Chapter 3

1.7K 174 38
                                        

Zayieh

"Bye! Kita kita na lang tayo mamayang uwian." paalam ko sa kanila at kumaway pa.

Kumaway din sila pabalik kaya umalis na rin ako. Doon ko lang nalaman na sa second class at third class ko kaklase si Skie. Ayos na din atleast isa sa kanila ay makakasama ko sa iba kong subjects.

Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa tapat ng kwarto ko. Ganoon nalang ang pagbusangot ng mukha ko ng makita ko yung seatmate ko kanina. Mukhang seatmate ko na naman si SB, Sungit boy. Tsk! I prefer to call him that since it really suits him well, napaka-sungit!

Naglakad na ako papasok at dahil bago pa rin ako ay hindi ko pa kilala yung iba kong kaklase. Busy ako maghanap ng ibang bakanteng upuan dahil ayoko talaga tumabi sa lalaking 'yon nang may bumunggo sa akin.

"Aray! Ang lawak lawak ng daan, hindi nalang tumabi!" Sigaw ng nakabunggo sa akin

Napataas ang kilay ko, aba! At siya pa ang may ganang manigaw, siya na nga 'tong bigla biglang nambubunggo! Malawak ng ang daan 'edi sana siya nalang nag-adjust! Halata namang sinasadya niya.

"Ikaw ang gumawa, ikaw nakaisip eh." Kalmado kong sagot kahit inis na inis na ako.

"Wow! Sumasagot ka pa! Sana tumabi ka nalang para hindi kita nabunggo! Kabago-bago hindi ka marunong umasta nang maayos." Sigaw nito ulit at parang nagpantig ang tenga ko sa narinig.

Huminga ako nang malalim bago ko siya pinanlisikan ng mata, bahagya pa siyang nagulat pero binawi niya agad ito at nilabanan ang titig ko.

"Pa'no ko gagawin kung nangyari na? Tara take two! Tss!" inirapan ko siya, hindi ko na matago ang pagkairita ko, na ikinalaki ng mga mata niya. Gulat lang?

"How dare you to irap irap me?! I can't believe this!" Natawa ako ng bigla siyang mag-conyo. Mukha mapapasabak pa ata ako sa englishan.

"How dare me? Well, I dare myself cause it's a dare! And don't you dare ask me what dare is that! Because I don't care!" Sabi ko at finlip ko pa hair ko para masaya, nginisian ko siya alam kong mukhang tanga ang sinabi ko.

Nakarinig ako ng tawanan sa gilid ko at doon ko napagtantong pinapanood pala kami ng mga kaklase ko, nakakahiya!

"Oh?! You're good at english! But I am better!" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

Angas ka na niyan?

Sino ba 'to? Kung makaasta akala mo maganda! Well, she had this perfect round face, I can say that she has this beauty pero mukhang ang OA na, gawa kitang kita ang kapal ng make up niya.

"Sino ka ba? Maganda ka ba para sagutin ako ng ganiyan?" tanong niya ulit, bahagya ko siyang tinaasan muli ng kulay, hindi ko 'to uurungan! Namumuro na eh!

"Oo, maganda ako! Ikaw ba maganda? Saan banda?! 'Di ko kasi makita" nakangisi kong sagot sa kanya at bigla siyang namula sa galit, kung nag-sorry ka nalang 'edi tapos na tayo!

"How dare you--!" Akmang sasampalin niya ako ng biglang may humili sa akin.

Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng SB yung humila sa akin. Idinala niya ako sa likod niya upang sa ang sumalo sa kamay nung babae.

"Stop that! Walang kwenta ang usapan niyo, and don't you dare to slap her face or else I'll slap you! Let's go" Sigaw ni SB sa babaeng maarte. Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko kaya nakatungo akong nagpahila kay SB. Malalaki ang mga hakbang niya papunta sa upuan niya na halos ikatapilok ko! Masakit na ang paa ko!

"Hoy! Ba't mo ba ko hinihila? Sakit na ng paa ko ah!" Sigaw ko sa kanya at sakto naman ay tumigil na siya sa paghila sakin kaya nagawa kong maupo at masahihin ang paa ko.

"Pake ko sa paa mo?! 'Wag ka na nga makipag-away kay Marielle, 'di mo siya kilala at baka mapasama ka pa sa pagsagot sa kanya!" Sabi nito bago naupo sa tabi ko.

Ramdam ko ang paninitig sa amin ng mga kaklase ko bago ako makarinig ng naiinis na tili nung babae bago siya lumabas at nilagabog ang pinto. Kapag 'yan nasira yari ka!

"Sino ba siya? Kung makaasta kala mo siya may-ari ng school! Ang arte pa!" Sabi ko sabay irap sa hangin.

"Tss! Most of the students call her 'Queen', nobody had the right to mess up with her." Sabi nito na ikinatawa ko.

Queen?! Ang baduy!

"Oh? Ano naman kung reyna siya? This is a school! Not her kingdom!" Asik ko na ikinagulat niya.

"Bakit ka ba naniniga-!" Napatigil siya nang may sumigaw bigla.

"Mr. Rovlez and Ms. Salvadore stand up!" Sigaw ng guro namin sa history subject.

Patay! Hindi naman namin napansin na nandito na siya agad, at doon ko lang nalaman na pinagtitinginan na pala kami ng classmates namin.

"S-sorry p--" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya nanaman ang sasabihin ko.

Ba't ba ang hilig niyong putulin ang mga sasabihin ko!

"Dahil nagsisigawan kayo sa klase ko, " Bahagya siyang tumigil at nag-isip ng kung anong parusa."Kayong dalawa ang magpartner sa mga activities na kailangan ng partners sa history class. In a whole school year! You heard me, In a whole year. Para naman 'di na kayo mag away." Sabi ni sir na ikinalaki ng mga mata ko. You could've be kidding me?

Damn, in a whole year siya ang lagi kong kasama sa history class? At anong para 'di na kami mag-away? Seatmate pa nga lang kami nag-aaway na kami partners pa kaya!

"What?! Sir, you can't do that to me! Ayoko siyang ka-partner! Magiging walang kwenta ang whole school year ko 'pag siya ang lagi kong kasama sa history!" Reklamo ni SB.

Wow! Parang pinapalabas mo na boring ako ah! Sana madapa ka mamaya after ng class na 'to!

"Yes, I can do that to you. Your dad doesn't want me to give you a special treatment, not because you are his son. Mr. Rovlez, stop shouting. So disrespectful!" Galit na mukha ang ibinigay niya kay SB kaya napatungo ito at hindi na muli sumagot.

"This is your fault" bulong niya bago maupo.

"Why me? It's your fault sinisigawan mo ko eh. Kaya sisigawan din kita. " sabi ko sabay smirk na ikina-inis niya..

Ang kyut niy-- ko! Ang kyut ko mainis!

+++

I was frowning until my classes ended. Sinalubong ako nila Skie, Zouie at Raine sa garden. "Uy! Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Skie nang makalapit ako.

Tamad akong naupo sa upuan. Nagpapadayak muna ako sa inis bago ako nagsimulang magreklamo sa kanila tungkol sa nangyari sa History class.

"Eh kasi naman bakit ang panget ng schedule ko this year! 'Di ko manlang kayo nakasama sa last year ko sa highschool!" reklamo ko na ikinatawa nila.

"Okay lang 'yan may college pa naman eh, tsaka feeling ko itong year na ito ang magiging pinaka-memorable sayo, promise!" Sabi ni Zouie na ikinairap, knowing that I will be with SB the whole year, I would rather fail that subject!

"Eh, hindi naman tayo pare-pareho ng course na kukunin eh." Sabi ko habang naiinis.

Nagtawanan sila at bahagyang hinampas si Zouie.

"Hahaha! oo nga 'no, ang bobo ko." Napapakamot nitong sabi.

"Dati pa!" Sabi ko habang ngumingisi.

"Ah! Skie oh! Inaaway ako!" parang batang sumbong nito sabay hawak sa braso ni Skie.

"Totoo naman eh" natatawang sagot ni Skie..

"Rai- nasaan na 'yon? Ang bad niyo ha! " Umirap ito sa'min.

Kanina pa nagpaalam si Raine na aalis na siya kasi nandoon na ang sundo niya. Kumaway na rin ako sa kanila ng matanaw ko na ang kotse namin.

"Hahaha! Joke lang 'yon. Sige guys, uwi na ako andyan na sundo ko bye!" Sabi ko halik sa mga pisnge nila,

"Ingat!" Pahabol ni Zouie at sabay narin sila tumayo ni Skie.

"Tara na po" bungad ko kay manong, pagkasakay ko ng kotse.


^^

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon