32

753 26 7
                                    

Yvangelin Mansion

Dalawang araw na mula nang inilipat ang buong team sa safe house na under ng Stavros Security. Noong una ay dapat sa safe house na provided ng Government sila dadalhin but Ymar doesn't trust them enough lalo na't malalaking tao ang nasa likod ng kaguluhang ito.

Ako naman ay isinama nya sa Yvangelin Mansion. Ang tahanan ng pamilyang Stavros. Noong una ay ayoko ngunit ipinaliwanag nito na ito ang pinakaligtas na lugar na alam nya para sa akin dahil lahat ay mapagkakatiwalaan nya at hindi siya tatraydorin. Yes! My boyfriend is paranoid when it comes to my security and I can't blame him lalo na at ako ang main target ng kalaban.

"Oh... Hija, gising ka na pala? Kumain ka na ba? Si Ymar ? Gising na din ba?" Magiliw na tanong sa akin ni tita Yvangelin... Ang Empress ng pamilya. She is cold yet the warmest person I ever met.

She's wearing a plain beige dress na above the knee and a plain nude pointed heels. Wala itong alahas liban sa kanya engagement and wedding ring at simpleng emerald stud na hikaw... Her simplicity fails to hide her glamour and elegance.

Ngumiti ako rito at bumati. "Nagjogging po saglit si Ymar... Hindi na po nya ako isinama dahil pagod daw po ako since galing po kaming byahe. Hihintayin ko na po sya for breakfast tita." Nakangiti kong sagot rito.

Tumango naman ang ginang at nginitian ako. May sasabihin sana ito nang marinig naming bumukas ang pintuan at kasunod niyon ang takbuhan ng maliliit na yabag kasabay ng tunog ng takong... Parang alam ko na kung sino iyon...

"Oh! Queen! You're here already! You should inform us para naman nagpahanda ako ng paborito mo"malugod na saad nito sa Reyna matapos niyang batiin ng mga ito.

"It's fine empress mama... Gusto lang ng kambal na maagang magtungo rito. " Anito sa malamig ang tinig bago ako tinapunan ng tingin. I choose to give her a smile and greet her like how we greet in royal circle. I know, it would please her.
Nagtaas naman ito ng kilay bago umangat ang isang gilid ng mga labi nito... I can see Ymar's similarities with her. "So... Another lady from royal circle huh? I wonder if all of my brothers will have royal blood lady? Or not. But then... I don't have anything against you." Anito tsaka kami iniwan roon.

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon