Zayieh
I got to school earlier than my usual time of going to school. Hindi ko alam kung anong nakain ko at bakit maaga akong pumasok, kaya ayan wala akong magawa o makausap dito. Dahil ayoko naman sa room ay doon nalang ako sa paborito kong tambayan. Garden. I took my phone and earphones and scrolled down to my playlist to chill.
Now playing: I'm yours by Jason Mraz
Kumuha ako ng notebook at nagsimula ng magsulat-sulat ng kung ano ano. Sinasabayan ko rin ang music kaya mas nare-relax ako. I was about about to change the music when I heard a loud applause behind me. Napatalon pa ako sa gulat dahil sa ginawa ni Shaun. What is he doing here?
"Do you want me to have a heart attack, Huh?!" Irita ko itong hinampas pero tumawa lang ito at naupo sa tabi ko. Feeling close, tapos kapag madaming tao susupladuhan lang ako.
"I love your voice." He complimented which made my cheeks blushed.
"Thanks." Tipid kong sagot dahil naiirita pa din ako sa ginawa niyang panggugulat. Itinago ko na sa bag ko yung phone at earphones dahil baka mabastusan naman ito kung makikinig ako ng music at hindi siya pansinin.
"Since when did you like music?" he asked.
"Since I was born, kumakanta na ako sa pinapupunan palang ni Mommy." Pagmamaldita ko dito.
"Pft. Chill yourself." Natatawa nitong sabi.
"Sing for me then," I said which made him stop laughing.
"What?" gulat nitong tanong kaya muli kong inulit. "Kantahan mo ako."
"Uh, what song?" Napapakamot nitong tanong. Good, he did not refuse.
"Taylor Swift song." I smiled. Agad itong tumango ako at ngumiti, saglit itong umubo-ubo bago nagsimulang kumanta
"You're on the phone with your boyfriend
She's upset
She's going off about something that you said
'Cause she doesn't get your humor like I do~"Ang ganda talaga nung bose--nung kanta maganda yung kanta.
"I'm in my room
It's a typical Tuesday night
I'm listening to the kind of music she doesn't like
And he'll never know your story like I do'~"Tumingin siya sakin at ngumiti. Feeling ko tuloy ako ang kinakantahan niya. I mean para sa akin yung kanta.
"But she wears short skirts
I wear T-shirts
She's cheer captain
And I'm on the bleachers
Dreaming about the day when you wake up
And find that what you're looking for has been here the whole time~""If you can see I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see
You belong with me
You belong with me"Nag-enjoy na rin ako sa pagkanta niya kaya sinabayan ko na siya. Pareho kaming napangiti at sa last na phrase ako ay nagulat. Tinuro niya ako sa 'you' tapos sarili niya sa 'me' takte! Parang may mga bulate sa tiyan ko. What does he mean?
Kring!
Hala! Dalawang kanta palang kami tapos na 30 minutes?
"Tara, baka sigawan na naman tayo ni Sir history" aya ko. Tumango naman siya tumayo na para pagpagan ang pwet. I mean pantalon.
Shaun's POV
I was about to go to my father's office when I saw her enter the school. Ang aga naman niya pumasok? May 30 minutes pa before ang bell. Mukhang hindi niya alam kung saan siya pupunta kasi maaga pa.
Pumihit siya pakanan at mukhang dederetso siya sa garden. Nagdalawang isip naman ako kung pupunta pa ba ako kay Daddy o susundan siya. Nagkibit-balika ako at agad ko siyang sinundan ng patago. Sa kanya ako dinala ng paa ko eh, may magagawa ba ako? Kaso lang baka sabihan niya ako ng stalker.
Naupo siya sa isa sa mga puno at naglagay ng earphones. Kumuha rin siya ng notebook at nagsulat sulat ng kung ano ano. Nakanta siya? Lumapit pa ako para marinig yung boses niya. Hindi niya naman ako nahahalata na nasa harapan niya ako.
Napangiti ako ng marinig na 'I'm yours' ang kinakanta niya.
Bakit 'pag nagsasalita siya bigla nalang bumibilis ng tibok yung puso ko?
Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. May hinahanap pa akong isang tao.
Ayi.. Ayi bumalik ka na. Miss na kita.
Ayi ang name niya, kaibigan ko siya nung bata pa kami pero bigla nalang siyang nawala.
I already searched her name pero wala pa rin. Nagtanong rin ako sa kapitbahay nila kung saan sila pumunta pero hindi daw nila alam.
Pero sa tuwing nakikita ko si Zayieh naalala ko si Ayi sa kanya. Sana ikaw na lang siya.
Si Ayi ang first love ko eh. Oo bata pa kami noon pero alam ko na 'yan.
Zayieh's POV
Naandito na kami sa room, mabuti nalang at wala pa si sir, ilang minuto lamang ay dumating na rin siya.
"Good morning. I have an announcement. Kindly listen. Next next week we will be having a Quiz bee in history, dahil kayo ay isa sa pinakamagaling kong klase na nahandle sa history. Kayo ang ilalaban ko sa section niyo." Announce ni sir.
'Si Marielle yan'
'Hindi si Zayieh siya lang naman ang nakakaperfect ng quizzes natin eh pwera kay Shaun.'
'Si Marielle magaling sa recitation'
'Baka nakalimutan niyo na si Shaun ang pinakamagaling sa History. Dati na rin siyang panlaban d'yan dati'
Bulungan ng magagaling kong kaklase.
"Okay quiet class, alam kong may idea na kayo dito pero ang kailangan ko ay babae at lalaki. So ang napili ay sila... " hilig nila mambitin "Ms. Zalvadore at Mr. Rovlez. Meet me after my class" mabilis na sabi ni kaya hindi agad nakapagreact ang lahat.
1
2
3
"What sir?! Ako ang karapat dapat diyan! Hindi si Zayieh! Ako lang! Ako!" Malakas na sigaw ni Marielle.
Kasalanan ko bang pati guro hindinka pinili, nakakabanas 'tong babaeng 'to.
"Oo nga, dapat si Marielle!" Sang-ayon ng iba.
"Quizzes nga hindi mo maperfect quiz bee pa kaya" biglang bara ni Zam.
Nag 'whoaaa' naman ang mga kaklase ko. Napanganga din si Marielle at hindi makasagot.
"Enough class. Mr. Velmonte is right, you don't even perfect my quizzes how about the quiz bee. Only Ms. Zalvadore and Mr. Rovlez can perfect it." Gatong ni sir na lalong ikinapula ni Marielle.
Mukha namang napahiya si Marielle sa sinabi ni sir. Kaya naupo na lang siya. Pero bago 'yon ay inirapan niya muna ako. Edi inirapan ko rin! Ano 'kala niya papatalo ako. Hindi ako ipinanganak para lang magpatalo sa taong kayang kaya ko namang talunin!

BINABASA MO ANG
Twisted Love
Novela JuvenilHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...