Zayieh
Ang weird niya talaga! Ano 'yon? Pumunta sa garden para magpukpok ng bato? Hindi ko na ito magawang i-kuwento kala Raine at Zouie dahil ayokong mag-isip sila ng kung ano ano. Pagkatapos naming mag-tanghalian ay hinanap ko na yung next class ko.
Napamura ako ng maalala kong hiniram nga pala sakin ni Zouie yung ballpen ko. Eh magbe-bell na. Alangang malate ako tapos i-dadahilan ko ay bumili ako ng ballpen. Tumalikod ko at balak na takbuhin yung bilihan ng school supplies ng may nabunggo ako. Second day na may bungguan padin! Ano ba 'yan!
"Aww!" Inda ko.
Parehas kaming lumagapak sa sahig. Narinig ko pa siyang nagmura bago tumayo. Akala ko ay hindi niya ako tutulungan pero lumuhod ito para tulungan ako.
"Oh, sorry mis--Zayieh?" Gulat nitong sabi nang makita ako, iniinda ko kasi yung sakit ng pwet ko!
Hindi ko siya sinagot pero tinulungan niya akong tumayo. I looked at him at ganoon nalang ang pag-awang ng labi ko nang makita siya. Ang gwapo! Maputi siya and yung jaw line niya ay sobrang perpekto. Scratch that! How did he know me?
"You know me?" Takang tanong ko sa kanya., binigyan niya ako ng malapad na ngiti.
"Yep! I'm Zam Velmonte, I'm a close friend of Shaun Rovlez, the popular heartthrob of this University." sabi nito na ikinanganga ko.
Heartrob pala si SB? 'di naman gwapo iyon ah?
He stretched his arms like he was asking for a handshake. I happily accepted it so he won't look rejected. I was about to introduce myself but he cut me off.
"I'm Zayi--" Pagpapakilala ko kaso pinutol niya ang sasabihin ko.
"I already know you." sabi niya sabay ngiti.
Napairap ako kaya natawa siya. Ako pa 'ata ang napahiya. Tss!
"Uhm, as far as I know classmate tayo sa next subject kaya sabay na tayong pumasok." aya nito sabay kamot sa batok. Wow, nahiya pa siya ha? Ako nga 'tong pinahiya niya.
"Ay sorry, mauna ka na. Bibili pa ako ng ballpen eh." sabi ko pero saktong nag-bell na kaya napatingin ako sa kanya.
"You can borrow mine." Seryosong sabi nito kaya tumango ako.
Tinakbo na namin ang pagpunta sa room, sakto rin na wala pa doon ang teacher namin kaya naglakad na ako pabalik sa upuan ko. As usual, SB rolled his eyes on me like I did something wrong again.
Aktong magagalit na ako pero naalala ko yung moment namin ni Zam kanina. Sheez! Ang lambot ng kamay niya! I wish I coul hold them forever, char! Plus his looks! Crush ko na yata siya!
May saltik!
Bigla akong namula sa isiping iyon kaya naupo nalang ako, pero naalala ko ay wala nga pala akong ballpen. Tumayo bago lumapit kay Zam, nasa bandang harapan siya kaya talagang agaw pansin ang paglapit ko rito.
"Zam," I called him, tumingin agad siya sakin at ngumiti.
Binigyan ko siya ng ngiti bago nahihiyang nagsalita. Hininaan ko lamang ito dahil baka marinig ng mga kaklase kong nakatingin sa amin.
"Yung pen. Promise, ibabalik ko sa'yo mamaya." sabi ko kaya agad niyang hinalungkat ang bag nito bago i-binigay sakin yung G-Tech na pen.
"Oh, bago pa iyan. Sa'yo na 'yan. Basta sa isang kundisyon." sabi nito kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Sige, ano iyon?" tanong ko rito, at hinintay ko siyang sumagot.
"Be my.." paghinto nito, kinakabahan ako na ewan! "Bestfriend. Wala pa kasi akong friend na babae eh." sabi nito bago ngumiti. Nakahinga naman ako ng maluwag, kala ko kung ano eh. Tinanguan ko ito kaya napa-yes siya ng bahagya.
"Akala ko naman kung ano, sige kung 'yon lang. You can call me Zei from now on" Nag-smile siya sakin kaya nginitian ko rin.
Pinilit kong huwag tumili dahil nakakaadik talaga yung ngiti niya. Madadamay ka talaga! Imagine my crush is my friend. Nagpasalamat lamang ako sa pen bago naglakad pabalik ng upuan.
Napansin kong nakatingin sakin si SB, nakasimangot itong nakatingin sakin. Tatanungin ko na sana kung ano ang problema niya pero sakto namang pagpasok ng guro namin. Hindi ko na it pinansin at nakinig nalang sa teacher ko.
Matapos ang klase ay agad akong tumambay sa Garden para hintayin yung dalawa. Ilang minuto lamang ay nakikita ko na silang tumatakbo papunta sa kung saan ako naka-puwesto.
"Zei! Shopping tayo!" Sigaw ni Zouie, napans
"Sure! But let me call Mommy firtst." I said at hinanap ang cellphone.
"Huwag na, pinagpaalam na kita sa nanay at tatay mo." sabi naman ni Raine at bigla akong hinila papunta sa kotse namin. Excited kaming dumeretso sa Department store upang magsimula nang mamili ng gamit.
"Zei, anong bagay sakin ito o ito?" Pagtawag sa akin ni Zouie. Humarap siya sakin habang hawak ang pink na dress at mint na dress. Nag-isip ako saglit kung ano sa tingin ko ang babagay sa kan'ya.
"That one." I pointed to the mint dress.
Nag-isip siya saglit pero parang sinasabi ng mukha niya ay ayaw niya sa mint dress kaya ibinalik niya ito sa lagayan.
"Ah, sige etong pink nalang!" Nakangiti nitong sabi bago naghanap muli.
Pinanood ko siyang umalis na hindi makapaniwala. She asked me for my opinion tapos hindi niya susundin?! Inilingan ko nalang ito bago humanap ng damit ko.
"Uy, Zei anong bagay sakin skirt or shorts?" Lumapit sakin si Raine habang hawak ang dalawa.
Tinignan ko ang buong katawan niya at alam kong hindi siya mahilig sa skirt kaya shorts na lang. I pointed the shorts pero napaisip ito saglit
"Shorts nalang baka hindi ka komportable sa skirt eh" sabi ko.
"Actually, gusto kong i-try ang skirt." binalik niya yung shorts at nilagay na sa basket ang skirt.
Seriously?! Tinanong pa ako kung sarili nila ang masusunod. Inirapan ko ito kaya saglit itong napatawa. We spent the remaining hours in shopping kaya gabi narin kami nakauwi. I looked happily to the 5 bags of clothes. Dad will surely get mad at this!
^^
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Teen FictionHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...