Synopsis

3.8K 77 6
                                    

Author's note: U

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's note: U.N.E.D.I.T.E.D

" P-promise me t-that you'll c-comeback okay? " Mula sa kinatatayuan ko ay idinilat ko ang mga mata ko. Sa una ay nasilaw pa ako sa mga ilaw pero nang kalaunan ay nakita ko ulit sila.

" Ihh! Akala ko ba hindi dapat umiyak! Diba sabi mo be strong?" Pagpapatahan ni Aki sa Umiiyak na si Lulu. Sa likod nito ay ang mga magulang nila na halatang nahahabag narin sa kanilang nakikita.

" I-i'm not c-crying...n-napuwing lang a-ako noh!" Depensa naman ni Lulu. It seems that ngayon lamang sila maghihiwalay.

Nandito kami ngayon sa isang airport. Mukhang ihahatid na nila ang batang babae. Siguro ay magpapagaling ito sa ibang bansa, at maiiwan dito ang batang lalaki.

" Calling the Attention of the passengers of flight 021, please proceed now to the boarding area. I repeat---"

Rinig ko na ang anunsyo ng nasa intercom. Mukhang aalis na sila dahil sa lumalakas na hikbi ng dalawa na hindi na mapaghiwalay sa pagkakayakap ng mga magulang nila. Kung ikaw ang nasa posisyon ko ay siguradong maaawa ka sa nakikita kong eksena.

" P-pano ba y-yan? You have to go na." Unang kumalas si Lulu sa mahigpit na pagkakayakap ni Aki.

" T-this is n-not babye right?" Tanong ni Aki.

" Ofcourse. I'll pray to papa God that he'll make you free from your sickness okay? Kaya fight lang. Uuwi ka pa dito" pagpapatahan ni Lulu kay Aki na lubhang namumula na ang mata kakaiyak.

" Calling the attention of the passengers of flight 021, please proceed now at the boarding area. In a few minutes, the plane is about to take off."

" Akira anak? Tara na. Maiiwan na tayo ng plane." Usal ng mommy niya.

" Tara na anak. Medyo malayo pa ang boarding area dito. Baka mahuli pa tayo." Rinig kong sabi naman ng Ama nya.

" S-sige po." Malungkot na saad ng bata saka sumunod sa mga magulang nya. Nagpaalam muna ito sa kanila- sa mga magulang ni Lulu bago tuluyang umalis.

Habang papaalis ang bata ay nakita ko naman ang impit na hikbi ni Lulu habang pinapatahan sya ng kanyang ina, na akay akay pa ang kapatid nitong babae.

" M-mom. D-diba po s-she'll comeback?" Lumuluhang sabi ng batang lalaki.

"Ofcourse baby---"

" Lulu!!!!" Sigaw ng tumatakbong si Akira papunta kay Lulu. Madami ng tao ang nakikiusyoso at meron ring naiiyak sa nakikita nilang eksena.

" Aki!" Sigaw ni Lulu pabalik saka kumalas sa pagkakayakap ng ina sabay takbo papunta kay Aki.

Nang magkatagpo ang dalawa ay agad nilang niyakap ang isa't isa. Habang humihikbi na parang wala ng bukas.

Pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila ngayon. Diko mapigilang lumapit sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung nakikita nila ako pero gusto ko silang yakapin. Gusto kong bumalik dito.

"Doc! The patient is losing blood!"

Nakikihalo ang hikbi ko sa naririnig ngayong iyakan ng dalawang bata. Diko maiwasang hindi mag usal.

" Magkikita pa kayo" sabi ko pero mukhang hindi nila ako naririnig.

"Her heart beat is slowly dropping!"

" Aki! Hihintayin kita huh? Please survive for me" humihikbing sabi ng batang lalaki.

" W-what if I d-die Lulu? Would you still wait for me?"my tears started to fall down as my  breathing slows down. Naninikip ang dibdib ko. Tila hindi ako makahinga.

" We need a CPR! She's dying!"

"N-no! Don't say that Aki. D-diba you're strong? I'll marry you pa! Kung mamamatay ka eh di wala na akong bride! That's awful Aki" pagmamaktol ni Lulu habang nakayakap sa umiiyak na si Aki.

"Promise?" Sabay pakita ni Aki ng kanyang pinky finger.

" Increase the voltage into 300!"

"Yes. I promise to wait for you. Basta magpapagaling ka ha?" Nakangiting baling ni Lulu sabay ang paglalock nila ng kanilang promise using their Pinky's.

" Bye Lulu"

" Doc! She's not responding!"

" This isn't goodbye Aki. Till next time!" Nakangiting sabi ni Lulu sabay halik sa noo ni Aki.

" Y-yeah till next time Lulu"

" Oh My God! Doc!"

" T-till next time Aki"

" Time of death...3:35 A.M."





Date written: January 12, 2019

A/N: Newbie lang po ako, kaya expect grammatical errors and typos hanging everywhere. (^_^)

Votes, comments and critics are very much welcome! \\(^0^)//

I write because it feeds my imagination.

~Kingsley©

Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon