Zayieh
Shaun's championship game day came, hindi na ako nagpasundo sa kaniya dahil sasabay na lang ako kina Mommy. Shaun told me na 9:15 ang start ng game nila. Mabuti nga at umaga siya para after ng laro nila ay aalis na para bumalik sa opisina sina Daddy ang ang kambal.
"Magkano pusta mo bro?" Kuya Dylann said, napalingon naman ako kung saan sila nakaupong dalawa.
"Anong pinagpupustahan niyo?" Kunot-noo kong tanong sa kanila.
"Kung saang team may unang madadapa," buryong sagot ni Kuya Daniell.
Well, maski naman ako kapag ganoon ang pustahan ay maiinis lang ako. Masasayang ang pera mo dahil imbes na focus ka sa laro ay naghihintay ka kung sino ang madadapa. Buong byahe ay nangungulit si Kuya Dylann kung anong pagpupustahan nila. Pero ang ending ay napikon nalang siya kasi hindi namin pinapansin ang mga pangingulit niya.
Nang makarating sa school ay dumeretso na kami ng court ng paglalaruan nila Shaun. As expected, kada laro nila ay marami ang nanonood at gustong masaksihan ang init ng laban sa pagitan ng dalawang team. Parehong malalakas ang maglalaban ngayon. Nakalaban na rin naman ito nina Shaun sa mga naunang laro nila pero magagaling sila humabol ng score, natsatsambahan lang na nauubos ang oras kaya hindi sila umaabot.
Sumingit kami nang sumingit hanggang sa makarating na kami sa lagi naming pinupuwestuhan. Naroon na ang mga kaibigan namin at nang makita ang mga magulang ko ay nagsitayuan ito upang magmano, Shaun and his team is having a word with their coach kaya hindi namin sila maabala.
"Maupo po kayo Tita at Tito, tatayo nalang po kami. Feel po namin hindi po kami mapapakali buong laro eh." Natatawang alok ni Raine. Kami naman ay tumayo sa likod ng bench while waiting for the game to start.
Lumingon sa amin si Shaun bago pumunta sa gitna ng court kaya nagsisisigaw kami at nagch-cheer para sa kanila. "Pre, galingan mo! Nasa iyo ang pusta ko!" Walang hiyang sigaw ni Kuya Dylann, Shaun laughed and winked at me.
Tuwang-tuwa sina Daddy ang ang kambal nang maka-three points si Shaun. Impit namang umirit ang nanay at mga kaibigan ko dahil doon. Shaun made a flying kiss towards me which made the whole crowd wild.
"Zalvadore! Girlfriend ka ba ni Shaun?" May babaeng malakas na sumigaw sa bandang likuran ko pero hindi ko na iyon pinansin.
"Maganda naman siya talaga bes, anong laban mo diyan? Sukuan mo na si Shaun." Napabungisngis ang nanay ko kaya mahina ko itong siniko.
"Thanks to me and your dad's genes," Mom whispered.
Napairap ako dahil doon kaya pinili ko nalang ang pagtuunan ng pansin ang laro ni Shaun. Mas nagpakitang gilas ang lalaking ito dahil nanonood ang buong pamilya ko. Sino bang hindi gaganahan kapag ganoon 'di ba? Umabot sa 4th quarter at nagdidiwang na ang team namin dahil mananalo ang grupo ni Shaun. Sampu ang lamang nila sa kalaban at mahirap na itong habulin sa loob ng isang minuto. Kitang kita na rin naman ang pagod ng kalaban dahil sa bibilis tumakbo ng mga kagrupo ni Shaun. Idagdag mo pa na sa tuwing hawak ni Shaun ang bola ay matik itong nakaka-three points.
"Whoooooo!" Everyone cheered as soon as we heard the buzzer.
Nagdiwang kami rito sa bench namin at ganoon din ang grupo nila Shaun sa gitna. Talon sila nang talon habang buhat buhat ang MVP nila. Nang matapos ay nagtakbuhan na ang mga lalaki sa gawi namin. Nakipag fist bomb si Shaun sa mga kapatid ko at nagmano sa nanay at tatay ko. Nang makita ako ay ngiting ngiti itong lumapit sa akin. I spread my arms like I was offering him a hug.
Umugong ang tilian sa buong gymnasium nang magyakap kami, "Congrats!" Masaya kong bati at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. "Thank you, this is my best game in my life!" Masaya nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Teen FictionHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...