Chapter 28

685 50 8
                                        

Zayieh

It is our 3rd day of practice and we will have no training until Friday. What a chill week! Because today...

Maghapon ang practice namin!

Siguro dahil hindi naman na namin kailangan ng puspusang training kaya ihahanda nalang namin ang katawan namin sa nalalapit ng event. This is not the first time joining a volleyball game at malaki laki rin ang tsansa na maipapanalo namin ito. I got the best team!

Habang naglalaro ay umaayos na rin ang mood ni Raine. Pinapansin na muli niya ako at hindi na siya nakabusangot. Heto namang si Marielle, panay na ang dikit sa akin dahil nga tinanggap ko na siya bilang kaibigan ko. Malamig pa rin ang pakikitungo ko sa kaniya dahil hindi talaga maganda ang ginawa niya, mabuti na lamang ay hindi lumala yung tama sa akin.

Raine

Ang galing nga naman umarte ng babaeng iyon! Oo, ramdam ko naman na lahat iyon ay palabas niya lang. Ano? Kukuhanin niya ang loob ni Zei tapos tatraydorin niya ulit?

Hindi pa alam ni Shaun ang nangyari kanina pero ipapaalam ko pa rin 'to. Kaya kailangan naming ilayo si Zei kay Marielle.

Masama talaga ang kutob ko sa babaeng 'yon!

Ewan ko ba naman kay Zei kung bakit pinatawad na naman niya yung babae na 'yon! Hindi na talaga nadala! Maging si Zouie ay hindi na alam kung tama ba binigyan na naman ni Zei iyon ng pagkakataon. Once a bitch will always be a bitch!

Hanggang sa sumapit ang lunch at talagang para siyang linta kung makadikit kay Zei! Ano siya na ang kaibigan? Dahil sa inis ay hinatak ko si Zouie at nagpauna na sa cafeteria. Sakto namang nakita ko si Shaun na kalalabas lang mula sa cr. Pinauna ko na si Zouie sa cafeteria para makapag-reserve na ng upuan bago ko tinawag si Shaun.

"Shaun," tawag ko rito na agad niyang ikinalingon.

"Why?" He approached us, lumilinga linga pa ito. Tila hinahanap si Zayieh.

"Nagkaayos na sina Marielle at Zayieh," sabi ko kaya napatingin siyang muli sa akin.

"What?!" Pasigaw niyang tanong.

"Sabi ko nagkaayos na sina--" Malakas siyang suminghal at napakamot sa ulo.

"Why?!" Parang gusto niyang manugod pero agad namin itong pinigilan.

"Nagsorry si Marielle, pinatawad ni Zayieh. Tanga lang talaga ng kaibigan ko." deretsahang sagot ko na ikinainis niyang lalo.

"Is she even sincere while saying that?" nagtitimpi nitong tanong.

"I can still sense something off." pag-amin ko kaya napahilamos na siya sa inis.

"Where is she now?" tanong niya at nagkibit balikat ako, "Follow me," aniya na mabilis naman akong sumunod.

Malayo ang pinuntahan namin at maraming pasikot sikot kaya panigurang hindi ko na tanda ang daan pabalik. Lumapit siya sa isang pinto at padarag na binuksan iton. Mabilis naman akong sumunod at laking gulat ko nang makita roon ang mga kaibigan niya.

Ito ba ang lungga nila?

Naabutan kong naggigitara si Zam habang magkausap naman sina Ren at Roj.  Si Ashe naman ay nasa isang sulok at naglalaro ng kung ano sa cellphone niya. Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mukha nila nang pumasok kaming dalawa ni Shaun.

"Whoa! First time bringing a woman here? Akala ko ba si Zayieh ang una--" Hindi na natapos ni Ren ang sinasabi ng putulin na ito ni Shaun. "We've got a big mess now," aniya na nagpatigil sa apat sa kung ano mang ginagawa nila.

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon