Chapter 36

681 47 31
                                    

The next day ay ganoon pa rin ang routine ko. 10 pa pala ang next game ko. If mananalo kami roon ay may possibility na maglaro kami sa championship round. Bumaba na ako sa dining upang sumalo sa almusal nila. "Goodmorning, princess!" Mom sweetly greeted me.

"Anong oras ang laro mo, Anak?" Dad asked and aswered him na alas-gis pa.

"May biglaang meeting kasi ako, anak. Is it okay if I'll watch your last game? Makakahabol pa ako roon." Dad said and I immediately nodded.

"Sure, Dad! I have no problem with that. We need to win this game, para makapaglaro kami sa championship round." I explained and nodded.

"How about Shaun's game? Parang gusto ko ring panoorin." Bigla akong nasamid nang magsalita si Mommy.

"What Mom? When did you get interested in his game?" Kuya Daniell intervened.

"What, anak? He looks a good guy. Nagmano pa siya sa amin ni Daddy mo kahapon." He did?! Kaya pala magkakatabi sila kahapon. "All of them did, Mom." Pag-irap ni Kuya.

"Yeah, pero siya ang nauna. He's so gentlemanly, anak. I like him for you." Mom winked.

"We were just friends, Mom!" Pagtanggi ko rito. "If you say so," natatawang sabi nito at nagkibit balikat lamang.

Unlike Mom, ang tatlong lalaki ay nagiging strikto sa akin. We were just friends! Masyado naman silang advance, hindi nga umaamin yung tao! They kept on saying na bawal pa akong mag-boyfriend until I turned 25, mabilis namang umangal doon si Mommy. "That's too cruel!" Umiling iling sina Daddy sa naging reaksyon na iyon ni Mom.

Nang matapos mag-almusal ay gumayak na ako. I wore my jersey and our driver dropped me off to my campus. Nakasalubong ko naman si Shaun habang naglalakad sa hallway, nagse-selpon ito kaya 'di ako pinansin. "Wow, snobber." I greeted, he stopped and looked at me.

"Good morning," he greeted and I did the same.

"Where are you heading to? Doon ang court," Taka kong tanong. "Somewhere," tila naghahanap siya ng isasagot sa akin.

"Sama ako!" Parang bata kong sabi. Alinlangan siyang tumingin sa akin, "Ah--" 

"Huwag na pala, nabibigatan na ako sa bag ko eh." Pagbawi ko at nagpaalam na.

Ayoko pa naman yung pinipilit ko yung sarili ko sa ayaw naman sa akin. Hindi pa man ako nakakalayo ay hinablot niya sa akin ang malaking bag kong dala at hinawakan ako sa braso at hinatak.

"Huy, hindi na! Sa court na lang ako maghihintay." Pagpupumiglas ko pero mas humigpit ang hawak niya at patuloy akong hinahatak.

Medyo malayo ang narating namin at maraming pasikot-sikot, tahimik siya habang hinihila ako habang ako naman ay pilit tinatandaan yung mga dinaanan namin pero sa dami ng nilikuan namin ay feel ko maliligaw ako kapag ako lang mag-isa ang pupunta rito.

"Saan ba tayo pupunta?" Taka kong tanong.

Bigla naman siyang tumigil sa tapat ng isang pinto. "This is our safe place," He said and opened the door.

"Ang tagal mong bumalik!" Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang sigaw ni Raine. "What are you guys doing here?!" Gulat kong tanong at ganoon na rin ang panlalaki ng mga mata nila.

Kumpleto ang mga lalaki at gayundin ang mga kaibigan ko. Ako lang ba ang hindi may alam ng room na 'to?!" Ang daya! May tambayan kayo na hindi ko alam!" nagtatampo kong sabi.

Imbis na suyuin ay tinawanan lang nila ako. Ganoon nalang ang pagkamangha ko nang libutin ng mga mata ko ang buong kwarto. Para siyang isang condo, may second floor pa. Ganoon ba talaga kapag anak ka ng may ari ng school?

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon