Chapter 26

489 18 2
                                    

Chapter 26- Meeting the parents

HOPE'S POV

" Zup Mom? San ba tayo pupunta? What's the event?" Oh? May lakad sila? And mom daw, tapos ihahatid pa ako!?

Matapos nilang mag usap ng mama nya ay tumingin sya sakin.

" Uhm, Panda may gagawin ka pa ba ngayon?" He asked.

"Uhm, wala na I guess? Wala namang assignments diba?" He nodded.

" Can...can you come with m-me?" Ha? Eh diba may pupuntahan sya?

" May pupuntahan ka diba?" I asked.

" Sinabi ko kasi kay mom na may kasama ako eh...and she said na pwede ka naman daw sumama." He said while driving...teka!? Lagpas na kami sa amin!

" Sige na nga, sasama na po ako duffy duck...tutal lagpas na pala tayo." I said.

"Yes!"

" Anong yes? Kausap mo?" Bigla bigla nalang kasing nagsasalita.

" A-ah? Uhm, don't mind me. Malapit na tayo."

At dahil nabobore na ako ay tumingin nalang ako sa labas...ewan ko ba pero binibilang ko yung mga nadadaanan kong tao. Hihi wala lang pampawala ng pagkaboring...

" We're here." Sabi niya.

Pagkabaling ko sa direksyon nya ay nakita ko ang isang magarang bahay. Bahay pa ba to? Eh papasa na to bilang mansyon eh.

" Ah? Nasan tayo?" Tanong ko.

"Our house." Simpleng sagot nya.

"Ano!? Bahay nyo yan!? Grabe! Ang yaman nyo pala?" Gulat na sabi ko.

" Mayaman ka rin naman ah."  Sabi nya sabay pasok ng kotse nya sa loob.

"Pero di kasing yaman nyo." Sabi ko naman.

"Anyway, it's my Parents' wedding anniversary for your info." He said.

"A-ah? P-pwede pang magback out?" Diko alam pero parang gusto ko tumakbo. Isn't weird na pang family pala nila yung occasion tapos andun ako?

"Na ah. Tsaka they'll be very glad to welcome you. Hindi naman sila nangangain ng tao." He said convincing me.

Magsasalita pa sana ako ng narinig ko ang isang matinis na sigaw ng bata.

" Kuyaaaa!!" Sigaw ng paparating na bata sabay pabuhat sa kuya nya.

"Hi baby! Ano? Did you have a great day?" Owww! Sweet kuya.

"Yes kuya! Uhm, is she Ate Hope?" Tanong nya sabay tingin sakin. Oh my! Ang cute nya! Sarap kunin nung pilikmata nya.

"A-ah? Kilala mo ako?" Tanong ko sa kapatid ni Duffy duck.

"Of course! Diba kuya sya yung kinikwen-vnckbdkhc!nf!"

"Ah eh...diba gutom ka na baby? Bilis pasok ka na." Aba! Bastos palang kuya to eh. Bigla bigla nalang tinakpan yung bibig ng kapatid nya habang nagsasalita. Diko tuloy naintindihan yung sinabi nya.

"Bad kuya! Hmmp! Baba mo po ako" nagtampo ata? Ibinaba naman sya ni Abo.

"Oh my! Ate Hope!? Is that you!?" Oh! Si Purple pala.

"Ah...yeah?" Sabi ko. Ang hyper nilang magkakapatid ah? I wonder? Ampon siguro si Abo. Hahaha.

"What are you laughing at?" See? Ang seryoso nya. Buti nalang gwapo to. Kundi...

"Nothing...naisip ko lang kung ampon ka ba, kasi tong dalawang kapatid mo ang hyper tapos ikaw parang bato." Sabi ko sakanya.

" Tch."

"Kuya, Girlfriend mo na ba si Ate Hope?" Biglang tanong ni Purple na kinagulat ko. Tinignan ko si Abo.

Naku! Diba dapat ako ang magblush!? Hustisya naman oh! Namumula na kasi yung pisngi nya, and he's cute. Pero...ugh!Ang hilig nyang magblush, dapat ako yun eh! Role ko yun kasi ako yung babae! Hmmmp!

"Yieee! Kuya! You're blushing again! Hahaha...So ,Ate Hope, are you...are you two na?" She asked.

"Ha? Not......"

"Awwww!"

".....yet"

"Oh my Goddddd?!!!! Kyahhhh! So ibig sabihin may pag asa si Kuya?" Hmmm? Gusto kong makita na magblush ng super si Abo kaya, why not hahaha.

"Well?" Tapos tinignan ko si Abo na kasalukuyan ngayong namumula XD. "Kung manliligaw siya, baka may pag-asa?"

"Kyaaah! Kuya sabi ko sayo eh! By the way Ate Hope, this is Aqua...our younger sister"  oh! Bagay sakanya yung name nya. She's beautiful as the water.

"Let's go inside. Baka naghihintay na sila mom at dad." Sabi ni Abo.

Pagpasok namin sa bahay nila ay diko maiwasang mamangha. There's a chandelier in the middle that shouts it's price! Ang ganda! Hmm. The walls are designed with classic paintings! I love paintings!.

Diko maiwasang lumapit sa isa doon. It was a painting of a litte girl and boy in a field of roses. They look very wonderful even if they are only children. It looks like it was so familiar to me. The field, the red roses and that smile? I wonder why.

"That was the painting of my son." May nagsalitang babae sa likuran ko. Pagpihit ko sa direksyon nya ay nakita ko ang isang babaeng mukhang anghel! Im not being OA in here. It's just that she was looking genuine like an angel! She was smiling ears from ears. And all I can say is that, she's an epitome of an angel.

"Oh Babe, nagulat mo ata sya? Okay ka lang hija?" Ang pogi! Kamukhang kamukha nya si Abo! Teka! Sila ba yung mga magulang nya!?

"Ah...ah opo. Good evening po" bati ko sabay bow.

"Yahh! You're so beautiful hija! I like you!" Ha?

" Mom!...stop that, you're scaring her. By the way, Pand- .....Hope, this is Grace, my mom and this is Kuen, my dad." Pakilala sakin ni Abo sa mga magulang nya.

"Hi po. Nice to meet you!" Nakangiting sabi ko.

" You are so pretty! You remind me of someone." Sabi ni Tita Grace.

"Yeah, she kinda looks familiar. Nagkita na ba tayo dati hija?" Tanong naman ni Tito Kuen.

"Uhm, I Guess ngayon lang po tayo nagkita?" Sabi ko.

" So, halina kayo, para makakain na tayo." Tito Kuen.

" Ayy! Oo nga po pala. Happy Anniversary po sa inyo!" Kapagkuwan ay bati ko.

" Aww...thank you. By the way, yung tinitignan mo kaninang painting ay gawa ni Baby Blue." Sabi ni Tita.

"Mom! Stop calling me Baby Blue. Nakakahiya." Biglang sabat ni Abo.

"Hmmp! Don't want to. Basta baby parin kita." Pfft. Medyo childish din pala ugali ni tita.

"Mommy! I'm your baby!" Pag singit naman ni Aqua na ngayon ay nakasimangot na.

"Oh! Ofcourse you are also!. Come, I'll carry you." Nagpabuhat naman sya. " Come on na, let's start celebrating." Tapos ay pumasok na sila sa dining area. Naiwan naman kami ni Abo na nakatingin sa isa't isa.

" What?"

" Sungit mo. Hmmm, by the way ang galing mo palang magpainting." Puri ko sakanya.

" Tss. Don't mind it."

"May PMS ba tong vaklang to? Uhm, your painting looks familiar to me. May pinagkopyahan ka ba?"

"There's none. It's original. That's me and."

"And???" Tch. Siya pala yun. Pabitin pa!

"That's me and my first love"

---------
To be continued...

Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon