Chapter 31

715 44 5
                                        

Zayieh

Dahil sa pagod at puyat, mga alas otso na rin ako nagising. Kita kong tulog na tulog pa ang mga kaibigan ko. Alas tres na rin kami nakatulog lahat, nag-girls pa kami. Doon ko nalaman na ito palang si Zouie ay may gusto kay Zam, maging si Lara ay nagugustuhan na rin si Roj. Si Raine naman ay itina-tanggi pa rin si Ren. Hays, ako kaya kailan? Joke!

Nakaramdam din ako ng gutom kaya nag-ayos na ako para makababa. I wore a red beach dress, it has a high slit on my right leg. Malaki rin ang hiwa nito sa dibdib kaya kita ang cleavage ko. Ano ba naman 'tong pinagbibili nila Raine!

Naabutan ko sa lobby ang mga lalaki na parang may hinihintay. "Bakit kasi ang torpe mo, mauunahan ka pa niyan eh!" Narinig kong sabi ni ni Zam. Sinong torpe?

"Sinong torpe?" Tanong ko, nanlaki ang mga mata  nila nang bigla na lang akong lumitaw sa harap nila. Tila ba naubusan sila ng dugo at hindi na magawang magsalita.

"Ano," Uutal utal na sagot ni Shaun pero pinutol ito ni Zam.

"A friend of mine, Zei. May tumawag sa akin kanina pinatatanong kung paano manligaw." Zam explained. Napabuntong hiningi si Shaun at tumawa na parang sinasang-ayunan ang sinabi ng kaibigan.

I chuckled,  "Akala ko isa sainyo eh! Ang dali dali umamin, kapag reject edi move on!" Natatawa kong sagot. Napaubo naman sina Ren at Roj at tumawa nang malakas.

"Heard that, bro!" Zam tapped Shaun's shoulder.

"Whatever!" Shaun rolled his eyes, "I prepared breakfast, let's go." Shaun told us, masaya akong tumango dahil saktong gutom na rin ako. 

Hindi pa man ako nakakahakbang ay may biglang tumawag sa telepono ko. Napatigil kaming lahat at sabay sabay pa silang lumingon sa akin. "Sagutin ko lang," Sabi ko. Pinanood nila akong sagutin ang telepono, unknown number?

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag.

"Zayieh! I miss you!" Napakunot ang noo ko, sino 'to? "Sorry?" Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala.

"Hindi mo na ako nabosesan?" Tanong niya pero hindi ako sumagot, baka mamaya scam 'to! "Hindi mo na kilala ang pinaka-paborito mong pinsan?" Nanlaki ang mga ko, no way!

"Joshua?!" I shouted in joy. "Omg! How did you get my number?" I asked,

"Joshua? Who's that?" Shaun asked, napatingin ako rito. Kasama ko nga pala sila!

"Lalaki ba 'yon?" Joshua asked, hindi ko nasagot si Shaun dahil bigla akong tinanong ni Joshua. "Yeah," Sagot ko rito, nakita ko ang pagkunot ng noo ni Shaun.

"Tell him, I am your boyfriend" Nanlaki ang mata ko sa inuutos niya, "What?" Usal ko.

"Zayieh, who is that?" muling singit ni Shaun, "Sabihin mo boyfriend mo ako," halos panabay nilang sabi ni Joshua

"Boyfriend?!" Shaun was surprised by what I have said.

"What the hell?" Zam reacted.

"I am near the resort, Zei! See you in a bit," I heard Joshua's chuckles before ending the call.

"Hey, Josh! What do you mean? Hey!" Napatingin ako sa phone ko.

"You had a boyfriend?" Tanong ni Shaun. Tatanggi pa sana ako nang bigla akong naka-receive ng chat mula kay Joshua.

Unknown number: I am here, sunduin mo ako sa entrance

"Oh, I'll explain later! I have to fetch him!

Hindi ko na nahintay ang sagot nila nang tumakbo na ako palabas ng resort. There I saw Joshua, mukhang kauuwi lang niya galing Florida. What made him come home?

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon