Zayieh
Naalimpungatan ako dahil sa pagtunog ng phone ko. Kinapa-kapa ko ang lamesa habang nakapikit at nang makapa ito ay kinuha ko agad. Bumungad sa akin ang 5 messages galing kay SB. 5 MESSAGES na puro 'wake up!' ang nakalagay. Ay, oo nga pala sasamahan ko nga pala siya ngayon. Antok na antok ako nang bumangon bago dumeretso sa cr para maligo. I just wore a simple crop top and pants.
I-tinext ko narin si SB na ready na ako. Agad naman siyang nagreply na within 5 minutes ay naandito na siya. Hindi naman siguro siya atat na umalis 'no? Baka mamaya ay sarado pa ang mall.
"Hoy, Hoy! Saan ka pupunta?" Salubong sakin ni Kuya Dylann.
Nagpeke ako ng ngiti bago napakamot sa batok ko. Nakalimutan ko palang magpaalam sa kaniya. "Sasamahan ko yung kaklase ko." simpleng sabi ko na ikinataas ng kilay niya.
"Lalaki?" Nakapamewang nitong tanong. Ano ba naman itong si Kuya!
"Yes." Mabagal kong sagot.
"Mommy! Daddy! Si Zayieh may ka-date!" Biglang sigaw ni Kuya na ikinalaki ng mata ko.
Hindi na ako nakapagsalita nang biglang dumating sila Mom at Dad. Kita ko ang galit sa mata ni Daddy habang si Mommy naman ay ngiting ngiti. Patago kong kinurot si Kuya kaya napa-aray siya.
"Sino siya?"
"Omg! Dalaga na ang prinsesa namin!" Sabay nilang tanong.
Alinlangan akong ngumiti sa kanila. Kasalanan ito ni Kuya eh! Agad ko siyang hinanap at nakita kong nagtatago siya sa likod ni Daddy. Sinamaan ko siya ng tingin pero dinilaan niya lang ako.
"No, that's not true. Yung classmate ko kasi nanghingi ng favor na samahan ko siya ngayon. May bibilhin kasi siya na pambabae. Obviously, she has a girlfriend." paliwanag ko kahit hindi ko alam kung may girlfriend nga ba siya o wala.
Dahan dahang tumango si Mommy. While dad's face looked unconvinced kaya nginitian ko ito. Tatalikod na sana ako para lumabas na nang magsalitang muli si Kuya.
"Eh, sino ang naghatid sayo dito kahapon?" Tanong ni Kuya Dylann.
Nanlaki ang mga mata nila Mommy at Daddy. Bwisit! Pahamak talaga si kuya! Agad na tinignan nila ako na para bang may mali akong ginawa.
"Yung nanghingi sakin ng favor." kalmado kong sabi dahil baka mahalata nilang defensive ako. Sabay sabay kaming napatingin sa labas ng may bumusina sa labas at alam kong siya na iyon. Aktong magsasalita pa sila Mommy pero agad ko itong pinutol.
"I have to go. Bye!" sabi ko.
Humalik lang ako sa kanila at sinamaan si Kuya ng tingin. Lumabas na ako ng gate at nakita ko siyang nakasandal sa pinto ng kotse niya. Nang mapansin niya ako agad niya akong nginitian at lumapit sa akin.
"Good morning! So let's go?" sabi niya kaya tumango ako.
Pinagbukasan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Umikot naman siya para sumakay na sa kotse. I looked at our house' door and I saw the 3 looking at us. I doomed again. Habang biyahe ay bigla niyang binasag ang katahimikan.
"Have you eaten?" Tanong niya at biglang sumagot ang tiyan ko.
"H-hindi pa" sabi ko at agad niya akong tinignan ng masama. Ilang minuto lamang ay nasa Mall na kami. Akala ko ay agad kaming pupunta sa bibilhin niya pero nagulat ako nang tanungin ako nito.
"Where do you want to eat?" Tanong niya na ikinabigla ko.
"Kahit saan." Tangi kong naisagot. Agad niya akong dinala sa isang restaurant na mukhang mamahalin na naman ang menu. Ang hilig niya akong dalhin sa ganitong restaurant.
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Novela JuvenilHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...