Chapter 25

827 50 4
                                    

Zayieh

It was really a tiring night after the reception. Nagkaroon pa kami ng dalawang performances dahil sa request ng mga bisita. Sina Mom at Dad ay maaga nang umalis sa event dahil may trabaho pa raw sila kinabukasan. Today, we are packing our things. Babalik na kami sa Manila. It is Monday, and may pasok pa kami mamaya. Kung hindi kami magkakaroon ng jetlag ay papasok kami. Preparation naman for sportfest ang mangyayari this week kaya hindi ganoon ka-importante ang attendance.

Shaun and his friends are already in the Philippines, maaga kasi ang nakuha nilang flight. I just told him to excuse us sa mga instructors dahil baka nga hanapin kami. It is already 9:00 am. Everything is already packed up. 10:30 ang flight namin kaya naisipan na namin umalis. Ihahatid naman kami ng kambal kaya hindi na kami namroblema.

Nang makarating sa airport ay agad kaming tinulungan nina Kuya para bitbitin ang mga gamit namin. Mas marami ngayon ang dala namin dahil marami kaming souvenirs na binili, lalo na sina Lara at Bokbok. Ang dami nilang binili na refrigerator magnets, pupunuin daw nila yung ref nila ng ganoon.

"Ingat," the twins bid me goodbye and gave me a forehead kiss.

"Take care of Mom and Dad," I said back and they nodded.

"I love you!" Pahabol ko pa habang papasok na kami sa loob ng eroplano.

"I will miss South Korea!" Naiiyak na sabi ni Lara pagkaupo namin.

Oo, katabi ko pa rin siya. Habang sa kaliwa ko naman ay si Bokbok. Hinarap ko si Lara habang tinatanaw ang tanawin sa bintana ng eroplano. Ilang beses na ako nakabalik sa South Korea but it will always be my top favorite country.

"Babalik tayo rito," I assured her which made her smile.

It is my happiness to see them happy. Masaya akong iginagala ko sila sa ibang bansa with no hint of being boastful. They were so thankful to me and I am willing to give them these kind of bondings without worrying about the expenses.

Pinatulog ko na sila sa byahe para makabawi sila ng tulog at lakas dahil late na rin kami nakauwi kagabi. Maging ako ay nagpahinga na rin. Naramdaman ko nalang na inaalog-alog ako ni Lara dahil nakalapag na ang eroplano. Sinundo kami ni Manong at isa-isa naming inihatid ang mga kaibigan ko.

Pagkauwi sa bahay ay tila ba pagod na pagod ako pero pinili kong maligo at magbihis dahil may training pa kami mamayang hapon. Unang training iyon at baka mamaya ay ma-kick na agad sa team kung hindi ako sisipot. I wore my sports attire and left the house. Kumaripas na ako ng takbo papunta sa court nang makababa galing sasakyan, call time na kasi. I can't be late.

"Zei!" Narinig ko ang pagtawag ni Zam nang makarating ako.

Agad ko itong nilingon, naroon na sila. Kumpleto ang mga players ng volleyball at basketball team. The orientation is already starting. Pinagmadali ako nito kaya tinakbo ko na ang pagpunta sa pwesto nila. Hingal na hingal akong naupo sa tabi niya at nagpunas ng pawis. Maya-maya lamang ay nakita kong inaabutan ako ni Shaun ng tumbler. He whispered me to drink and wipe my sweat.

I gladly accepted his tumbler at uminom doon, malamig-lamig pa ang tubig kay ang sarap sa pakiramdam. Kaunti lang ang ininom ko dahil baka maubos ko ang tubig niya.

"Drink more," Utos nito nung aktong ibabalik ko sa kaniya ang tubigan.

"Baka maubos ko," bulong ko.

"I have more water," He answered back.

Para kaming tangang nagbubulungan, nakakahiya naman kay Zam na nasa gitna pa namin. Hindi na ako nakipagtalo at ininom ang kalahati ng tubig. Ibinalik ko na ito kay Shaun and he smiled at me. Ibinaling ko na ang atensyon ko sa nago-orient.

"To sum up, this week will be your training and preparation. Walang klase dahil lahat ng students ay may gagawin. Dahil pagkatapos ng sportfest ay celebration naman ng foundation day. This month is really a rest to every students." Nagpalakpakan kami sa sinabing iyon ng organizer ng event.

Nagtayuan na kami papunta sa mga ka-team namin. Nagtatatalon kami sa tuwa dahil sa halos isang buwan kaming walang aatupagin na schoolworks.

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon