Chapter 34

691 45 3
                                        


Zayieh

I can sense the awkwardness between I and Shaun the next day, hanggang sa makauwi kami sa amin. Hindi rin ako tumabi sa kaniya at ipinilit na si Josh ang tumabi sa akin. Tutal ay sa amin muna siya titigil ay pinasabay ko na.

"Thank you so much! Ingat kayo pauwi!" Pagpapaalam ko nang maihatid na kami ni Joshua sa bahay. Nginitian ko na lamang si Shaun at ganoon din siya sa akin. 

The next morning ay nagschedule ako ng halfday training with my team. Maghapon kaming nagkundisyon ng katawan. Bukas ay mayroon pa kaming practice dahil sa lunes na ang una naming laban.  The sportsfest will be held the whole week kaya wala kaming studies na aasikasuhin.

Sunday morning when mom called, she knew about my play kaya nagplano silang uuwi ng lunes. Tutal ay 9 pa naman ang start kaya makakahabol pa sila sa laro ko. This is their first time watching me play volleyball kaya ganoon nalang ang suporta nila at uuwi pa para lamang manood. Kung tutuusin ay kabi-kabila ang magiging live sa araw na iyon pero mas pinili nila na panoorin ako nang personal.

"Water break, capt!" Raine said, hingal na hingal na ito.

Ala sinko na rin naman ng hapon at limang oras na rin kaming palo nang palo rito kaya pinag-cooldown ko na sila. Dumeretso ako sa bahay matapos ang laro at nadatnan ko roon ang pinsan kong kausap ang girlfriend.

"Hi, Evi!" Bati ko at may pagkaway pa.

"Nakakagulat ka naman!" Joshua screamed. 

Hindi ko siya pinansin at kinamusta ang babaeng kausap niya sa selpon. Katulad ni Joshua ay sa ibang bansa na rin ito nag-aral. Matagal na rin sila kung tutuusin, limang taon na rin yata. Hindi na ako magugulat kapag inimbitahan ako ng pinsan ko sa kasal nila.

Same routine happenend the next day hanggang sa sumapit na ang Lunes. Pagkagising ko ay halos kararating lang din nila Mommy at Daddy, kasama ang kambal.

"Omg! Goodmorning, Mommy!" Pagsalubong ko kay Mommy, mahigpit akong niyakap nito at ganoon din ang ginawa ni Daddy nang makita kami.

"How's our princess here?" Pagkamusta ni Daddy.

"Okay naman, Dad! Alagang alaga po ako rito," I assured them.

"Kuya!" Tuwang tuwa ako nang pumasok sa pintuan ang kambal. They smiled as they saw me. Patakbo akong pumunta sa gawi nila at mahigpit silang niyakap kahit may mga bitbit silang gamit.

"I missed you, sis." Kuya Daniell messed my hair.

"I missed you too, sungit!" I said and gave him a peck on his cheek.

"Ako? Hindi mo na-miss?" May bahid ng pagtatampo sa tonong sabi ni Kuya Dylann.

"I missed you too!" Para fair ay kiniss ko rin ito sa pisngi.

"Let's have our breakfast na, maaga ang call time namin sa court." I said kaya sinundan na nila ako sa dining.

We happily ate our breakfast and after that ay nagpauna na akong umalis. Para makuha ko na ang schedule ng mga laro ko the whole week. Para rin may oras pang magpahinga sina Mommy at Daddy mula sa byahe. Nang makarating na sa school ay kinita ko na agad ang coach naman and they handed us the list of games the whole week. May posibilidad pa raw itong mabago kaya maging ready nalang daw kami kapag may announcement.

"10 ang first game natin," I announced to my teammates.

"Tayo ang first game after ng ceremony," Sabi ni Zouie kaya tinanguan ko siya.

"We can win this, girls!" I assured them. My girls were talented when it comes to volleyball, alam namin na kaya namin 'tong ipanalo.

The ceremony started at 9, nagkaroon ng torch lighting at parade ang lahat ng players. Nang matapos ay pinaghanda na kami sa volleyball court. Lahat ng students ay mawi-witness ang laro namin ngayong umaga, dahil ang schedule naman ngayong hapon ay basketball.

"Galingan mo, anak!" I heard my Mom's cheers habang pumapalo palo kami rito sa court.

"Tayo raw munang anim ang maglalaro ngayon, kaya mo ba Zei hanggang 3rd set? Kasi magiging mainit daw ang laban." Ani ni Zouie.

"Kaya natin 'to! Trust in me girls, kaya natin ito ng dalawang set lang." I winked at them.

Saktong pagkasabi ko noon ay kasabay din ang pagpito ng referee. "1! 2! 3! We will roar!" Cheer naming anim sabay salo sa bola na inihagis papunta sa akin. 

I am the server. I heaved a deep sigh and prayed for our game to go well. Matapos tirahin ang bola ay pumwesto na ako. Maganda ang pagkakasalo sa kabila kaya nag-ready ako para mag-set ng bola. Sinalo ito Cherrie ang palo at ipinasa sa akin. "Mine," Raine shouted as I set the ball and she spiked it. We got the first point kaya umgong ang buong gym na nanonood sa amin.

The game continued at lumalaki ang lamang namin sa kabilang grupo. Pero mabilis nila itong nahahabol, 22-20 ang scoring ngayon. 3 more wins ay magiging kampante na ako para sa next set

Nagkaroonng 2 minutes water break kaya bumalik kami sa bench upang uminom ng tubig. Nagulat ako nang makita ang mga kabigan namin katabi sina Mommy, Shaun handed me a cold water bottle. "You can win it," He assured as I drink the water he gave me.

"Thank you," I smiled at him, hindi nakatakas sa gilid ng mata ko ang mapunuksong tingin nina Mommy at Kuya Dylann. Kaya tumakbo na ako pabalik sa gitna para takasan ang pagaasar ng mga ito.

Cherrie served the ball at mabilis itong nasalo ni Marielle. Nang bumalik sa amin ang bola ay tumalon ng mataas sina Raine at Zouie upang i-block ito. We got it! 2 more points. Mas ginanahan maglaro ang team namin nang palakas nang palakas ang cheer ng mga tao sa gymnasium.

"Ace it!" I heard Shaun's shout while I was preparing to serve the ball.

Parang nagdilang anghel si Shaun dahil na-service ace ko ito. The other team wasn't able to catch the ball kaya sa amin napunta ang puntos. Nang maibalik sa akin ang bola ay huminga ako nang malalim at i-sinerve itong muli.

Nasalo ito ng kabilang team, naging matagal ang pasahan ng bola kaya sumenyas na ako sa mga ka-team ko na gawin na ang plano. Mabilis na nag-dive si Zouie upang saluhin ang spike ng kabilang grupo at ipinasa ito kay Raine. Raine setted the ball, Lara positioned herself to set the ball again for me to be able to give the final spike.

"Wooooooooh!!!" Everyone cheered as we won the first game.

"1! 2! 3! We will roar!" Our team chanted and went back to our bench.

"I am so proud of you, anak!" Tuwang tuwa akong sinalubong nina Mommy at Daddy.

"Thank you, Mommy, Daddy, and twins! Libre mo ako Kuya!" Kantyaw ko kay Kuya Dylann, pumayag naman ito. Kapanibago!

"Congrats, Zei!" Pagsingit ni Zam, lumingon ako sa mga ito at nagpasalamat.

"Salamat!" Masayang sabi ko at nakipag-fist bomb sa mga ito.

"I recorded your last spike, you amazed me." Shaun complimented me while showing me his phone.

Namula naman ako sa sinabi nito at nagpasalamat. Pinaulanan kami ng congrats at cheer ng mga tao sa gymnasium. Ang next game naman namin ay bukas na ulit tutal ay dalawang araw lang naman ang game ng volleyball.

"Zei! Manonood ka ba mamaya sa game namin?" Ren asked, "Of course! Save us a seat!" sabi ko.

"Mayroon na," sabi naman ni Roj.

Nagkaroon pa rin ng next game pero ang magkalaban naman ay ang team ni Marielle at yung pangatlong team. This time, Marielle's team won!  Bukas naman, kapag natalo namin ang naging kalaban nila Marielle ay malaki ang tsansa na team muli nila Marielle ang makakalaban namin.

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon