Author's Note

582 23 4
                                    

Hello! Waah! Nakatapos na ako ng isang story! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na natapos ko siyang isulat. First time ko na magsulat ng ganitong klase ng story. Ang sinusulat ko kasi parati ay essays, poems at spoken words lang. Pero, ewan ko ba? Gusto ko lang kasi itry.

Naalala ko pa noon yung sinabi ng teacher namin, discussion kasi that time and yung topic is about a Blank canvass. He explained it to us, to the point na nirelate namin siya sa buhay namin. He said that blank canvasses can also be a representation of a thing that is not yet fulfilled or yung mga pangarap mo.

Sinabi niya noon na yung blank canvass niya is to write a novel. Kaya doon nainspire ako na tapusin itong story ko. Nasimulan ko na kasi siya nong January 12, 2019. Noong una, game pa! Laban lang. Pero habang tumatagal, parang ayoko na. Alam mo yung feeling na dinadown mo na yong sarili mo? Yung pinanghihinaan ka na ng loob na sinasabi mo nalang na , hindi ko ata kayang tapusin ito?Pero tignan mo nga naman oh hahaha... nong April 30, natapos ko na siya!!!

Wala talaga akong plot para rito hehehe. Basta kung ano ang maisip ko itatype ko nalang. Kumbaga on the spot lahat. Hahaha. Inischedule ko pa kung tuwing kailan ako magsusulat. Kaya tuwing weekends lang ako nag aupdate nitong story ko, pero diko pinapublish.

Sabado at Linggo lang ako nagsusulat kasi yun lang yung time na nakakapag isip ako ng gagawin dito. May mga times na hindi ko naipagpapatuloy ito kasi busy sa school. Pero naiisisingit ko parin haha. Yung tipong ito yung ginagawa ko sa Sabado at Linggo tapos yung mga assignments ko eh sa school ko na gagawin. ( Pero nag aaral naman ako ah! Haha... Sadyang mas gusto ko gumawa sa school kasi kasama ko mga kaibigan ko)

Si Panda at Bibe ay yung talagang pinagtuonan ko ng pansin. Haha yung una kasing dapat na kalalabasan ng story ko eh si Gray ang makakatuluyan niya, pero ewan ko ba? Pero ipinunta ko siya kay Ash hehe. Mas nagustuhan ko yung name niya eh. Hahaha

Kaya kambal sila kasi bago ako natutulog nag iimagine muna ako. Yung tipong hihiga ka, titingin sa taas tapos doon ka mag iimagine haha. Adik eh. Yung iniimagine ko parati ay, pano kung may kambal ako? Diba! Kasi ang saya nun! Pag papasok ka sa eskwela may kasama ka parati. Tapos parehas pa kayo ng mga gamit ganun? Yung siya yung magiging bestfriend mo.

Nung una gusto ko talaga patayin si Hope ( hihihi... Sorry na Panda) gusto ko kasi maging sad yung ending. Pero biglang nagpop up sa utak ko yung kdrama na yung two worlds. Kaya inisip ko, kung may buhay sila, bakit ko ipagkakait ang happy ending nila diba? Kaya ayun. Hihi. Binuhay ko siya para naman may Happy ending si Panda na nagpapablush palagi kay Bibe niya.

Hala! Nag MMK na pala ako. Geh bye na. Proceed ka na sa next page.

Till next time!

Love♥,
Kingsley :)


Pahabol langg!

Kyaaaaah! Ang saya lang sa feeling na vinote nung idol mo yung story mo, tapos nilagay pa sa reading list! Waaah!  Wag niyo nalang ako pansinin haha. XD

K bye~ hahaha

Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon