Zayieh
"Sasuke!!!! Sasuke!!!!! Nasan ka na Sasukeeeeee!!!!"
"Bakit anong nangyari kay Sasuk---aish! Alarm lang pala!" Napabalikwas ako dahil sa alarm ko.
Nayayamot ko itong pinatay, gusto ko kasing pangalan ni Sasuke agad ang maririnig ko pagkagising ko. Obviously, I like animes. Boses ko talaga 'yon, ni-record ko lang. Ginaya ko pa si Shancai na hinahanap si Daoming Si.
Tamad na tamad akong bumangon bago kuhanin ang tuwalya at dumeretso na sa banyo para maligo.
"Lalalalala lalalalala yowoni hamke nika dna~" pagkanta ko sa banyo.
Sorry na hindi ko kasi alam spelling nung kanta, korean kasi eh. Minadali ko na ang pagligo at nang makatapos lumabas na ako ng makabihis na. Sinuot kong muli ang school uniform ko. After 30 minutes ay bumaba na ako para mag-agahan.
"Good morning!" Mahabang sigaw ko pagkarating ko sa dining.
Napahalakhak ako ng makita ang mga gulat nilang mukha, si daddy na isusubo na sana yung nasa kutsara pero hindi natuloy dahil natapon. Si mommy naman na naghihiwa ng hotdog ay sumala at ang mas nakakatawa si Kuya Daniell na nabulunan pa habang nainom. Si Kuya Dylann ayun sumasakit ang ilong nangungulangot kasi tapos nagulat ayon pumasok yung daliri. Kadiri!
"Wth?!/Princess!!/Aray sakit ng ilong ko!!!" Halos sabay sabay nilang sabi na ikinatawa ko.
Nag-peace sign nalang ako bago ko sila binigyan ng tigi-isang halik sa pisngi at umupo na para kumain. Nag-kuwentuhan pa kami ng kung ano ano at tinanong din nila ang nangyari sa first day ko. Of course, I didn't tell them about the fight.
"I'm done! I need to go na, bye!" Paalam ko nang makatapos sa pagkain.
Hinalikan ko sila sa pisnge bago ako umakyat muli sa kwarto para magsipilyo. 7:30 na nang makaalis kami ng bahay, since my school is just 10 minutes away from the house may time pa ako para tumambay.
D-deretso na lang siguro ako sa garden dahil ayoko munang makita ang pagmumuka ni SB at bakamasira pa ang araw ko. Pero dahil mapalad nga ako ngayong araw. Nakita ko siyang naglalakad papasok sa gate na kung saan ako papasok. Pinanood ko siyang mauna pero mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa likod niya kaya hinarap niya ako saglit bago inirapan, siraulo ba siya?! Napairap din ako bago pumasok sa loob. Nag-iba siya ng daan kaya dumeretso na ako sa garden.
Naabutan ko doon sina Skie, Raine at Zouie na kumakain ng crackers. Ang aga talaga nila pumasok! Nakakayamot! Agad nila akong tinawag nang makita nila ako kay naupo na ako sa tabi ni Skie bago nakihingi ng crackers.
"Zei! Tignan mo oh! Inaaway nila ako! Ipagtanggol mo naman ako, ikaw nalang natitira kong kakampi" Sumbong ni Raine sabay puppy eyes sa akin.
Hinidi ko alam kung anong nangyari kaya tinignan ko sila Skie at Zouie at bahagya nila akong inilingan na parang sinasabi na huwag kong tulungan si Raine. Mukhang pinagti-tripan nila itong si Raine.
"Sino namang may sabing kakampi mo 'ko?" Tinaasan ko ito ng kilay kaya lalong humaba ang nguso nito.
Biglang humagalpak ng tawa yung dalawa na para bang nagtagumpay sila, natatawa ko ring tinignan si Raine at nakasimangot na ito.
"Badtrip kayo ah!" Inis na sabi nito at tumayo. Tutal ay malayo-layo pa ang room ng first subject ko ay tumayo na rin ako. Agad namang niyaya ang dalawa para makapasok na.
"Tara na Skie, sabay na tayong pumasok. Bye, Zouie and Raine!" Sabi ko at tumango nalang si Skie bago lumapit sakin. Kinawayan lang din kami ng dalawa bago kami maghiwa-hiwalay. Naglakad na kami ni Skie papunta ng room. Habang naglalakad ay bigla siyang nagsalita.
"Zei. Aalis nga pala ulit ako sa Linggo. Nagkaroon ng problema kasi doon sa pinag-bakasyunan nila Mommy and Daddy kaya kailangan kong sumunod agad. Two weeks lang naman" Sabi nito na para bang nahihiya pa sa akin.
"Ah ah! Ano ba 'yan, kababalik mo lang tapos aalis ka na agad. Sige lang, basta 2 weeks lang ah. Anong oras alis mo?" Reklamo ko pero alam ko namang hindi na siya mapipigilan kaya hayaan ko nalang.
"10 a.m. pa naman" Sagot nito.
Tinanguan ko siya bago nginitian. Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa tapat ng room namin. Nagulat ako dahil naroon na agad ang teacher namin, ang aga naman niya! Hindi pa nga nagb-bell!
"Go back to your seats, I have an announcement." Seryosong sabi ng guro namin. Agad namin siyang sinunod at naglakad na patungo sa puwesto namin. I didn't give SB a glance, nakakainis siya!
"I have an important meeting today. So, ibig sabihin vacant kayo ng dalawang oras. I will give you a mini task, dahil baka mahuli na tayo sa lesson kung if-free ko kayo. After doing it, you can do everything you want. Just make sure that you won't distub the other classes. Dismiss." mahabang litanya nito bago naglakad palabas.
Biglang naghihiyawan sa tuwa ang mga magagaling kong kaklase, sino bang hindi matutuwa? Imagine two hours kaming walang gagawin. Mukhang yung ipagagawa niya ay take home activity, malamang sa bahay na namin iyon gagawin. Since first day lang kahapon wala pa masyadong projects kaya tutunganga lang talaga kami ng dalawang oras.
"Saan tayo?" Tanong ni Skie.
Nagkibit balikat lang ako dahil wala rin akong maisip na gagawin. Naglalakad kami palabas ng kwarto nang biglang tumunog yung selpon niya. Mabilis niya itong sinagot bago lumayo ng kaunti sa akin. Hinintay ko siyang makatapos, pero nang humarap siya sakin ay mukha siyang nag-aalala.
"Anong nangyari?" Agad kong tanong.
"Zei, I need to go. Emergency lang." Sabi nito at niyakap lang ako bago siya nagtatakbo palabas ng school.
"Skie! What happened!" I shouted but he did not answer. Anong emergency kaya 'yon?
Tsk! Saan kaya ako pupunta? Sila Raine at Zouie ay nasa klase padin. Ugh! Boring din pala kapag ganto, Aha! Sa garden! Tutulog nalang ako 2 hours naman ang vacant eh. Agad akong pumunta ng garden at naghanap ng punong pwedeng silungan. Kinuha ko agad ang earphones ko at sinalpak sa tenga ko bago nagpatugtog ng nakakaantok na kanta. Pagpikit ko ay agad rin ako nakatulog .
--
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig. Napagtanto kong tapos na rin yung music na pinapatugtog ko kaya may ingay na akong naririnig. Ano ba iyon? Parang may nagpupukpok?
Pukpok ng bato?
Napaisip ako bigla, bakit may nagpupupok kaya napamulat ako agad. Napaawang ang labi ko ng makita ko si SB sa tapat ko at seryosong nagpupukpok ng bato. Bakit naandito 'to?!
"Why are you here?!" Sigaw ko na ikinagulat niya.
"Fuc-- bakit ka ba nanggugulat?!" Sigaw din nito pabalik.
Nagpigil ako ng tawa ng muntikan na niyang maihagis yung bato. Galit itong tumingin sa akin bago inirapan. Nakakailang irap na 'to ha!
"Trip ko! Bakit ka ba naandito? Did you just follow me?" Nangungutya kong tanong. Napalunok siya at nagkamot ng batok, natahimik siya at mukhang nag-isip ng isasagot.
"W-wala gusto ko lang bakit masama? Saka! Pwesto ko 'yan eh!" Inis na sabi nito bago tumayo.
Saktong pagka-alis niya ay nagbell na kaya napatingin ako sa oras ko. Nanlaki ang mata ko nang makita na lunch time na pala! Oh my gosh! Hindi ako naka-attend sa ibang subject ko. Damn! Ganoon ako katagal natulog? Tapos hindi manlang ako ginising ni SB? Langya!
Hayaan na! Nakabusangot akong naglakad papunta sa cafeteria para bumili ng pagkain bago muling bumalik sa garden. Naroon na ang dalawa at nang mapansing wala si Skie ay tinanong agad ako. SInabi ko na lamang na may emergency.
^^

BINABASA MO ANG
Twisted Love
Fiksi RemajaHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...