"Oo sana. Hehe." Nahihiya kong sagot.
Mas lalong  nalukot ang kanyang mukha. "Sige na, Binibini. Ako'y aalis na rin."

"Bakit kay bilis naman yata, Ginoo?" Tanong ko.

"Magpaparaya muna ako sa ngayon, pero hindi kita papakawalan, Binibini." makahulugan nyang sagot. "Papakasalan pa kita. Kaya humayo kana, Binibini. Isayaw mo na ang Ginoong Samuel na ubod naman ng pangit." Sabi pa nya.

Kinilig na natawa naman ako sa mga sinasabi nya. Masarap pala talagang mamuhay dito sa 1800's.

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon