ZayiehShit, shit! Nawawala yung kwintas ko!
Pagkapasok ko kanina ay dumeretso na ako sa garden. The usual, tatambay para mag-chill. Then, na-tripan kong mag-selfie dahil maganda ang gising ko dahil naipanalo nga namin ni Shaun yung competition. I noticed na wala yung kwintas ko sa leeg, I am sure na nagsuot ako ng kwintas dahil lagi naman akong may suot na acessories. Imbis na maganda ang araw ko ay nakabusangot ako ngayon na halos ikutin ko na ang buong garden ay hindi ko parin nahahanap. Kainis naman!
I was doing my tantrums when I heard a voice behind me. "Hey, what are you doing?" Inis ko itong nilingon, it was Shaun. The kabuti, kung saan saan nasulpot.
"Lubayan mo ako, masama timpla ko ngayon!" irita kong sabi at tumalikod para magsimula ng maghanap ulit.
Narinig ko ang malakas niyang pagtawa kaya tinignan ko ito ng masama. Mukha namang nakuha siya sa tingin dahil bigla itong tumigil at naglakad papalapit sa akin.
"Ano ba kasing hinahanap mo? I'll help you." Pagbawi nito.
"My necklace was missing." Naiirita kong sinabi. Dahil gusto nga niyang tumulong ay tinanong niya ako kung ano ba ang itsura nung kwintas.
I described it to him, iyon yung katulad nung kwintas na nakita namin sa mall. Yung may padlock at susi. It was given to me by someone na hindi ko naman maalala, pero bigay kasi sa akin iyon. So I should treasure it.
"I'll look near the entrance, i-check mo yung benches baka doon mo naihulog." He commanded. Tumango lang ako at hinayaan siyang umalis. Sinunod ko naman ang inutos nito at nagsimula ng maghanap hanap sa mga benches.
Halos kalahating oras na kaming naghahanap at malapit na rin mag-bell. Naupo ako sa isa sa mga upuan at nagpahinga. Hindi kaya magagalit yung nagbigay sa akin nung kwintas? Paano kung makilala ko siya balang araw at hanapin niya sa akin iyon. Pero imposible naman na makilala ko kasi hindi ko nga siya kilala.
"I think I found it" rinig kong sabi niya at naglalakad papalapit sa akin.
Bigla akong nabuhayan ng loob. Napatayo ako sa inuupuan ko at sinalubong siya. Maingat niyang hinahawakang ang kwintas at nang makalapit ako ay ibinigay niya agad ito sa akin. Napatalon sa tuwa nang makita na iyon nga ang kwintas ko.
"Thank you so much, Shaun! Grabe, akala ko maiwawala ko na siya!" because of the overwhelming feeling ay napayakap ako sa kaniya.
Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko kaya bigla akong tinubuan ng hiya at binitawan siya. Nanlalaki ang mga mata niya at napapalunok. I smiled at him awkwardly, bagkus ay muling ibinaling sa kwintas ng atensyon.
Napatingin ako doon sa kwintas, ano ka ba sa akin? Bakit pakiramdam ko ay napaka-importante mo. Nagkibit balikat nalang ako bago kinuha ang wallet at itinago ito roon. Hindi ko na susuutin at baka malaglag pa. Napapagod na akong maghanap.
Sa totoo lang ay medyo puyat pa ako dahil nagkaroon ng party kahapon sa bahay nila Shaun. Ang ganda nga ng bahay nila, at totoong anak nga siya nung Dean! Nakita ko kasi sa mga picture frames na naka-display doon. Kainan lang naman ang nangyari kahapon at kaunting inuman para sa mga lalaki. Niyaya pa nga nila ako pero ayoko. Dinala ko rin sila Raine at Zouie, dahil yung dalawa pa ay hindi pinayagan dahil curfew na daw nila.
Mga 11 na ng gabi natapos ang party, of course Mom and Dad did not know about this dahil alam kong kapag nalaman nila na 11 na ako nakauwi ay ig-ground nila ako. I don't want that! Madadamay yung pag-shoshopping ko!
+++
Natapos ang maghapong klase at mukhang minamalas talag ako ngayong araw. Mukhang uulan pa, nasa kotse yung payong ko. Tinignan ko ang orasan ko at maaga aga pa naman para hintayin si Manong pero medyo dumidilim na dahil sa ulan. Hihintayin ko nalang siguro?
Isang oras na akong nag-iintay at lumakas na ang ulan. Naka-receive ako ng text message mula kay Manong na hindi niya ako masusundo dahil nagkaroon ng emergency, nagkasakit ang anak niya na sinugod daw ngayon sa ospital. Dahil mukhang walang balak tumigil ang ulan at wala namang magagawa ang pagtayo ko dito, hindi na ako nagdalawang isip pa at balak ng takbuhin ang sakayan ng taxi.
Mababasa rin lamang ako, lulubusin ko na. Ayon nga lang ay baka magkasakit pa ako kinabukasa. Inilagay ko ang bag ko sa ibabaw ng ulo ko at naghahanda na para tumakbo nang biglang may tumabi sa akin at pinayungan ako. Dahan dahan kong hinarap ang lalaking na sa tabi ko ngayon. Hindi ko mabasa ang mga mata niya, para siyang nag-aalala o nangaasar ngayon.
"Ganoon ka na ba kabaho at sa ulan ka nalang maliligo?" sambit nito at ngumisi. Epal!
"Kung itulak kaya kita sa ulanan?" Irita kong sagot.
"Ihahatid na kita." Maamo nitong sabi at inakbayan ako.
Bahagya pa akong nagulat at nagbabalak na tanggalin ang kamay niya nang sabay naming nilusong ang ulan. Dinala niya ako kung saan siya naka-park. He opened the door for me, alinlangan pa akong sumakay dahil baka mabasa ko ang mamahalin niyang upuan.
"Baka mabasa, Shaun." Ramdam ko ang nginig sa boses ko dahil nilalamig na ako.
"It's fine. Step inside, nilalamig ka na." Ani nito bago kinuha ang mga bitbit ko at hinawakan ang ulo ko para gabayan ako sa pagsakay. I watched him walk hanggang sa makasakay na siya.
Nagpagpag lamang siya saglit bago inilagay ang bag ko sa likod. May hinanap pa siya saglit at maya maya lamang ay inabutan niya ako ng towel. Tipid ko siyang nginitian, nagsimula na akong magpunas punas ng katawan bago ito ibinalik sa kanya para siya naman ang magpatuyo.
Nagsimula na siyang magmaneho. I appreciate what he did to me earlier. Kung wala siya ay paniguradong para akong basang sisiw na uuwi sa bahay. Bahagya niya pang hininaan ang aircon nang mapansin na giniginaw na ako. Tahimik lamang kami buong byahe, mabuti at pinili niyang manahimik kaysa ang pagalitan ako.
Like what he said, inihatid niya ako sa bahay namin. I smiled at him and thanked him bago ko kinuha yung bag ko. Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Minsan hindi ka talaga nagiisip, ano?" Kumuha siya ng payong at lumabas ng kotse. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Inalalayan niya akong bumaba at inihatid sa mismong tapat ng pintuan na kung saan ay may bubong na. Pinasalamatan ko siyang muli at pinanood na umalis. Pagkapasok at dumeretso na ako sa kwarto at naligo. Akala ko ang gagaan na ang pakiramdam ko pero mas lalo akong nilamig at uminit ang katawan. Kaya agad ako nahiga sa kama para magpahinga, bago pa man pumikit ay naka-receive ako ng text mula kay Shaun.
"You might have a cold, uminom ka na agad ng gamot."
^^
BINABASA MO ANG
Twisted Love
Подростковая литератураHer life has been described as ideal; she has enticing beauty, a bubbly personality, intelligence, wealth, and a loving family and friends. She, however, does not have a romantic life. She was courted by some men, but she turned them down. She was t...