Chapter 13- Game
HOPE'S POV
Ilang araw na akong kinukulit ni Gray. He keeps on following me. At heto ako ngayon sa café kumakain kasama sya.
"Hey, Hopi. May dumi ka sa mukha." Sabi nya sabay punas sa akin.
" S-salamat" sabi ko nalang.
" You know what? You would be more prettier when you smile. Kaya sige na, Smile na Hopi" he said while grinning.
" Stop it Gray" Sabi habang tuloy tuloy lang sa pagkain.
" I will not, until you smile" determined huh?
" Teka nga, ba't ba ang kulit kulit mo? Para kang asong buntot ng buntot sakin?" Inis na tanong ko sakanya.
" S-sorry." Nakayukong sabi nya.
" Oh, that's not what I meant" naguilty ako sa sinabi ko! Bwiset kasing bunganga to eh.
" No, it's okay." Pilit ang ngiting sabi nya. " I have to go, nakakaabala na ako masyado sayo. Bye Hopi."
" W-wait!" Pigil ko sakanya pero nakalabas na sya. Bakit ba ako ganito!? Naiinis ako kapag nakabuntot sya sakin, tapos malulungkot naman ako kapag nakikita ko syang malungkot. What the hell is happening to me!?
Matapos kong kumain eh bumalik na ako sa room namin. Hinanap ng mata ko si Gray pero wala sya. Saan kaya pumunta yon?
LUMIPAS ang ilang oras at uwian na naman, at wala na akong nakitang maski anino niya. Argh! Bakit ba hinahanap ko sya!? Nakakainis!
Napagpasyahan kong mag mall nalang para naman mawala ang inis ko. Medyo marami rami na ang tao kasi uwian na ng mga studyante. Dumiretso ako sa bilihan ng mga dresses at naghanap hanap ng matitipuhan kong damit.
Bumili narin ako ng mga school supplies para sa gagawin naming project.
Matapos kong magshopping eh dinala ako ng paa ko sa may arcade. Ewan ko ba bakit ako napunta dito. Pumasok ako sa loob at madami ang naglalaro. Hmm? Ano bang pwedeng gawin dito? Tss. Makalabas na nga lang, kakain nalang ako kesa maglaro.
Palabas na sana ako pero nahagip ng mata ko ang pamilyar na imahe ng lalake. Sya ba yun?
" Hey Gray! Tara na bilis! Hahaha talo na naman kita!" Sumulpot naman ang isng babaeng may katangkaran. Maganda at maputi. Teka? Si Gray yun!?
" Tsk! Madaya ka eh!" And humarap sya sa babae. Doon ko nakumpirma na si Gray nga iyon. Nakangiti sya habang kinakausap ng babae.
" Hindi kaya! Hahaha. Tara gray sa basketball naman tayo!" Sabi nong babae sabay hawak sa kamay ni Gray at hinila sya.
Sinundan ko sila. Ang weird ko! Bakit naiinis na naman ako? Naiinis ako na may ibang nagpapatawa sa kanya. That should be m--- NO!
" Gray turuan mo ako! Bilis!" Sabi nong babae.
" Ikaw talaga Kesha! Lakas ng loob mong pumunta dito dimo naman pala alam" oh? So Kesha is her name huh?
" Ihh! Sige na! Pretty Pleaseeee?" Sabi ni Kesha.
" Sige na nga! Naku! Kung di lang kita mahal!" Sabi ni Gray. And what? Mahal!? Niloloko niya ba ulit ako!? Sabi nya gusto nya ako tapos ngayon maririnig ko nalang na sinasabi nyang mahal nya sya!? Argh! Bakit ang sakit!?
" Yiee! Love you too!" Namumulang sabi ni Kesha. Naku! Tirisin kitang babae eh!
Nagsimula na silang maglaro ni Gray. Nakayakap si Gray kay Kesha habang hawak nila yung bola. Sweet pala huh?
Umalis nalang ako doon bago ko pa sila sapakin. Bwisit! Akala ko pa naman kaya sya wala kasi nagtatampo sya! Damn him! Bwiset sya!
Dumiretso ako sa isang restaurant at kumain mag isa. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng may tumapat sakin. Tinignan ko kung sino ito. It's Ash.
" Paupo" Tignan mo to diko pa sinasabi kung pwede syang umupo eh umupo na!
" Wow! Ang galing? Nagsabi ka pa, kung uupo ka na rin lang agad?" I asked sarcastically.
" What's the use of asking kung alam ko naman na papayag ka?" He said while grinning.
" Pilosopo. Bakit ka nga pala nakitabi sakin eh madami pa namang vacant?" Madami naman talaga.
" Because I want to. And I want to be with you"
" Huh? Ano yung huling sinabi mo?" May sinabi pa sya eh. Kaya lang diko na naintindihan.
" Nothing." Pinanliitan ko sya ng mata.
" Sasabihin mo o sasapakin kita?" Pagbabanta ko.
" I don't want to" he said while smiling. Waah! Ang gwapo nya!
" ihh! Sige na! Sabihin mo na! Kainis naman oh!" Pangungulit ko.
" You look cute while pouting" unconscious na sabi nya.
Natigilan ako.
" Sabi ko na nga ba! Crush mo ako Abo noh?" I said while smirking.
" N-no. Don't be assuming." Ang cute! Namumula syang nag iwas ng tingin.
" You know what? You look cute when you blush" sabi ko.
" I am not a dog. I'm not cute" nakasimangot na sabi nya.
" May ganito ka palang attitude Abo? Hahaha... You look adorable in your childish act!" Tumawa tawa pa ako kasi yung reaction nya. Dimo maintindihan kung nahihiya o ewan.
Nawala ang ngiti ko ng nakita ko kung sino yung pumasok. It was Gray and Kesha! Holding hands huh? Pwe! Bwiset!
" Oh? Why suddenly serious?" Biglang tanong ni Ashton.
" Nothing. " Sabi ko sabay tingin ulit sa kanila. Na sana diko nalang ginawa. Ewan ko ba bakit masakit na makita silang dalawang magkasama. Nagsusubuan pa! Malason sana kayo.
" Hey! Look at me. Siya ba?" I felt something na para akong nakuryente nang hinawakan ni Ash yung chin ko sabay pinaharap sa kanya.
" Huh? Anong sya ba?" Naguguluhang tanong ko.
" Yung dahilan bakit ka umiiyak last time na nagkita tayo. Remember? Sa court?" Oh! Nakakahiya! Nabasa ko pa yung damit nya noon.
" Ah eh...basta." sabi ko nalang.
"Una na ako. Bye Abo" sabi ko.
" Bye " Sabi nya rin.
Madadaanan ko yung table nila Gray. And unfortunately nagtama ang paningin namin. Nagulat sya ng makita ko.
Tumigil ako sa tapat nila.
" Hi Gray!" Ngiting sabi ko.
" A-anong g-ginagawa mo dito Hopi." Gray.
" Wala lang. By the way, Hi!" Sabay baling ko kay Kesha.
"Hello!" Nakangiting sabi naman nya.
" Bye... And oh! Wait! May sasabihin pala ako Gray."
"W-what is it?"
" You've just made a new game. Playing with me again? You better play hard 'coz this time, I'll make sure that I win. I may not be a professional player like you, but I'll make sure that in the game you've started, I'm the winner and you're the loser" iniwan ko syang nakatulala sa akin. Sige lang. Maglaro tayo.
BINABASA MO ANG
Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)
HumorTic tac toe. Who can guess if who are you? She left... Now, she Returns. The question is, Are you Ready? Or not? 'She' was 'She' ,. But,. Is 'She' also 'Her'? ------------------------ He was left, Now...