Chapter 3- Hi? Ex-bestfriend
HOPE'S POV
I am now on my way papuntang locker area. Hindi na ako naligaw kasi may map na ako. Feeling ko tuloy ako si dora eh. Pero duh! Ang ganda ko namang dora pag nagkataon!
Hmm? San na ba yung locker ko? Number 099 kasi yung locker na naasign sakin. Tsaka yung mga nadadaanan kong locker pang five hundred six na ah!? Baliktad ata pinasukan ko? Sa dulo ako nagumpisa!? Daheck! Kainis! Ang sakit na ng paa ko kakalakad. Naka heels pa man din ako.
Ho! Malapit na ako! 110...099! Waah! At last! Nakita rin kita! Wooh! May pangalan na ako agad na nakadikit? The management is fast huh?
Pagkabukas ko sa locker ko eh nilagay ko na yung ibang laman ng bag ko. Nagdala kasi ako ng extrang shirt. Pagkasarang pagkasara ko naman eh nakita ko sa tabi ko yung babaeng pinagtanungan ko kanina sa daan. And she's smiling at me like an idiot?
Ugh! Natotomboy ba sya sakin?
"Hi! We meet again!" Masiglang bati nya sakin. I can say na ang ganda nya. And she looks kinda familiar? Maybe nakita ko na sya dati?
" Hello? " Naiilang na tanong ko.
" Uhm, hi ate! I'm Purple" pagpapakilala nya sabay abot ng kamay nya sakin.
" I'm Hope. " Sagot ko naman kasi nakakahawa yung ngiti niya. Model ba tong batang to ng toothpaste?
" Omo! Ate ang ganda ganda nyo po! Irereto kita kay kuya!" Huwaat!? Kakakilala lang namin irereto na agad? Ang bilis naman ng batang to.
" Ah hehehe... Bye na muna. Papasok pa ako eh." Sabi ko nalang sabay alis. Mukha kasing matutulala na naman siya eh.
" See you next time ate!" Rinig kong sigaw nya. Ang weird nya. Pero nakucutetan ako sakanya. She's bubbly!
-
Papunta na ako ngayon sa room namin. Actually alam ko na kung asan yun. Nadaanan ko na kasi kanina yun habang hinahanap yung dean's office. Ang kaso lang nasa third floor pa yun.'Ano kayang una kong gagawin pag nakita ko sila? Siguro ipakita kung sinong niloko at sinaktan nila? Pero, gamit na gamit na yung style na yun eh! Hmm? Ano kayang pwedeng gawin? Suggest ka nga.'
Habang nag iisip ako kung ano ang gagawin ko kung sakaling magkita kami ngayon araw eh may nabangga ako.
" Aaaaaah!"
ASH'S POV
I am still wearing my usual face as I walk in the stairs. Not minding the stares from the girls. And speaking of girl.
Hindi parin mawala sa isip ko yung mukha nung babae kanina. Damn! What is happening to me!? The hell! Ngayon lang ako nagkainteres sa babae. Here at this University. I am named the cold prince. Kasi naman, I don't usually talk to others, tanging sa kapatid ko lang ako nakikipag usap. And ang nangyari kanina sa hallway is, I don't know? It's like my whole system is captivated by her presence!
Damn! What is happening to me? I can still clearly see her face! And all i can say is that, she's pretty! No! scratch that! The right word is Gorgeous!
Habang inaalala ko yung nangyari kanina eh diko namalayan na may mababangga na pala ako.
"Aaaaaah!" I quickly hold her waist to save her from falling. Nasa hagdan pa man din kami.
Habang hawak ko siya, diko maiwasang hindi sya titigan.
Sya yung babaeng kanina pa gumugulo sa sistema ko!
HOPE'S POV
"Aaaaaah!" Napapikit nalang ako dahil dun. At hinintay ang pagbagsak ko.
Pero...teka? Ang tagal ko namang mahulog? Naka slow mo ba yung oras?
Kasabay ng pagdilat ko sa mga mata ko eh sya namang pagtingin ko sa abuhing mga mata! Waaaah! Ang pogi! Naku! Umaatake na naman ang kalandian!
Teka? Sya yung lalaki kanina sa hallway. Mas gwapo pala sya sa malapitan. Ang tangos ng ilong at ang kinis ng mukha...matanong nga kung anong gamit niyang sabon. Napatingin naman ako sa lips niya. Waah! Erase erase! Kailangan ko na atang uminom ng holy water! Kung ano ano iniisip ko eh.
" Ehem!" Pagtikhim nya na nagpabalik sakin sa realidad.
Oh my! Sana di nya nakita na tinititigan ko sya.
" Sorry" paumanhin ko.
"..." Tinanguan lang niya ako sabay bitaw sakin. Umalis narin sya na parang walang nagyari.
Anong problema non?
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang makaabot ako sa room namin. Time na pala? Late na ako!
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok.
" Hi ma'am! Good morning. Transferee po ako dito." Sabi ko sa professor na nasa harap, halatang magsisimula na sila sa discussions.
" It's okay." Sabi nya and motioned me para pumasok.
" By the way,magpakilala ka muna." Dugtong nya pa habang tinititigan ako.
Pumunta narin ako sa gitna at nagsimulang magpapakilala.
" Hi! I'm Hope Hathaway. 18 years old. I just came back from States. Im pleased to meet you all!" Maikling pagpapakilala ko.
Habang nagpapakilala ako eh nahagip ng paningin ko ang isang pakay ko kung bakit ako bumalik.
" Okay. Ms. Hathaway, you may now take your seat. May vacants pa naman." Prof.
" Yes ma'am." Sabi ko without looking at her. My attention is attached to the person who made me feel the pain years ago.
As I walk through 'her' direction, I can see uneasiness in her. Sakto naman na vacant yung katabi nyang upuan. I wonder why? Pero dun ang patungo ko.
Dumiretso ako sa kanya at tumabi.
" Hi? Ex-bestfriend!" Sarkastikong sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.
![](https://img.wattpad.com/cover/174371552-288-k459221.jpg)
BINABASA MO ANG
Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)
HumorTic tac toe. Who can guess if who are you? She left... Now, she Returns. The question is, Are you Ready? Or not? 'She' was 'She' ,. But,. Is 'She' also 'Her'? ------------------------ He was left, Now...