Chapter 37

694 51 10
                                    

Zayieh

"Congratulations!" We celebrated while holding the trophy.

Napakasarap sa feeling dahil lahat ng pagod na dinanas namin during training ay maganda ang naging kapalit. I hugged all of my players, maging ang dalawang babae na naging ka-close ko na rin dahil dito. "Thank you, Jeany and Cherrie! I am proud of you!" I congratulated them.

Nang makabalik sa bench ay tuwang-tuwa naman si Mommy sa pagpi-picture sa akin habang hawak ang trophy. "Ang gagaling ninyo!" Kuya Dylann hugged me and my friends. Nakangiti akong niyakap ni Kuya Daniell at ni Daddy. "Let's have a celebration, anak!" Aya ni Mommy.

"I promised a dinner with them, Mommy. We had a deal," Paalam ko rito, ang akala ko ay hindi nila ako pagbibigyan.

"Then let's go all together! We must celebrate this, Anak!" Excited na sabi ni Mommy.

Pumayag naman sa ganoong set-up ang mga kaibigan ko. Hanggang sa makalabas kami ng gymnasium ay dinudumog kami ng mga estudyante, may ilan pa rito na gustong magpapicture. Naga-ala bodyguard pa nga itong mga lalaki kong kaibigan maging ang kambal dahil para talaga kaming artista sa ginagawa nila. 

"Zayieh, can I have an interview with you tomorrow? Paper purposes!" May isang sumigaw pero hindi ko nakita kung sino iyon kaya hindi ako nakasagot sa kaniya.

"Jusmiyo, daig niyo pa players ng Ateneo at UST eh!" Reklamo ni Kuya nang makalabas kami ng campus.

"Kaya dapat ngayon palang nahingi ka na ng autograph namin," pagbibiro ni Raine na ikinatawa nina Mommy.

"Oh siya mga hijo at hija, magsipag-pahinga na muna kayo. Before dinner, pwede na kayong pumunta sa mansion. Invite as many as you can!" Masayang aya ni Mommy.

"Sure, Tita! Are we allowed to drink?" Raine asked, mabilis namang pumayag si Mommy pero wine lang daw tapos yung boys pwede naman basta sina Daddy at twins ang kainuman.

Hinintay muna namin silang makaalis lahat bago kami umuwi. "We'll prepare the feast, magpahinga ka na muna. You carried the two games, your arm probably hurts." Natatawang sabi ni Mommy. I kissed her on her cheeks before I went upstairs. Naglinis lang muna ako ng katawan bago ibinagsak ang sarili sa kama.

I slept for two hours, ginigising na ako ni Mommy dahil parating na raw ang mga kaibigan ko. Mabilis naman akong bumangon upang maligong muli. I wore a simple dress for this celebration. Nang makababa ako ay saktong kararating lang din ng mga kaibigan ko.

"Feel free, mga anak!" Pagsalubong nina Mommy.

"Thank you, tita! Heto po bumili po kami ng pizza, pandagdag po sa handa." Masayang inabot ni Zouie ang limang box ng pizza.

"The dinner is waiting for you at the garden, doon kami nag-set up. Anak, dalhin mo na sila roon." Utos ni Mommy, mabilis naman akong lumapit sa kanila para yakapin isa-isa.

"Boys, drink reponsibly! May mga laro pa kayo bukas." Paalala ko sa mga kalalakihan.

"Ang ganda ng bahay niyo, Zayieh." Hindi makapaniwalang sambit ni Lara na sinang-ayunan ni Bokbok.

"Salamat," Masaya kong sagot.

Gaya ng inutos ni Mommy ay dinala ko sila sa garden. Naroon ang ilang maids namin na inaayos at binabantayan ang pagkain. Isang mahabang table at iba't ibang putahe naman ang mga pinrepare ni Mommy. How did she finish that in just 2 hours. Napansin ako ang pagtahimik ni Shaun, matagal naman na siyang tahimik pero para siyang kinakabahan na ewan.

"Huy, ayos ka lang ba? Hindi ka mapakali," Natatawa kong kinulbit si Shaun.

"It was my first time having dinner with your family." sambit nito.

"Marami naman tayo and Mom invited all of you. There is no need to worry," I assured him.

Pinaupo ko na sila at sakto rin namang dumating na sina Daddy kasama ang kambal. Isa isang nagmano ang mga kaibigan ko kay Daddy at binati ang mga kapatid ko. Mabilis naman na naka-close ni Daddy at Kuya Dylann ang mga kaibigan ko habang si yung nonchalant ko pang Kuya ay nagse-selpon lang.

"May laro ba kayo bukas mga hijo?" Tanong ni Daddy sa mga lalaki,

"Mayroon po, Tito. Pero 3rd game palang po namin iyon, sa Biyernes pa po ang championship game namin. Leading din po kasi ang team namin." Magalang na sagot ni Shaun.

"Ikaw ba ang captain?" Tanong ni Daddy na ikinatango ni Shaun. "Ako rin dati eh, nung nasa highschool ako. Ako rin ang captain at MVP sa school namin." Pagyayabang ni Daddy na nagpatawa sa lahat.

"Ayan na naman siya sa pagdadala ng bangko niya, lagi ka ngang pinalalabas noon at puro ka foul." Biglang singit ni Mommy na dala-dala ang dalawang plato ng pizza.

"Isan beses lang 'yon, nainis lang ako sa kalaban namin noon." Pag-irap ni Daddy. "Kasi dating manliligaw ni Mommy 'yon!" Singit ni Kuya Dylann na pinagmulan ng kantyawan ng mga kaibigan namin.

"Kaya pala! Maski naman ako ganiyan gagawin ko Tito!" Pagkampi ni Ren.

"Ang mahalaga Tito, kayo po ang endgame!" Sabat naman ni Raine.

"Aysus!" Kinikilig na sagot ni Mommy at tinabihan na si Daddy.

Nagtuloy-tuloy ang asaran at kuwentuhan habang kumakain kami. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko kay Bokbok dahil nakatatawa raw ito. Ang sarap lang sa feeling na approve kay Mommy ang circle of friends ko. 

"Kayo ba mga hijo ay may mga girlfriend na?" Biglang tanong ni Mommy at magkanda- samid samid na ang mga lalaki.

"I have po Tita," proud na sagot ni Ashe.

"Edi, sanaol!" irap ni Raine.

"I like someone po, Tita." Ren answered na siyang ginatungan ni Roj. "Nasa tapat niya lang, Tita!" Nanlaki ang mata ni Mommy at Raine. 

"Dalaga na ang dati kong baby!" Pangaasar ni Mommy kay Raine.

"Kinakabag lang 'yan si Ren, Tita!" Namumula nitong sagot.

"How about you, Shaun?" Daddy suddenly asked.

"Me?" Gulat na tanong ni Shaun.

"Do you like my daughter?" Tanong ni Daddy na ikinagulat nang lahat.

"Dad!" Sigaw ko, nakakahiya!

"Shaun?" Mommy asked while smiling, tila ba naghihintay ito ng isasagot ni Shaun.

"I like her po," Shaun answered shortly, making my friends squeal and jump for joy.

"Shaun!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my gosh! I told you, Hon!" Tuwang-tuwang nagtatatalon si Mommy na nagpatawa kay Daddy at sa kambal.

Para akong pulang kamatis ngayon, anong nagpalakas ng loob ni Shaun at nagawa niyang sagutin ang tanong ni iyon ni Daddy. Hindi pa nga siya naamin sa akin personally pero sa harap ng pamilya ko nagawa niyang umamin!

"I have no plan to rush things po, Tita, and Tito. I want to get your permission to court her." Huling sambit ni Shaun at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.


Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon