Zayieh
I feel better the next day, I forced myself to attend my classes. Bahala na kung ma-binat pero ayoko talagang um-absent. Ang hirap hirap maghabol ng lessons. As I entered the school gate, I noticed their suspicious looks which makes me uncomfortable.
"Crush stealer!"
'Diba iyan yung magandang babae na hinalikan si Zam? Oo na! Bagay na sila pero mas bagay parin kami ni Zam! Huhu"
Like what I expected ay kakalat ito sa buong campus. Napairap nalang ako at hayaan silang isipin ang gusto nilang isipin. Ano naman ngayon kung may issue ako? Huhupa din yan sa susunod na Linggo. I ignor their murmurings and deadly glares until I reach my room.
Akala ko ay makakaligtas na ako sa mga estudyante sa labas pero mas malala pa pala dito sa loob. Napansin ko ang pagtahimik nila nang makapasok na ako sa loob. Ano ba talagang problema nila? Kailangan ko pa bang magpa-interview at sabihin sa kanila na aksidente lang yung halik?
"Hey, you!" And of course, the desperate ex is always present!
Tinaasan ko ng kilay si Marielle at tumigil sa paglalakad. I stayed unbothered dahil kung sasagot pa ako ay kung ano pa ang masabi ko at lumala pa ang issue ko.
Napasinghap siya dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya. This girl is really thirsty for attention, huh? Malamang ay tungkol lang naman doon sa aksidente ang sasabihin nito dahil involve dito ang ex niya.
"Why did you kiss my Zam?!" Tanong nito at bahagya pang tinulak ang balikat ko.
I laughed sarcastically as she emphasized the word 'my'. So lahat pala ng lalaki dito sa school ay pagma-may ari niya? Una, ay si Shaun. Ngayon naman ay si Zam? Napangisi nalang ako nang marinig pa ang umuugong na bulungan sa paligid, animo'y pumapanig kay Marielle.
"My? As far as I remembered, you left him. What a possessive and desperate ex." Lakas loob kong sinabi na nagpanganga sa karamihan. Ang ilan ay lumipat sa side ko dahil sa narinig, mga balimbing!
"Yes, I am his ex. But I am not desperate, you bitch." Inis nitong sagot, at inirapan ako.
"Pagkatapos mong lokohin, maghahabol ka ngayon ng parang aso. Omg, si Marielle pala ay hindi lang Queen ng campus. Queen din pala ng mga malalandi na hindi marunong makuntento sa isa." Mas matapang kong sagot na nagpagalit sa kaniya.
The whole class were like roaring lions because of what I have said. Panigurado ay masyado nang napapahiya si Marielle pero hindi ako titigil. Sinimulan niya ito, pinikon niya lang ako. Lalagpasan ko na sana siya dahil hindi na siya nakaimik sa ginawa ko, pero may nakalimutan pa akong sabihin.
"And to make you feel at ease, yesterday was an accident." huli kong sabi at dumeretso na ako sa upuan ko.
Hindi pa man ako nakakaupo nang may humigit sa akin at sinampal ako nang malakas. Gulat kong tinignan si Marielle, namanhid ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya at parang naiiyak pa dahil sa kahihiyan o sa galit.
"Layuan mo na sila Shaun at Zam. Pakiusap lang, lumayo layo ka na dahil mas lalo mong ginagawang komplikado ang lahat!" This was the first time she pleaded while crying. Wala ang dalawang lalaki sa kwarto kaya hindi nila naririnig ang sinabi ni Marielle.
"Bakit ba galit na galit ka?! Sila ang lumalapit! Ano bang magagawa mo kung ayaw na nila sa'yo? For pete's sake, Marielle. Stop being so childish and act like your age! Kung kating kati ka nang magkaroon ng jowa ay umayos ayos ka ng pag-uugali mo!" Sigaw ko bago tumakbo palabas ng room pero saktong pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ng dalawang lalaki.
"Zayieh? Why are you crying?" Zam asked.
"Fuck, what happened to your face?" Naga-alalalang tanong ni Shaun nang tumingala ako para tignan sila.
"It was Marielle, bro. Look, she was crying in the middle." Pagsabi ni Zam kaya tinanaw ito ni Shaun, galit niya itong tinignan kaya hinawakan ko ang palapulsuhan nito para pakalmahin. Pagod na akong makipag-away.
"No. Fuck! Zam, bring her to the clinic, she is getting pale again and put a compress on her face." Utos ni Shaun at pinabitaw ako para sugurin niya itong si Marielle.
"Zayieh, Let's go." Hihilahin na sana ako ni Zam pero pinigilan ko ito. Gusto ko lang masiguro na hindi sasaktan ni Shaun si Marielle. I don't want to see him hurt other girls physically. That is an abuse.
"I told you not to touch her! Are you that stubborn, huh?" Nangangalaiting sigaw ni Shaun kay Marielle. Inilipat ko ang tingin kay Marielle, bahagya pa itong nagulat sa pagsigaw ni Shaun.
"Ugh! Ano ba siya sa'yo, Shaun? Ha? Bakit lagi mo nalang siyang ipinagtatangol?" Humahagulhol nitong tanong.
"Even if she was nothing to me, I would still shout at you like this for hurting her. What is your problem, huh? Do you really like attention? Fine, Everyone. Set your live cameras right now. Marielle wants an attention." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi nito. Agad naman siyang sinunod ng mga kaklase namin at ginawa ang inutos ni Shaun. Shit, no. He can't do this.
"What are you doing, Shaun. You can't do this. Stop! end your videos now! Shit!" Galit na sabi ni Marielle at pinilit tanggalin ang camera na nakatutok sa kanilang dalawa ni Shaun ngayon.
"Now that everyone is watching. I am telling you one last time, to stay away from me and my friends. From Zayieh and her friends. Don't you dare to come near us because I don't want a desperate and slutty woman near me. Stop your bullshits, Marielle. Go and fucking find your boys." Pagkatapos itong sabihin ni Shaun ay lumapit siya sa amin ni Zam at pareho kaming hinila palabas.
Tahimik akong naglalakad at nakasunod sa kanila. No one is speaking while we are on our way to the clinic. Inaalalayan ako ni Zam, habang si Shaun ay nasa harapan namin at naglalakad.
"How are you?" Biglang tanong ni Shaun at saglit akong sinulyapan bago tumingin sa dinadaanan.
"Medyo okay na." Maikli kong sagot pero bumuntong hininga lamang ang dalawa. "Shaun, you shouldn't do that. Mapapagalitan ka ng tatay mo. Baka ma-suspend ka pa." Nagaalala kong dugtong.
"I will never regret for fighting for you." sagot nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Go straight to the clinic, I will to my Dad." He said and went in the other direction.
Inaalalayan pa rin ako ni Zam hanggang sa makarating kami sa clinic. Siya ang gumamot sa pisnge ko at pinainom ako ng biogesic upang hindi tumuloy ang pagbalik ng lagnat ko. Sinabi niyang huwag ko munang pilitin pumasok at magpahinga na lamang.
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Novela JuvenilHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...