Chapter 22

785 50 3
                                        

Zayieh

Today is Carla's wedding. SIla Mom and Dad, as well as the twins lang ang pupunta sa church wedding. Hindi rin naman ako kasama sa abay at wala rin naman akong gown. Mamayang gabi nalang kami pupunta sa reception niya. Hindi na ako ginising nila Mommy, bagkus ay nag-iwan nalang sila ng note sa lamesa ko. Since, wala rin naman kaming gagawin. Napag-desisyonan kong i-gala ang mga kaibigan ko. We can shop our dress for the reception. Agad akong pinaalam kay Mommy ang plano ko at agad naman ako nitong pinayagan. Ang sabi niya pa ay magpahatid nalang kami sa personal driver namin.

Because of excitement ay una kong kinatok ang kwarto nila Raine. Gulo-gulo pa ang buhok nito nang pinagbuksan ako ng pinto. Inis ako nitong tinignan at hinihintay ang sasabihin ko.

"Let us go shopping." Pagkasabi ko noon ay para bang nagising ang diwa ni Raine at napangiti sa sinabi ko.

"Totoo ba?!" Sigaw nito at tumango ako. Sinabihan ko itong gisingin na si Zouie para makapaghanda na sila. Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto nila Bokbok at Lara. 

"Good morning! Breakfast na ba? Magsusuklay lang ako." Bungad ni Bokbok, at talagang kailangan niyang magsuklay dahil pupwede nang gawing pugad ng ibon ang buhok niya.

"Good morning! Yes, we can have our breakfast before tayo lumabas." Sagot ko rito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nito.

"Shopping, may pupuntahan tayong reception mamayang gabi." Sabi ko rito at nakita ko ang excitement sa mga mata niya. 

"Gaga 'to! Sana sinabi mo agad, tanghali na oh! Teka maliligo na kami!" bigla itong nataranta. 

"Take your time, girls!" I shouted, hoping that they heard it.

Bumalik na ako sa kwarto nang makaligo na. It is winter, at hindi ko kakayaning maligo gamit ang malamig na tubig. Hindi katulad sa Pilipinas na parang iniihaw ka sa init. Right after taking a bath ay dumeretso na ako sa walk-in closet ko. 

I wore a white turtle neck dress and partnered it with my black leggings. Sa takot na baka lamigin sa labas ay sinuot ko rin ang blue coat ko. Hindi man siya pang-winter talaga pero makapal naman ang tela nito, sapat na para labanan ang lamig sa labas. I wore a light make-up, paniguradong hindi mawawala ang picturan mamaya. Ilang minuto laman ang lumabasa na rin ako ng kwarto at bumababa na sa sala para hintayin ang apat.

Naroon na si Lara at Zouie, they are both wearing the coat we have brought in the airport. Nakabutones ito kaya hindi ko alam kung ano ang suot nila panloob. I also lend them my boots, marami akong ganoon dahil mahilig mag-collect si Mommy. Ang iba ay ibinibigay niya na sa akin. Hindi naman nalalayo ang size ng paa naming magkakaibigan. Buti na lamang ay may sariling sapatos itong si Bokbok, hindi na ako mahihirapan mag-isip kung paano siya pahihiramin ng sapatos.

"I really love your fashion." Pagpuri ni Zouie nang makita akong papalapit sa kanila.

"Thank you, Zouie! Nasaan na si Raine? Ang tagal talagang maligo ng babaeng iyon." Pagrereklamo ko na ikinatawa ng dalawa.

"Nagbibihis na panigurado iyon. Si Bokbok, namomroblema kung pano niya babagayan yung coat na ibinila mo sa kaniya. Baka daw isipin pa ng iba na isa raw siyang 'Oppa'." Napahagalpak ako sa sinabing iyon ni Lara.

"Hay nako, Bokbok talaga." Napapailing ko nalang na sabi.

"Oh ano? Tara na ba? Pakihanda ang Limousine!" A familiar voice shouted.

Wala namang iba iyon kundi si Raine. Sabay silang bumababa ni Bokbok, habang inaalalayan itong si Raine. Bokbok looked like a new person! Nagmukha siyang lalaki sa suot niya ngayon! He looked good, kung hindi lamang ito mas malambot sa akin ay paniguradong crush ko siya.

"Tangina, ang lalagkit ng titig niyo ah. Ngayon lang ba kayo nakakita ng baklang gwapo?" Umirap pa ito nang makita kung paano namin siya tignan.

"Gaga, ang gwapo mo kaya!" I complimented.

"Mandiri ka 'te. Ang tawag dito, 'no choice'." sagot nito na ikinatawa ko.

"Tara na, nasa labas na yung driver natin." Pag-aaya ko sa  mga ito.

Sabay sabay kaming lumabas ng mansion at pinasakay sa van namin. I will bring them to TimeSquare. Mabilis lang naman ang magiging byahe namin at paniguradong magugustuhan nila doon dahil malawak ito at matataas ang mga building. Maingay sa loob ng van dahil sa pag-uusap nila Bokbok at Raine, kesyo magpaparamihan daw sila ng mahahanap na pogi o kaya paramihan ng makukuhaan ng number. Sinuway ko naman sila agad dahil wala sila sa Pilipinas para basta basta manghingi ng number. Kaya ang napagkasunduan nila ay ang mag-boy hunting.

Just half an hour ay nakarating na kami sa TimeSquare. As expected ay madaming tao ang narito ngayon. Nang makapasok ay hindi namin maiwasang mamangha sa itsura sa loob. Ang talino ng architect na nag-design nito. Ang modern tignan, marami mang tao ay hindi siya mukhang crowded dahil sa sobrang lawak sa loob.

"Shuta, magkaka-paltos pa yata ako nito ah." rinig kong bulong ni Raine, naka boots naman siya pero may heels. Ganoon din naman ang suot ko pero dahil sanay naman ako sa mahabang lakarin tapos ay nakatakong pa, hindi ako nagreklamo.

"Sinong tanga ngayon?" Pang-aasar ni Bokbok.

Nagtuloy-tuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa makarating kami sa mga boutique shops. Nagsimula na kaming mamili ng mga damit na sa susuotin mamaya sa reception, Teel kasi ang theme ng wedding ni Clara. Ang ganda ng napili niyang kulay, maganda sa paningin. Nakapili ako ng isang fitted silk dress, nang isukat ko ito ay saktong sakto naman na sa akin. Kinuha ko na iyon bago hinanap ang ibang kong kaibigan para tulungan silang makapamili.

Naga-alangan pa nga ang mga ito dahil ang mamahal daw ng damit. It is not a problem to me, sagot ko ang gastos nila rito dahil ako ang nag-aya sa kanila. Kung sakali man na mapalaki ang gastos ay sasabihin ko nalang kay Daddy na ikaltas ito sa allowance ko, which I doubt dahil hindi pa nga ubos ang allowance ko ay dinadagdagan agad nila.

Nang makatapos pumili ng dresses ay binayaran na namin ito. Kaniya-kaniya kami ng bitbit ng paper bags pagkalabas ng shop. Dahil nagutom kami sa pamimili ay naghanap kami ng makakainan. I was si happy seeing them enjoying this moment. Maya't maya ang picture naming lima para daw remembrance. Gayundin si Zouie na panay kuha ng litrato ng mall, lalo na kapag maganda ang lugar. Panigurado ay para ito sa Instagram feed niya.

Matapos ang meryenda ay naisipan na naming umuwi dahil maya maya lamang ay aalis kami ulit para dumeretso sa reception. At saka para na rin makapagpahinga ang mga ito, panay na nga ang inda ni Raine sa paa niya. Tiis ganda, para maka-ipon ng lalaki. Tinotoo kasi nila ang boy hunting challenge nila ni Bokbok, at the end ay si Bokbok ang nanalo. Mas maraming litrato ng  lalaki ang nasa phone niya kaysa kay Raine.

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon