Chapter 18

584 17 0
                                    

Chapter 18- Bihisan mo'ko?

HOPE'S POV

Agad naman akong pumunta sa kwarto ko para magbihis. Kasunod ko lamang sila Manong Jed na buhat buhat si Gray. Matapos kong magbihis ay naalala ko na wala palang pamalit si Gray. Basa ang damit nya tsaka nilalagnat pa sya.

Agad akong pumunta sa kwarto nila papa para humiram muna ng damit. Baka may naiwan pa sila doon. Hmm? Kailan kaya sila babalik ulit?

Pagkakuha ko sa isang t-shirt at shorts ni papa ay agad akong pumunta sa guest room kung saan nandoon si Gray. Siguro naman kakasya sakanya tong damit ni papa.

Pagkapihit ko palang sa knob ay kita ko na ang mukha ni Gray na nakaharap sa aking direksyon. Napaka aliwalas ng mukha nya. And I must admit na he's so handsome.

Unti unti akong lumapit sakanya. Kita ko ang panginginig nya kahit na balot na balot na sya ng kumot.

" Gray. Uy! Magpalit ka muna" paggising ko sa kanya.

"..."

" Grayyyyy?? Magpalit ka na oh. Basa pa yang damit mo. Mas lalo kang lalagnatin nyan eh!" Maktol ko kasi hindi parin nya ako pinapansin.

"Hmmm" rinig kong daing nya.

" Tsk! Bilis na para makakuha na ako ng gamot." Sabi ko sabay sundot ulit sa tagiliran nya.

" Bihisan mo ako" mahina lamang ang sabi nya pero rinig na rinig ko parin.

"Ha? Niloloko mo ba ako!? Gray!" Anong bihisan!? Baliw ba sya!?

" Bihisan mo ako" ulit nya saka mulat ng mga mata nya na ngayon ay nakatitig na sakin.

" Ayoko" sabi ko.

"Hmmp" tignan mo nga naman oh! May lagnat ba talaga to!? Kung magsungit kala mo bata na inagawan ng candy eh? Talikuran ba daw ako?

"Tsk! Fine! Bilis na nga! Tumayo ka na dyan!" Argh! Ano ba tong pinasok ko?

Unti unti naman syang humarap sakin. Sumilay ang ngiti nya na mas lalong nagpagwapo sakanya. Hustisya! Bakit gwapo parin sya kahit na nilalagnat!?

" Tu-tulungan mo akong tumayo." Nahihirapan syang tumayo.

"Wait- aayyyy!" Itataas ko na sana sya kaso tinabig nya ang kamay ko. Ending, napasubsob ako sa leeg nya! Waah! This is so awkward!

"Hey, Hopi. Alam kong mabango ang leeg ko pero, pwede mo na ba akong bihisan? Ang lamig na eh" ahhh! Nakakahiya! Inamoy ko ba yung leeg nya? Di naman ata?

"A-ah ah eh . Wait lang." Kalma self!

Nang maibangon ko na sya eh hinanda ko na ang t-shirt para isuot sakanya.

" Uhm. Gray, pwedeng baba ka unti? Diko abot eh, ang tangkad mo" nakaharap na ako ngayon sakanya. Hanggang leeg nya lang ako eh.

"Oh. Sige" bumaba nga sya.

"Tanggalin mo na yang jacket, para madamitan na kita. Tsk! " Asik ko. Kita ko naman ang pagsilay ng ngiti nya.

"Ikaw na" isang nakakalokong ngiti naman ang ibinigay nya sakin. Naku! Ano bang nakain ko at sinusunod ko sya? Eh diba nga galit galit muna ako ngayon??

" Pinaglololoko mo ba ako Gray?" Inis na sabi ko naman.

"Hindi" nakasimangot na tugon nya.

" Bilis na! Bago pa magbago ang isip ko" sabi ko dahilan para tanggalin nya ang jacket nya.

Napalunok ako. My God! Pikit mata!

" Oh bakit ka nakapikit Hopi? You are free to see?" Sabi nya na tila nang aasar.

" Wag kang magulo. Oh! Taas mo na kamay mo para masuotan na kita" pikit mata parin ako habang sinusuot sakanya ang damit.

Nang maisuot ko iyon sakanya ay bigla nya akong hinapit ng mahigpit na yakap. Dahilan para mapasubsob ako sa katawan nya. Isiniksik naman nya ng ulo nya sa leeg ko.

"Gray-"

"Let me stay like this muna Hopi" he said. Ramdam na ramdam ko parin ang init ng paghinga nya sa leeg ko. Pati narin ang katawan nya na dikit na dikit sakin.

" Gray, di pa naman ako aalis" sabi ko naman. Pero imbes na lumuwang ang yakap nya ay mas humigpit pa ito.

" Hindi ka nga aalis, pero I know na hindi ko na ito magagawa kapag andyan na sya. " Sinong sya?

" Bitaw na. Kukuha na ako ng gamot para gumaling ka na. Dito ka na matulog." Sabi ko. Thankfully kumalas na sya sa yakap.

" Sige. Babalik ka ha?" Pahabol nya bago ako makalabas sa kwarto.

"Oo na. Hindi naman ako aalis. Wala naman akong pupuntahan. Haller? Bahay ko to no?" Diko maiwasang magtaray sakanya. " Tsaka ito oh! Shorts. Magbihis ka na. " Sabi ko sabay bigay sakanya ng shorts na kanina ko pa pala hawak.

" Hahaha. Mataray ka parin pala" sabi nya pero hindi ko na pinansin at tuluyan na akong lumabas.

Pagbaba ko sa kusina ay agad kong nadatnan si Yaya Lynn.

"Lynn, may gamot ba tayo para sa lagnat?" Tanong ko sakanya.

"Ah? Sa pagkakatanda ko eh meron sa cabinet. Wait lang Ma'am kukuha ako." Sabi nya sabay alis at kuha ng gamot.

Ako naman ay dumiretso sa kitchen area para maghanap ng pwedeng ipakain kay Gray. Hmm? Magluto nalang kaya ako?

Naghanap nalang ako ng mga ingredients saka nagluto. Sopas nalang ang niluto ko kasi madali lang syang lutuin. Pagkatapos kong magluto eh dumating si Yaya.

"Oh ma'am? Bakit ka nagluluto? Meron pa naman kaming nilutong pagkain nyo po." Sabi nya.

" Ah para kay Gray ito." Sagot ko naman.

"Ay! Si pogi!" Ako lang ba? O talagang nagtwinkle yung mata nya?

" Tsk. Asan na yung gamot? Tsaka bakit ang tagal mo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ah. Chinika chika ako ni ate Lou doon eh. Heto oh. " Sabi nya sabay abot ng gamot.

" Ikaw talagang babaita ka! Naku kung dilang ako mabait natanggal kana."

"Hihi! Lab you too ma'am!" Sabi nya sabay alis.

Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon