10

930 25 4
                                    

San Isidro, Quezon Province

"Ayos ka lamang ba? May masakit ba sayo?" Sinubukan nya akong hawakan sa pisngi ngunit inilayo ko ang aking sarili. Hindi ako kumportable sa kanya dahil ssa nararamdaman kong takot sa kanya.

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang at pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata... Napakagat ako sa aking ibabang labi at napaiwas ng tingin... Oo mahal ko sya ngunit... Nagawa nya ako g saktan noon... Katulad ng asawa ni amang...

"Ysang, pagbabayaran ng babaeng iyon ang pananakit nya sa iyo... Pangako sa iyo yan... Wala akong pakialam kung asawa sya ng amang mo... Dahil sinaktan ka nya na hindi katanggap-tanggap para sa akin" mariin at malamig nitong sabi.

Napatingin ako sa kanya kasabay ng pagrigudon ng kaba sa aking puso... Anong gusto nyang sabihin?
Anong gagawin nya kay. Tyang Belen?!

"A-anong ibig mong sabihin,P-Pablo? Anong pinaplano mo kay tyang Belen?!" Nanginginig ang aking boses na tanong rito.

Madilim ang mukha nitong tumingin sa akin ."Magbabayad sya sa paraang hindi na sya makakaulit sa pananakit sayo, Ysang... Walang sino man ang may karapatang saktan k---"

"A-at ikaw lang ang pwedeng manakit sa akin?" Mapait kong sabi rito.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon... Basta hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nakita ko ang pagkabigla at bahala sa mga mata nito... Nag-iwas ito ng tingin at huminga ng malalim ng ilang beses na tila kinakalma ang sarili...

"G-ga... Hindi ko sinasadya iyon... N-nadala lamang ako ng emosyon ko noon... H-hin---"

"Kung gayon...s-sa bawat dadalhin ka ng emosyon mo ay sasaktan mo ako ... Mauulit mong muli ang nagawa mong iyon ... K-katulad ka rin nila... Katulad ka rin ni tyang Belen... Kaya kung m-maaari lamang Pablo... Wag mong pakialaman ang problema kong ito sa pamilya namin. N-nobyo lamang kita... " Nagulat ako ng bigla nyang hinaklit ang braso ko palapit sa kanya. Nakita ko ang panlilisik ng mga mata nito habang nakatingin sa akin. Nilukob na naman ako ng takot dahil sa nasasaksihan ko ngayon kasabay ang kirot na nararamdaman ko sa hawak nya.

"ANONG SINABI MO?! NOBYO MO AKO OO! AT MAY PAKIALAM AKO SAYO DAHIL PAG-AARI KITA! TANDAAN MO IYON!" Galit na galit na singhal nito habang niyuyugyog ang hawak nito sa akin.

"P-Pablo... Sinasaktan mo ako! Nasasaktan mo na naman ako! K-katulad ka na nila... N-natatakot na ako sayo!" Lakas loob kong sabi rito gamit ang basag kong tinig.

Tila natauhan naman ito at dahan-dahan nyang tinanggal ang hawak nya sa akin... Naging malambot ang expression nito... At sinubukan akong yakapin ngunit mas nakaramdam ako ng takot rito kaya humagulgol ako sa iyak at sumuksik sa pintuan ng sasakyan. Nakita kong nahihirapan at nagsisisi ito dahil sa nakukuha nyang reaksyon mula sa akin .
Ang hirap... Ayokong maramdaman ito sa kanya ngunit hindi ko kaya...

"P-pangga... S-sorry... Patawad... Hindi ko sinasadya... Mahal na mahal kita ga... H-hindi na ako uulit..." Anito at sinusubukan nya akong muling hawakan ngunit hindi nya itinuloy dahil sa nakikita nyang panginginig ko sa takot sa kanya...

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay isang mapanganib na tao ang mahal ko? Nasaan na ba ang Pablong minahal ko noon?

Nasaan na rin ang matapang na Ysang noong bago ito dumating sa buhay ko? Nasaan na?

---
Republic of Burundi

"As my assistant told me,   In a few minutes, our Medtech will hand  to you the result of the test on the water and food samples you gave us... " Malamig na hayag ni Doc Hades habang nililinisan namin si Ymar .

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon