Chapter 21

816 53 2
                                        

Zayieh

Nagtagal pa kami sa loob ng airport dahil nag-picturan pa kaming magkakaibigan dahil nga first time namin magkasama-sama sa isang bakasyon. It makes me happy seeing them happy. Malamang hindi ko lang sila sa Korea dadalhin. This first flight would be very unforgettable for Bokbok, kung kailan nakapag-landing na ang eroplano ay doon niya pa naisipang sumuka. Good thing, I prepared the paper bag for him. 

"Malamang ay pagod kayo sa byahe, lumabas na tayo. Naghihintay na roon sila Mommy." Pag-aaya ko sa mga kaibigan ko.

Nang makalabas ay agad kong nilibot ang mga mata ko para hanapin sina Mommy. Ang sabi ni Kuya Dylann ay susunduin raw kami nito. I found Mom waving at us, napangiti ako nang makita si Kuya Daniell at Daddy sa tabi niya. 

"Mommy!" I shouted and ran towards them.

Sinalubong ako nila Mommy at Daddy ng yakap. God, I missed them! Ilang buwan din silang hindi nakauwi. Siyempre, niyakap ko rin si Kuya Daniell. He hugged me back, asus! Yung mga ganitong galawan ni Kuya ay palagi pa rin akong naninibago.

"Hala! Kanina lang kasama natin yung Kuya mo, bakit naandyan agad 'yan? Niyakap mo pa. Parang hindi kayo magkasama kanina." Gulat na tanong ni Bokbok.

"Shunga! Kambal iyan ni Kuya Dylann. Ayan si Kuya Dylann sa likod mo oh!" Natatawang sagot ni Raine.

"How precious! You have new friends, my princess?" Mom asked and I nodded at her.

"This is Bokbok and Lara. Girls, this is Mom and Dad. While the unbothered guy here is Kuya Daniell." I introduce my family to them.

"Hi Tita and Tito! Hi Kuya Daniell! Magandang Gabi po! Omg, ang kinis niyo Tita!" Pagbati ni Bokbok at nakipagbeso pa kina Mommy at Daddy. Tuwang tuwa naman si Mommy sa pagiging kalog ni Bokbok.

Bumati rin ang iba kong mga kaibigan bago namin naisipang umalis na ng airport. Since, we have already ate our dinner ay dumeretso na kami sa mansion. Matagal-tagal na rin noong huling uwi ko rito and nothing changed inside except the curtains and couch covers. Mas malaki ang mansion na ito kumpara sa mansion namin sa Pilipinas.

"Palasyo ata napasok natin, beh. Yung sapatos mo bitbitin mo, nakakahiya ka!" Nagsimula nang magbulungan sina Bokbok at Lara sa tabi ko.

"Ang laki ng bahay niyo po, Tita. What if ako nalang po magmana ng bahay na ito? Love niyo naman po ako 'di ba?" banat ni Raine na ikinatawa ng nanay at tatay ko.

"Well, why not?" Sagot ni Daddy na ikinagulat ni Raine.

"Luh si Tito! Yaya, paki-asikaso nga ang mga bisita ko!" Tarantadong sagot nito na nagpalakas ng tawanan namin.

"Are you guys hungry?" Tanong ni Mommy at nag-ilingan naman kami. 

"Alright, Dylann. Send them to their rooms." Utos ni Mommy kay Kuya.

Kanina pang nakaakyat si Kuya Daniell, na para bang walang pake na may bisita siya. Well, ganoon naman talaga siyang tao. Isa-isa naming binuhat ang mga gamit namin at sinundan namin si Kuya Dylann na umakyat ng hagdan.

"Daig pa ng hagdan niyo ang Kamay ni Hesus ah." pagbibiro ni Bokbok. Siraulo!

"Gago, kotang kota ka na ngayon ha!" Tawang-tawa na sabi ni Raine at napapahawak pa sa tiyan nito.

"Kuya, go to your room na. Take a rest, ako na ang bahala sa kanila." Sabi ko kay Kuya at tumango naman siya sa akin bago ito lumiko at dumeretso sa kwarto niya.

Dinala ko sila sa isa sa mga guest room namin. "Lara and Bok, okay lang ba na magkasama kayo sa room?" Pagtatanong ko.

"Oo naman, kahit na ba sawang sawa na ako sa pagmumukha nito." Dahil doon ay nakatanggap siya ng batok kay Lara.

"Okay, so dito na ang room niyo." I slightly opened the guest room's door at pinapasok sila.

"Oh my god! Mas malaki pa ito sa apartment natin Lara!" Manghang-mangha na sigaw nito at nagsimula nang libutin ang loob.

Iniwan ko na ang dalawa roon bago hinila sila Raine at Zouie sa kwarto nila. Isa pang guest room na pupwede sa kanilang dalawa. Tuwang tuwa naman ang mga ito katulad ng reaksyon ng dalawa. Inilapag lang nila ang mga gamit nila at nilibot din ang kwarto.

"Goodnight, girls! The password of wifi is on the table." I said before closing the door.

Matapos silang ihatid sa mga kwarto nila ay dumeretso naman ako sa kwarto. It was triple larger than their rooms. Same size lang ng kwarto nila Mommy and Daddy. As I entered my room, I smelled my favorite scent. Mukhang bagong linis ang kwarto ko dahil bago ang bedsheets at kurtina ko. I also have my own walk-in closet and bathroom here. My closet is half empty dahil ang iba ay nasa Pilipinas na. Agad kong tinanggal ang coat ko at tumalon na sa kama. Nagpahinga ako ng kaunti bago naligo at nag-ayos ng gamit ko.

It is passed 10 when I go downstairs. Wala kasi sila Mommy at Daddy sa kwarto nila kaya nagbabasakali ako na nasa ibaba sila. At hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko sila sa manor namin. They were relaxing there while drinking their tea.

Dahil nakatalikod sila sa pinanggalingan ko ay hindi nila napansin ang paglapit ko. I surprised them with a backhug. Hindi na sila ganoong nagulat dahil alam naman nilang ako lang ang nagawa ng ganoong panggugulat.

"Why aren't you asleep yet?" Dad asked and patted the vacant seat between them.

"Namamahay." I lied, gusto ko lang talaga silang maka-bonding.

"You just missed us." sinundot-sundot pa ni Mommy ang tagiliran ko.

"Who wouldn't? Sa call lang kayo nag-paalam sa akin na aalis." Pagtatampo ko kaya agad akong niyakap ni Mommy at sinuyo.

"It is a sudden leave, princess. Babawi sa'yo si Mommy at Daddy habang naandito ka. We will re-schedule our plans on Sunday." Sabi nito na ikinatuwa ko. We can go out that day. We can have a family bonding on that day. Gosh, I am excited!

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon