Chapter 20- Abo
HOPE'S POV
Gabi na naman. Kanina pa umalis si Gray. Medyo matagal pa siyang nagising kaya hapon na sya nakauwi. Narinig ko pang kausap nya ang mama nya kanina. Hinahanap sya. Tsk. Kung ano ano kasing pumapasok sa kukote. Mag eemote na nga lang, gusto sa may ulan pa! Nagkasakit tuloy. Hmp!
" Ma'am may number ka ba ni pogi kanina?" Ngiting ngiti na sabi ni yaya Lynn.
" Ha?"
" Ay si Ma'am, maganda nga bingi naman. (-.-) "
" Aba! Baka nakakalimutan mong amo mo ako?" Pagtataray ko.
" Aba! Baka rin nakakalimu-"
" ANO!?" nanggigigil talaga ako sa kadaldalan ng isang to eh.
" Uhm, hehe... Sabi ko po baka nakakalimutan kong kayo ang amo ko hehe. Peace po" sabi nya sabay katok sa sarili niya.
" Good dog! (^.^) " tignan natin ngayon! *Evil laugh*
" Ihh! Ma'am naman eh! Di ako aso! Kagatin kita diyan" aba! Irapan ba daw ako?
" Iirap ka pa o tutusukin ko yang mata mo?" Pinandilatan ko sya ng mata. Naku! Kung di lang sya paborito ni ano papalayasinko talaga to. Hmmp! Ano ba tong pinasok ko.
" Ih ma'am naman kasi eh. Tinatanong ko lang naman kung may number ka ni pogi eh. Kung saan saan na napunta." Nakasimangot na sabi ni Lynn.
" Tsk. Bakit ba kasi interesadong interesado ka don?" Tanong ko naman.
" Malay mo ma'am type ako nun! Nahihiya lang. Hihi. Sabi nya kanina ang cute ko daw ih hahah" tapos nagbablush pa sya habang nagsasalita. Mukha tuloy syang pabulok na kamatis.
" Ah, ganun ba? Baka siguro akala nya aso ka kaya sinabihan ka ng cute?" Painosenteng sabi ko.
" Hmmp! Makaalis na nga!" Naiinis na sabi nya sabay talikod. " If I know, naiinggit lang si ma'am kasi hindi sya cute! Hmmp! "
" Hoy! Narinig ko yun!" Sigaw ko sakanya.
"Po?" Painosenteng lumingon pa sya sa gawi ko.
Diko nalang sya pinansin. Pumunta ako sa kusina at kumain na. Kanina pa kasi ako nagugutom. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Pagkarating ko doon ay naligo muna ako. Hindi na ako nagtagal kasi naaantok na rin ako. Pagkalabas ko sa banyo ay pumunta ako sa kama at doon na ako nagpatuyo ng buhok. Habang nagpapatuyo ay nahagip ng paningin ko ang bag ko.
Kinuha ko iyon. Pagkakuha ko ay may nahulog. Isang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sobre?O to the M to the G!!!!!
Nakalimutan ko na ngayon pala yung birthday ni Abo!!!! Shocks! Tapos na yun ngayon! Mag aalas dyes na eh! Argh! Bakit nawala sa isip ko! Huhu! Kung di lang sana napunta dito si Gray eh!
PURPLE'S POV
Hello! OMG! I've got a POV! Anyway highway, I'm here to make storya storya the emote emote ni Kuya Ash kanina.
FLASHBACK...
Yuhoo! Today is Kuya's birthday! Oh diba? Mas excited ako kesa sakanya. Hihi sarreh na. I'm here infront of Kuya's door. I'll be surprising him, or should I say we'll be surprising him.
Kasama ko kasi si Aqua eh. By the way, she's Aqua Jane Kendrick our younger sister. Siguro nagtataka kayo kung bakit puro kulay ang pangalan namin no? Tsk! Tanungin niyo mommy namin. Ang hilig hilig sa colors. Hmm? I wonder kung balak kumpletohin nina mommy at daddy ang mga colors hahaha.
Anyways, andito nga kami ni Aqua sa pintoni kuya. Hinihintay syang lumabas. Antagal naman nya! Kanina pa kami dito. Imbes na magsimula na ang party eh! Madami narin kasing mga tao sa labas. It's already dawn.
*Click*
Narinig kong nag click ang knob ng pinto. Meaning lalabas na sya. I heard my sister giggled.
" Happy birthday kuya Ash/ Blue!" Sabay na sabi namin sakanya pagkabukas nya ng pinto.
"Oh! Haha. Thank you babies!" Sabi naman ni kuya samin sabay bukas ng bisig nya para mayakap namin.
"Yiee! Kuya. Bihis na bihis ka talaga ah? May hinihintay ka noh?" Nakangising sabi ko.
" Yiee. Is she beautiful kuya?" Nakangiting sabi ni Aqua.
"A-ah tsk. Iniinterogate niyo na naman ako eh" sagot ni kuya.
" Oh! I smell something fishy. Kaya ba ang tagal mong lumabas kuya kasi nagpapogi ka ng bongga para kay ate Hope?"
" H-ha? N-no!" Defensive. Hihi! He's totally blushing! OMG! My kuya is blushing because of ate Hope! Waaah! I'm so happy! I really like ate Hope for him.
Andami kasing first time simula nung dumating si ate Hope. Actually bago pa dumating si ate Hope eh sobrang tahimik nya sa school. He is always cold. He only talks with us. He was a sweet kuya. But inside the campus, he was labelled as a cold prince. No one has the guts to talk to him 'cause he'll just walk away from you thinking that you are just an air. But, ofcourse my kuya is sooooo handsome kaya madaming nagkakagusto sakanya. And surprisingly, he never had a girlfriend! Kaya kung sakali. Si ate Hope ang first girlfriend nya hihi . Kaya todo effort ako na maging kupido.
"Yiie! Kuya Blue is blushing! " Sabi ni Aqua.
"I-im not. Tsk! Baba na nga tayo." Namumulang sabi ni kuya.
Bumaba na kami. The party had started but ate Hope never came. I saw kuya sa isang sulok. Nakaupo sya. Parang lutang na lutang sya eh. Nilapitan ko sya.
" Hey! Kuya! Pumasok ka na raw sa loob sabi ni mom at dad." Sabi ko kasi tapos na ang party eh nasa labas parin sya.
" No. I'll wait, baka na late lang sya" he said in a sad tone.
" Ihh. Kuya gabi na oh." Sabi ko naman.
" Mauna ka na sa loob Purple" sabi nya.
" No kuya. Pumasok ka narin. Baka may emergency lang kaya hindi nakapunta si ate Hope?" Pangungumbinsi ko sakanya.
" Hmm. Siguro nga." Malungkot na sabi nya bago kami pumasok.
BINABASA MO ANG
Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)
HumorTic tac toe. Who can guess if who are you? She left... Now, she Returns. The question is, Are you Ready? Or not? 'She' was 'She' ,. But,. Is 'She' also 'Her'? ------------------------ He was left, Now...