Chapter 17

852 58 4
                                    

Zayieh

Irita kong pinatay ang alarm kinabukasan. Ayokong pumasok ngayon, panigurado mukha akong kamatis. Sobrang pula ng pisngi ko dahil sa pagkakasampal sa akin ni Marielle kahapon. Ikinuwento ko ang pangyayari na ito sa mga kaibigan ko kagabi dahil hindi ko talaga maiwasang hindi magkuwento. Paniguradong kumalat na naman sa social media ang pag-aaway namin na iyon. Pinilit kong bumangon at kinuha ang cellphone ko nang may nag-text. Bumungad naman agad sa akin ang isang text message na mula kay Skie.

Zei, alam kong ayaw mong pumasok dahil d'yan sa pisnge mo. Pero kailangan mong pumasok kasi may ia-announce daw ang mga teachers and attedance is really a must.

I sighed in frustration. Nag-reply agad ako sa kaniya na papasok ako. Tumayo na ako at dumeretso na sa banyo para maligo. Pagtingin ko sa salamin ay hindi naman sobrang pula ang pisnge ko pero ramdam ko pa rin ang hapdi nito.

Bakit ba kasi ang lakas sumampal ng bruhang 'yon?!

I made sure that I put a light make-up before I leave the house. Para naman hindi nila mahalata na nakipag-sampalan ako kahapon. Napagdesisyunan kong sa byahe na lamang kumain. Agad namang nag-drive si Manong at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami ng school. Dumeretso na ako sa room para makapagtago tago sa mga tao, panigurado ay pag-uusapan na naman ako.

"You! Look what have you done to my face!" Mariin akong napapikit dahil sa sigaw na bumungad sa akin pagkapasok ko sa room.

Tamad kong nilingon si Marielle, katulad ng sa akin ay namumula din yung pisnge kung saan ko siya sinampal. We're even. Hindi ba niya alam kung gaano kabigat ang kamay niya?

"Pakialam ko sa mukha mo? Kahit naman hindi dumapo ang kamay ko sa mukha mong napakadumi ay panget ka pa rin!" sigaw ko pabalik at inirapan siya.

Inis kong nilingon ang mga kaklase kong nang-aasar ngayon kay Marielle. I don't need fans. Nang makarating sa pwesto ko ay kita ko ang galit na titig sa akin ni Shaun. Hindi ko ito pinansin at agad na binati si Skie. Yayakapin ko na sana ito nang may humila bigla sa buhok ko.

"You bitch! I hate you!" sabi nito at gigil na gigil pa rin sa paghila ng buhok.

"Both of you, stop!" I heard a loud shout na nagpatigil kay Marielle sa pananabunot sa akin.

It was Shaun who shouted. Hawak hawak niya sa braso ngayon si Marielle at masamang masama ang mga tingin na ibinibigay niya rito. Kinaladkad ni Shaun si Marielle sa upuan nito at pabagsak na binitawan ito.

"I told you not to lay your hand on her! How many times to I have to suspend you? I won't let this pass, you are going to be expelled. I'll make sure of that." Shaun angrily said which made us gasp.

Marielle looked at him with a shocked reaction. Wala na itong nagawa nang layasan ito ni Shaun at dumeretso sa kinatatayuan ko para hilahin pabalik sa pwesto namin. Inasikaso niya ako, binigyan ako ng tubig at sinuklay pa ang buhok ko. Gulat na gulat ako habang pinapanood akong asikasuhin ni Shaun. Tumgil lamang siya nang dumatong ang guro namin.

"Good morning class." Pagbati ng guro namin sa physics. 

Binati namin siya pabalik, dahil pa rin sa nangyari ay walang nagiingay. Inilapag lang ng guro namin ang mga gamit niya bago kami hinarap ulit.

"Okay class, you all need to go to the auditorium. There will be an important announcement for all students. Since it's Friday, I won't be giving you homework or tasks. You may now go." He dismissed.

Agad naming sinunod ang guro. Nang makarating sa auditorium ay ganoon na lamang ang gulat ko na halos lahat ng estudyante ay naandon. Kahit yung mga junior students ay naririto, halos mapuno na ang auditorium.

"Ano kayang ia-announce?" pagtatanong ko kay Zam na nasa tabi ko na ngayon.

"Malay ko, guro ba ako?" inis kong nilingon si Zam na ngayon ay nakangisi na. 

"Nakakakulo talaga ng dugo presensya mo ano?" pagsagot ko at imbis na patulan niya ako ay kumibit balikat na lamang siya.

"Good morning, students." panimulang bati ng Dean, Mr. Rovlez.

"Good Morning, Dean!" pagbati namin sa kaniya. Nginitian niya kami at sinensyasan na mahimik muna kahit sandali.

"I have a special announcement today." Nagkaroon na ng bulungan ang mga estudyante, tila na-curious sa sasabihin ng Dean.

"The Rovelzian Campus annually held a sportfest as a celebration of its foundation day." sa pagkakasabi palang na iyon ng Dean ay nagkagulo na ang mga tao. Nakakatuwa lang dahil ang celebration ng foundation day ay sinamahan nila ng sportfest, mukhang masaya nga ito.

"Quiet students, I know all of you are now excited but I am requesting silence." sabi nito na agad naming sinunod. "For those who are interested in joining, the hall is open for name listing and scheduling your try-outs." pagkasabi na pagkasabi na iyon ay nagkilusan na ang mga estudyante para dumeretso sa hall upang magpalista.

"Ano ba ang mga event sa foundation day at sportsfest?" Tanong ko kay Zam na katabi ko.

"There is a sportsfest week, and the next week ay celebration ng foundation day. Taon taon itong ginagawa ng paaralan para naman pagpahingahin ang mga estudyante  sa pag-aaral. Para na itong sembreak, pero nasa school pa rin kayo para mag-enjoy." Pagsasalaysay ni Zam habang naglalakad kami palabas ng auditorium.

"cool, anong mga sports ang available?" pagtatanong ko ulit.

"For outdoors, basketball, volleyball, soccer, dodgeball, baseball, and track, and field. While in indoor games, there will be chess, badminton, billiards, scrabble, and archery. I know there are few, but there are a lot of students who are going to join those sports, pero gaganapin lang ito ng isang linggo at baka hindi agad na accomodate ang mga laro." Bigla akong na-excite sa mga sports na sinabi ni Zam.

Kahit na volleyball lang ang bagsak ko ay para bang excited pa rin akong manonood ng mga laro na iyon. Nalaman kong sa basketball siya magpapalista at panigurado ay ayon din ang sa mga kaibigan niya. Hinila ko na siya sa hall dahil paniguradong mahaba ang pila doon.

Naabutan ko naman doon sila Lara at Bokbok na nakapila sa volleybal kaya sumama ako sa mga ito. I just found out that they are into volleyball and lagi silang lumalaban para sa school. Dahil nga kakalipat ko palang ng school ay wala pa ako sa team na ito.

Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon