Zouie
Ayan na! Magi-istart na ang quiz bee. Pinayagan kasi kaming manood para manlang may-magsupport sa representative ng school namin. Syempre, hindi kami mawawala na kaibigan ni Zayieh kahit na ba taon taon kaming nanonood sa mga competition na sinasalihan niya ay wala kaming sawa na suportahan ito.
Nasa stage na ang dalawa. Parang magka-away pa nga dahil hindi manlang nagkikibuan.
"Go Zei! Kaya mo 'yan, Babe!" Sigaw ni Bokbok at nagi-irit. Nakuha niya ang atensyon ng dalawa kaya nakita namin kung paanong natawa si Zayieh, tinanguan niya kami para sabihin na ayos lang siya. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na din ang kompetisyon kaya naupo na kami. Malapit kami sa unahan dahil inagahan namin para makakuha ng pwesto.
"Good Afternoon, students! Welcome to History Quiz bee competition." panimula ng host, matapos ang ilang pagsasalita tungkol sa magiging flow ng competition ay pinag-prepare na ng mga ito ang mga kalahok.
There will be 3 levels: easy, average, and difficult. Makikita mo ang init ng labanan dahil lahat ng participants ay competetive. There will also have 3 questions per level at maganda kung mape-perfect nila ang mga ito dahil may mga puntos bawat level. Mahirap nang malamangan, mahihirapang makahabol. Apat na schools kasi ang nakikipag-compete ngayon.
Nagsimula ang easy round at mapapanganga ka nalang dahil ni isa ay wala pang nagkakamali. Grabe, ano kayang feeling na nasa stage ka at nakikipag-kumpitensya sa mga matatalino. Kung ako ang nandyan parang gusto kong ibigay na agad sa kanila ang medalya. Kaysa naman sa mapahiya lang ako diba.
May mga na-disqualified na agad bago pa matapos ang first level dahil hindi pa naman sinasabi ang go ay may nagsasagot na agad. Maya't maya rin kami tili dahil sa mga cute interactions nung dalawa sa entablado. Kung minsan ay nagtatalo pa ito kung sino ang magsusulat pero malimit ay pinagbibigyan ito ni Shaun.
Napatingin naman ako sa katabi ko na sila Raine, Bok at Lara, na wala ng ibang ginawa kundi ang masi-sigaw at i-cheer sila Zei kapag tumatama ang mga sagot nito. Nakikisali naman ako kaso mahina lang. Nakakahiya lang dahil baka marindi na ang katabi namin. Nagkaroon ng 10 minutes break after ng easy level at pinanood namin silang maghanda para sa susunod na level. Hindi na sila allowed mag-browse pa ng libro kaya nakaupo lamang sila doon habang hinihintay na magsimula ulit ang kompetisyon.
Time is up kaya kailangan na nilang bumalik sa pwesto nila kaya nagsimula na rin ang Average round. I am not focusing on the questions dahil sa sobrang bobo ko ay hindi ko rin ito maiintindihan. I hate History subject, nakakatamad lang aralin dahil madaming kailangan sauluhin ultimo petsa o taon.
"Here's the first question for the Average round. Listen carefully students this will only be repeated twice. Who is the father of evolution?... Go!"
Ama ng ebolusyon? May tinuro ba sa amin na ganiyan? Tinignan ko yung dalawa at mukhang alam na nila ang sagot kaya ang chill nila. God, sino ba iyon? Iyan ba yung sa unggoy unggoy? Hindi ko na matandaan iyan.
"Ballpens up! The correct answer is Charles Darwin." Ayon! Si Charles Darwin, sabi ko sainyo familiar eh.
"Babe! Ang galing galing mo!" Sigaw ni Bokbok! Jusko, kanina pa yan!
"Ms Garcia and Mr. Hernandes are disqualified. Time is already over pero nagsasagot pa kayo." Pahabol nung host.
Sumimangot ang dalawa at padabog na bumaba ng stage. Oh god, Sila Zei at yung maarteng babae na lang magkalaban. Nagproceed sila sa next question pero tama pa din ang sagot nila. Hala, palong palo ang dalawa.
"Girl, tignan mo yung table nung taga-Marthens High. Kanina pa irap nang irap yung babae kala Zei sa tuwing tumatama yung sagot nila." Bilang bulong sa akin ni Raine kaya tinignan ko ang sinasabi nito.
Napairit kami nang tumama yung dalawa, hindi pa sila nagkakamali! Grabe palong palo mag-aral ang dalawang ito. Nagtuloy-tuloy ang competition hanggang sa last question na ng average level. At tama nga ang sinasabi ni Raine, panay nga ang irap nung babae. Sarap dukitin ng mga mata! Nang matapos ang Average level ay may 20 minutes silang break for preparation for the difficult round.
Bumaba ng stage ang dalawa at sinalubong sila ng isang guro. Pinapa-tanggal yata ang kaba ng dalawa. Kumuha din sila ng maiinom bago muling umakyat ng stage at nag-usap. Ang cute talaga nila. Nagtaka ako bigla dahil hindi ko nakikita ang mga kaibigan ni Shaun. Nasaan kaya si Zam?
Binalewala ko nalang ang isipin na iyon at bumaling sa dalawa nang magsimula na ulit ang labanan. Dalawang school nalang ang naglalaban at ni isa ay hindi pa nagkakamali. Nagkapit-kapit kami ng kamay nila Raine nang i-announce na nasa last question na ng Difficult level.
"This is really an easy one. If both got this correct we will proceed to the clincher round." Paalala nila na ikinalamig ng mga kamay namin. "What is the full and real name of a Portuguese explorer who found the Philippines in 1521?... Go!"
Alam kong si Ferdinand Magelan ang sagot pero may full name pa pala ito. Hindi na naman ito itinuro sa amin! Nakita naming nag-uusap yung dalawa. May parte pa na mukhang nagtatalo ang dalawa kaya napangisi ang kalaban nila. After the alloted time ends, they finally revealed their answers. The correct answer is Ferdinand Magellan Magallanes.
Hala! Magkaiba spelling nila, sa kalaban nila ay 'Magalannes' ang nakasulat habang kala Zei 'Magallanes'. Napahawak ako sa kamay ng napangiti ang Host bago ni-reveal ang winner.
"Congratulations, Ms. Salvadore and Mr. Rovlez!" Pag-announce nito ng nanalo at nagsigawan lahat ng estudyante sa loob ng auditorium. Grabe iyon!
Nanlaki ang mga mata ni Zei at napangiti naman si Shaun dahil sa narinig. Nagkatinginan sila at nagtatatalon. Napayakap pa itong si Zei kay Shaun. "Ay! May ganon?!" React ni Raine kaya natawa ako.
"Mahal na kita, Babe! Napakagaling mo! Napakatalino mo! Iboboto kita sa susunod na halalan!" Sigaw ni Bokbok na nagpatawa sa amin at ilang estudyante.
"Thank you sir!" pagpapasalamat ng dalawa nung umakyat ang guro nila sa History para samahan sa pagtanggap ng awards.
Sinabitan sila ng medal na gold at silver medal naman doon sa maarteng babae at ka-partner niyang lalaki. Napatingin naman kami doon sa kalaban at ang sama ng tingin nila kila Zei. Nako! Susundutin ko eyeballs nito! Padabog silang bumaba at mukhang napagalitan pa sila ng teacher nila. Diba! Ang yabang, akala mo naman perpekto! Tapos na ang awarding at lumapit na si Zei sa amin na abot tenga ang ngiti.
"Bes! Congrats! Ang galing mo!" Sigaw ni Raine at sinalubong ito ng yakap.
"Prend ang galing niyo prend! Congrats!" Sigaw Lara.
"Babe! Ang galing mo babe!" Niyakap naman siya ni Bok bok
"Ito, nakakahiya yung mga isinisigaw mo kanina. Panay na ang reklamo nung mga kalaban namin na hindi sila makapag-focus." natatawang suway ni Zei kay Bokbok.
"Ay ganoon? Pakialam nila, wala yatang naga-aruga sa mga iyon"taas kilay na sagot ni Bokbok.
"Bes! Ang hihirap ng tanong. Pero ang galing ninyo!" natutuwa kong sabi at niyakap din siya.
"Madali lang kung tutuusin. Anyways, may congratulatory party kala Shaun mamaya. G ba kayo?" pagyayaya nito.
"G!" Sabay sabay naming sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/172783914-288-k139574.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Novela JuvenilHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...