Chapter 6

1.2K 147 16
                                        

Zayieh

Dumaan ang isang linggo na ganoon parin ang nangyayari; tatambay sa garden, papasok sa klase, magi-irapan ni SB, at mag-uusap ni Zam. Simple. Since today is Saturday, I decided to go out again to unwind. Doon nalang siguro sa mall ni Mommy. Ayokong yayain sila Raine at Zouie, ang baliw kasi mamili ng damit magtatanong tapos sariling desisyon ang susundin. Lokohan lang? Pero alam kong busy sila dahil may mga projects na for them eh.

Agad akong naligo at nagbihis. I wore my pink dress with blue linings. It is 3 inches above my knee that's why I felt comfortable. This is always my casual outfit whenever I'm going out to stroll.

"Kuya Dylann, hatid mo 'ko sa mall ni Mommy." Tinapik ko ang braso ni Kuya pagkakita ko sa kan'ya sa sofa.

Hindi ko mapigilang matawa dahil ang seryoso niyang laruin yung Pou sa phone niya. Hindi ko alam kung kailan ba ito magma-mature!

"Sige, basta libre mo 'ko ng ice cream, yung mukhang tae." Natatawa nitong sabi, hindi ko mapigilang mapangiwi ng sabihin niya ang salitang iyon. Gosh!

Tumango nalang ako dahil wala naman akong palag, sinundan niya ako palabas ng bahay at nakita ko naman sina Daddy at Kuya Daniell na naglilinis ng kotse nila. I walked towards them to give them a kiss.

"Bye daddy! Bye sungit!" sabi ko pagkatapos humalik.

Kinawayan ko nalang sila bago ako sumakay sa kotse ni Kuya. Daddy waved back at me habang si Kuya ay tinanguan lang ako, ang bait diba? Hinampas ko sa braso si Kuya nang makitang naglalaro na naman ito.

"Tara na, Kuya!" Naiinis kong sabi dahil ayaw niya pa i-start yung kotse.

"Saglit, tinatamad ako at saka nakaka-adik pala si pou." sabi niya sa akin ng hindi ako tinitignan. 

"Bakit hindi mo rin nililinis kotse mo? Ang tamad mo talaga!" Napapairap kong sabi kaya natawa siya.

"Ipapa-car wash ko nalang after kita ihatid." Sabi nito kaya tinanguan ko nalang siya.

Hinintay ko pa siyang matapos maglaro pero parang wala pa talaga itong balak ihatid ako kaya hinampas ko ulit ito sa braso. Napadaing siya kaya natalo siya sa laro.

"Ano? Maglalaro ka nalang ba d'yan o ihahatid mo ko?" tinignan niya ako at humawak sa baba na parang nag-iisip

"Huwag ka na kaya tumuloy-- Aray!" Inda niya dahil hinampas ko itong muli.

"Tara na, kasi!" napipikon kong sabi kaya pinaandar na niya ang sasakyan.

"Tss! May date ka lang eh." pangungutya nito.

"Wala, boring lang sa bahay." sabi ko pero hindi siya naniwala.

Tumahimik nalang siya bago nagmaneho, pagkatapos ng ang ilang minuto ay nakarating na kami sa mall. I kissed him on his cheeks before leaving.

"Bye kuya! Salamat! Baka mag-taxi nalang ako mamaya." Tinanguan niya ako bago siya tumulak paalis.

I entered the mall, thinking where should I go first. I saw an ice cream stall and I remembered na nagpapalibre nga pala si Kuya pero mukhang nakalimutan niya naman iyon kaya pumila na ako rito para bumili.

"One chocolate ice cream, please.." I stated my order, tinanguan niya ako bago niya pinrepare yung ice cream.

"Here's your order ma'am. Thank you!" Nakangiti nitong sabi habang inaabot sakin ang ice cream. I gave her my payment before I left the stall.

I started roaming the mall while holding my ice cream. I was walking nang may bigla akong nabunggo. Sa iba ako nakatingin kaya hindi ko ito napansin.

"Shit! Hindi ka ba marunong tumingin-- Zayieh?" Napamura ito at ganoon nalang ang paglaki ng mga mata ko nang makita kung sino ang nabangga ko. Paano siya napunta rito? Obviously, this is a mall.

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon