Zayieh
Nagpahinga agad kami pagkauwi para mabawi ang lakas. Mamaya lamang ay ipapasundo na ulit kami nila Mommy para ihatid sa reception. Bumili rin ako ng panregalo ko kay Carla, it is just a transparent bathrob. Pupwede niya iyon magamit kapag nag-honeymoon na sila ng asawa nila. I know she will love it, I am just hoping that laugh her ass loud when she saw my gift for her.
When 5 p.m. strike, ay pinaghanda ko na ang mga kaibigan ko para sa pupuntahan naming reception. I have also received a text from Skie that he just arrived here at South Korea. Siguro ay doon nalang kami sa venue magkikita. Kahit na ba magkaroon siya ng jetlag ay hinding hindi niya pwedeng ma-miss ang reception ni Carla, kung hindi ay habambuhay na masama ang loob ni Carla sa kaniya.
I wore the dress I have brought earlier. It is a long silk dress, and also fitted to my body. Backless ito, kaya ganoon nalang kapansin-pansin ang kurba ng katawan ko mula sa likuran. Oh God, the twins will react hysterically once the new about this so brought a thin coat to cover my back, ayoko rin namang sipunin ako kinabukasan. Malamig na nga ang panahon, ilalabas ko pa ang likuran ko.
"Walangya, samang sama ang loob ko dahil ang gaganda niyo sa gown na iyan tapos ako naka-tuxedo. Natatapakan ang pagkababae ko sa damit na 'to!" Sabay sabay kaming napatawa sa naging reaksyon ni Bokbok nang makita niya kaming apat na babae.
"What? You look manly! Swear, maraming lalapit sa iyo na babae mamaya!" Pampalubag loob ko rito pero inirapan lang ako.
"Sis, ang ganda mo parin naman tignan. Kaysa naman pagtinginan ka mamaya kung mag-dress ka rin diba?" Zouie said.
"Iyon nga ang gusto ko eh."
"Attention seeker." Pang-aasar ni Lara.
"Bitch." Sagot ni Bokbok at bahagyang hinila ang kulot na buhok ni Lara.
Ilang minuto lamang ay narinig na namin ang pag-busina ng driver namin sa labas. I just took my pouch on the sofa and walked out of the house. Lahat kaming babae ay nakasuot ng takong dahil mas eleganteng tignan ito kaysa sa boots na suot namin kanina. After a half an hour, nakarating na rin kami sa venue ng reception ni Carla. I found Kuya Dylann waiting for us on the lobby.
"Wow?" He reacted as I walked towards him.
"Nasaan sila Mommy?" Tanong ko rito at inabot ang mga bisig nito para magpa-alalay. Nagsisimula nang manakit ang paa ko dahil sa taas ng takong.
"Nasa loob, kanina pa kayo hinihintay." He answered so I just nodded.
Nang makapasok sa venue ay ganoon na lang ang pagkamangha ko. Napaka-engrande, mukhang yayamanin ang nasungkit nitong si Carlaat halos lahat ng pera ay ibinuhos nila dito sa kasal nila. Kakapasok pa lang namin sa main entrance ay agad kong narinig ang napakalakas at nakakarinding tili ni Carla, she never changed a bit.
"Oh my God! Ayi! I'm glad that you came, I didn't believe Tita at first because it is impossible for you to come here dahil you have school daw." Sinalubong ko ng yakap si Carla at sabay pa kaming tumalon-talon habang nakayakap sa isa't isa.
"Of course, I would never miss this special day of yours! God, you look heavenly in that dress!" I started to tear up while scanning her white gown, ang akala kong glitters lang mula sa malayo ay mga diamonds pala. Kung titignan mong mabuti ang detalye ng gown niya ay puro ito diamonds.
Maya maya lamang ay tumabi sa kaniya ang kanyang asawa, gwapo ito at mabait. Kung gaano ka-hyper itong si Carla ay siyang ikinatahimik ng asawa nito. He just greeted me and my friends. Bago ko pa makalimutan ay ipinakilala ko na rin ang mga kaibigan ko kay Carla. Ilang papuri pa ang natanggap ni Carla mula kay Bokbok bago niya kami inihatid sa puwesto namin. Naroon sila Mommy at Daddy, kasama ang kambal. I gave them a cheek kiss before taking a seat.
"Oh wait, Ayi! There will be a band who'll perform here, why don't join them? You can have a duet with the vocalist." Hindi pa man ako nakakaupo ay nahila na niya akong muli.
"Huh? No, I am not prepared! Kaya na nila iyon." Pagtanggi ko.
"Please, it is a request from your beloved cousin." She pleaded.
Wala na akong magawa nang mahila na niya ako. Dinala niya ako sa may bandang entrance na kung saan sasalubungin daw namin ang banda na sinasabi niya. We waited for minute ng magsimula nang magtitili itong si Carla.
"OMG! They are here!" tili nito kaya napatingin ako sa papasok.
Ganoon nalang ang pagkabog ng puso ko nang makita si Shaun kasama sila Zam, Ren, Roj at Ashe sa likod ng isang babae. Hindi matanggal ang gulat sa mga mata ko habang pinapanood sila na lumapit sa amin. Ganoon nalang din ang pagdapo ng gulat sa mga mata nila nang makita nila ako.
"Shaine! Gosh, I am so overwhelmed! You really brought the band you recommended to me!" sigaw ni Carla at nagyakapan na sila nung babae, samantalang ako ay hindi parin makapaniwala habang nakatingin kila Shaun.
"What are you doing here?" tanong ko na nagpatigil sa dalawang nagyayakapan.
"Wow! You know them, Ayi? That's great!" Napapalakpak sa tuwa si Carla.
"We're guests. What are you doing here?" pagbabalik niya ng tanong.
"Oh, she's my cousin! She's a singer, model, school valedictorian, and also a loving and caring cousin to me." Mabilis na sagot ni Carla. Pero hindi inaalis ni Shaun ang titig niya sa akin na para bang ngayon niya lang ako nakita na nakaayos.
"You look human." He said and smirked. Is it an insult?
"Excuse me? Come again, Mr. Rovlez?" Inis kong tanong rito pero tumawa lang siya.
Hindi na niya ako sinagot upang hindi lumala ang magiging sagutan namin. To remove the tension, ay nagpaalam na akong babalik sa pwesto. At ang inakala kong papayapa ang gabi ay hindi pala. Dahil pinalipat kami ni Carla sa mas malaking table, upang sa ganoon ay kasama namin si Shaun at ang mga kaibigan niya. Unfortunately, my family was there too. Damn.

BINABASA MO ANG
Twisted Love
Teen FictionHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...