Zayieh
Right after the orientation ay humiwalay na kaming mga volleyball team sa basketball team, nilakad pa namin yung court na magiging training area namin. Kasama ko ang mga kaibigan kong nagpapahinga ngayon, water break. First day of training pa lang para na kaming nilamog ng coach namin. Nalaman ko rin na kaklase ko na ang mga babae kong kaibigan, muntik na akong hindi maniwala pero mukhang totoo nga ang sinasabi ng mga ito.
Flashback
Naglalakad na kaming apat papunta sa volleyball court, maliban kay Bokbok kasi wala siyang sinalihang sports ngayon. Nabanggit ni Lara ang tungkol sa pagbabago ng schedule kaya nagtaka ako kung paano nangyari iyon.
"Now tell me, paano nabago ang schedule?" I asked, looking at them with confusion.
Lalong tumaas ang kilay ko nang mag-ngisian sila at tumawa ng nakakaloko. Ano na naman ba 'to? Mukhang pinagtitripan na lang nila ako. I raised my brow higher dahil wala akong matinong sagot na natatanggap, puro tawa lamang.
"Because of Shaun and his friends," sambit ni Raine. Huh?
"What? What do you mean? Why would they do that?!" Sunod-sunod kong tanong. Napaka-imposible naman kasi ng mga sinasabi ng babae na 'to.
"Ayaw mo ba kami maging kaklase? Grabe ka na!" Sabat ni Zouie kaya napakalma naman ang mukha ko.
"No, it's just that. It is impossible to happen, he can't just pull some strings just we are friends with them? Or baka naman sinuhulan niyo? Nagkikita naman na tayo tuwing break time ah!" Pangangaral ko sa kanila, gusto nilang sumabat pero hindi nila magawa kasi tuloy-tuloy akong nagsasalita.
Mas lumakas pa ang mga tawa nila nang tumigil ako.
"Para kayong tanga," hindi ko na mapigilan ang magmura kasi nakakapikon na yung tawa nila. "Are you guys hiding something from me?" I knew it the moment the can't look straight to my eyes.
"Kumpleto na kaya sila ro'n?" pag-iiba ng topic ni Raine.
"Isa," pagbibilang ko, roon palang ay natakot na sila kaya nagsalita na agad itong si Raine.
"May five students kasing umalis sa school, nag-vandal ba naman doon sa likod ng gymnasium, eh 'di ba bagong pintura 'yon. There, nung nalaman ko I talked to Shaun na baka maaayos niya yung schedule. Hindi ba si Shaun kaklase mo sa first subject so ipinalit nalang siya doon sa isa sa lima para maghapon natin siyang kaklase. Tama ayon nga ang nangyari, 'di ba?" kwento ni Raine, gusto kong maniwala pero hindi ko narinig ang tungkol sa nag-vandal.
"Yes, yes! That's exactly what happened" panggatong ni Zouie.
Convinced or not ay hinayaan ko na lang. Malaman ko lang na hindi totoo ang mga sinabi ng Raine ay kakalbuhin ko ang lahat ng buhok niya sa katawan.
End of flashback
"Let's go back, team!" Pagsigaw ni Coach Corruz na may kasabay pangg palaklak. Nagsitayuan na kaming magkakaibigan at pumuwesto na sa gitna.
Hanggang ngayon ay nagdududa pa rin ako sa sinabi ni Raine. May parte sa akin na ayaw maniwala kasi kung may na-expel mang mga estudyante ay dapat na kalat na sa buong campus. Hanggang sa nagsimula na ulit ang training ay lumilipad pa rin ang isip ko.
Nasa kalaban ang bola kay pinilit kong mag-focus sa laro. Nang mag-serve si Jane ay agad na tumakbo si Raine upang saluhin ito. Sa gawi ko pumunta ang bola kaya sinenyasan ko agad si Zouie na siya ang sasalo nito.
Nag-set ako at ini-spike naman ito nang malakas ni Zouie kaya hindi nasalo ng kabila. Natuwa si coach sa naging paraan namin ng paglalaro dahil naging sunod-sunod ang score namin. Kitang-kita ko na ang pagkainis sa mukha ni Marielle. Team nga pala ni Marielle ang kalaban namin ngayon, so far grupo ko pa rin ang leading. Wala pa kaming nagiging talo simula kanina.
"Nice teamwork!" Puri ng kalaban namin na agad na pinatahimik ni Marielle.
Lamang na kami ng anim na puntos nang mawala na naman ako sa focus kasi nakita kong nagdatingan ang mga lalaki. Nagtatawanan silang naupo sa bleachers habang nakatanaw pa rin sa amin. Mukhang katatapos lang ng training nila at naisipan nilang mangtrip dito.
Rinig na rinig ko ang mga tili mula sa ibang team kaya nainis ako sa hindi malamang dahilan. Sino ba kasi ang may sabing magsi-puntahan sila rito? Alam naman nilang pagpapantasyahan lang sila rito eh. Dahil sa pagkabwisit ay mas nawalan ako ng focus sa laro at huli ko na nalaman na sa akin tatama ang bola.
"Zayieh!" pagsigaw ng mga kaibigan ko bago ako nawalan ng gana.
Raine
Nasa amin ang bola at ako ang magse-serve. Nag-jump serve ako at nakapasok naman ito sa kabila. Napalingon ako kay Zayieh na nakatanaw sa mga lalaki, oh? Bakit naandito ang mga 'yan?
"Mine!" pagsigaw ni Marielle at kasabay no'n ang malakas niyang pagpalo sa direksyon ni Zayieh. Shit!
"Zayieh!" Malakas na sigaw ko at huli na para makaiwas siya. Natumba si Zayieh na agad namin dinaluhang magkakaibigan. Masama akong tumingin kay Marielle! Sinadya niya! Kitang-kita ko! Bahagya siyang ngumisi pero nawala agad ito nang magtakbuhan sa pwesto namin sina Shaun.
"I'll bring her to the clinic. Zam, deal with that bitch." Nagaalalang sabi ni Shaun at binuhat si Zayieh. Sinamahan siya nila Lara at Zouie. Sumama rin ang coach namin dahil kargo niya kapag may nangyaring masama sa mga manlalaro niya.
Samantalang ako at si Zam ay nagpaiwan. Nagtitimpi ng galit akong lumapit kay Marielle. Naramdaman ko ang paglapit ni Zam sa likuran ko at gusto akong pigilan.
"Ano bang problema mo?" Galit kong tanong at sinampal siya nang malakas.
Kaibigan ko iyon, tangina niya!
"It was an accident," nauutal niyang sambit, hindi ko alam kung dahil natatakot siya o dahil kay Zam na nasa likod ko.
"Accident? Pero ngumisi nung tinamaan si Zei? Sure ka, aksidente? Huwag mo hintaying gumanti ako sa'yo dahil hindi lang sampal matatanggap mo sa akin kapag may masamang nangyari sa kaibigan ko." sigaw ko sa pagmumukha niya at nagdabog na lumabas ng gym para pumunta sa clinic.
Zam
"Are you that insecure, Marielle?" Marahas kong inilayo sa mga kaibigan niya si Marielle at roon kinausap. Gusto kong maging mahinahon pero hindi ko magawa dahil ulo ni Zayieh ang tinamaan. Delikado kapag nasobrahan sa lakas ito.
"I'm sorry, Zam. I swear! It was an accident, I didn't know na kay Zayieh tatama." depensa nito.
"I won't argue with you anymore, I'll let Shaun handle you. Sa kaniya ka lang naman takot, pero parang hindi. Tuloy-tuloy pa rin iyang mga pinaggagawa mo." Umiling siya nang umiling.
"I apologize, it won't happen again. Please, Zam. I'll talk to Zayieh, makikipag-ayos na ako. I'm getting tired na rin naman sa mga pinaggagawa ko. Last chance, please?" pagmamakaawa nito.
Ganoon siya katakot kasi expulsion ang katapat ng ginawa niya. Kaya kong magpatunay dahil napanood ko ang ginawa niya. Hindi ko siya pinakinggang at umalis na rin sa gym. Dumeretso na ako sa clinic at naandoon ang buong barkada.
"She'll be awake soon." salubong sa akin ni Zouie.
"I can take care of her, you can guys go home. I'll inform you guys when she wakes up." pagsasalita ni Shaun. Nag-ilingan ang mga babae at hindi na naka-angal si Shaun dito.
"What happened to Marielle? I'll get her expelled." seryosong sabi ni Shaun.
"She's sorry, asking for a last chance." sabit ko.
"Ulol siya!" singit ni Raine na agad na pinakalma ng mga kaibigan.
"No more chances left for her. She has reached her limits." muling sagot ni Shaun at naupo sa tabi ni Zayieh na mahimbing na tulog ngayon.
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Teen FictionHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...