Potsdam, Germany
"I guess they are the same group who's after Chalamity... Fuck! I really need to see her... She needs to be protected!" Napatingin ako kay Bossing na kausap ni Sir Carlos Ytan sa may kitchen ng villa. Rinig na rinig ang pagtaas ng boses nito mula roon.
Napatingin ako kay Lady Rebel na napapailing at mlaungkot na napangiti sa akin. "Are you okay , Ysa? Hindi ka ba nasaktan kanina?" Alalang tanong nitong muli sa akin sa pangatlong beses.
Ngumiti ako nang matipid rito . "O-okay lang po ako Lady Rebel. S-salamat." Nag-aalangan kong sagot rito.
Huminga ito ng malalim at malungkot na tumingin sa akin. "I am very sorry that you had experience this kind of situation in our land... We didn't expect that they will attack Ymar again ... It's been more than a year... Akala namin ay tapos na." Makahulugang sabi nito sa akin.
Napakunot ang noo ko at may pagtatanong sa mukhang tumingin ako rito ngunit umiling lamang ito at ngumiti ng pilit. Ginagap nito ang aking mga nanginginig pa ring mga kamay...
"Just don't mind it. I'll promised you that this won't happened again while you are in our land. We will keep you safe in our lot " puno ng pangako at paninigurong sabi nito sa akin .Ngumiti ako nang pilit at tumango rito.
Binitiwan nito ang aking mga kamay nang dumating ang isang katulong nila na may dalang tray na naglalaman ng tea pot at mug...Iniabot sa akin ni Lady Rebel ang isang tea mug na sinalinan nito ng tsaa.
"That Jasmin Tea will helps you calm your nerves..." Nakangiti nitong sabi sa akin habang iniaabot ang tasa ng tsaa na agad kong tinanggap.
"T-thank you..." Mahina kong pasasalamat sa kanya na sinuklian lamang nito ng ngiti.
Hindi nagtagal ay bumalik na sina boss st sir Carlo sa living room... Nagyayang bumalik na sa main house ang huli dahil naiwan ang mga anak ng mga ito sa mga maid. Bago nagpaalam ay siniguro ng mga ito na mahigpit ang seguridad nang buong villa at sinabihan ako na wag mag-alala.
Si Toni naman ay nasa Medical Center ng mga Hellios dahil natamaan ito ng isang bala sa balikat... Doon muna ito mananatili ngayong gabi...
Naging tahimik ang buong villa nang umalis na ang mag-asawa...ako'y tensyonadong bumalik sa sofa na inuupuan ko kanina...pilit kong iwinawaglit ang ala-alang iyon na pilit kong kinakalimutan matapos kong lisanin ang San Isidro...
"How are you Ellena? Did you get hurt?" May bahid ng konting pag-aalala sa boses nito kaya napatingin ako rito. Nakita ko sa mga berdeng mata nito ang pag-aalala... Ngunit para kanino?
Sa akin ?
Napangiti ako ng mapakla sa aking isipan... Walang kahit sino man ang magpaparamdam ng kabutihan sayo Ysang... Dapat ay alam mo iyan.
"O-okay lang ako boss... Medyo natakot lang ng konti dahil akala ko ... " Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paghagulgol na kanina pa gustong kumawala sa akin. Sinubukan kong huminga ng malalim upang pigilan iyon ngunit sa gulat ko ay hinila ako at niyakap ni boss ng mahigpit... Tila sinasabing okay lang ang umiyak at matakot... Na okay lang na ipakitang mahina ako... Kaya tuluyan na akong napahagulgol at hinayaan ang sariling ilabas ang takot at pangambang nananahan sa aking pagkatao...
Sa unang pag-kakataon ay may isang taong nagparamdam sa aking okay lang na umiyak at maging mahina kahit minsan... Na walang huhusga at mananamantala sa ipinakikitang kahinaan...
Hindi ko inaasahang sa kanya ko pa oyon makikita...
Na kay Crisostomo Ymar Stavros pa na pinakamalamig na taong nakilala ko sa buong buhay ko....
At mortal kong kaaway sa araw araw na pananatili ko sa poder nito...
---
Hellios Estate-Hellios Castle
(Main House.)"They were attacked by the same group who was after you, Serene... Hindi pa rin sila tumitigil upang makuha ka! Ymar is even desperate to find you because of that! He wants to make sure you are safe! He wants to personally protect you!" Nakaramdam ako ng pangamba at takot dahil sa narinig ko mula kay Rebel.
"I-I thought t-they stopped already? They got what they wanted ... A-ano pang gusto nila?! " Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa umaapaw na tensyon at takot na nararamdaman.. "...and isn't it, the family already caught the culprit... Banketi told me that! A-ano to?! Bakit n-nangyayari nanaman ito?! Tell me Rebel!" Histerikal kong sabi.
Those people must not find us... Hindi nila ako dapat mahanap... Hindi ... Ayoko... Sasaktan nila ako at ang anak ko! H-hindi pwede!
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin nang mahigpit ni Rebel na tila sinusubukan akong kalmahin... Pero hindi ko kaya... not now knowing that those guys are at larged again! No!
"Calm down ..Serene... Calm down... They can't harm you ... And Huricane... I promised that to you... The elders and Chaos will be here ... We will talk about this matter... Promise... No one can hurt our family again...Serene... Specially you and Huri... I promise that... " Rebel promised .
"R-Reb... Ayoko nang maulit ang dati... B-baka ... Baka makuha nila ako ulit... Baka... Baka makuha din nila si Huri... Ayoko Rebel... Ayoko... Natatakot ako... Parang-awa mo na... Wag mo kaming pababayaan... " Humahagulgol kong pagmamakaawa sa aking pinsan.
"Hush... Serene... Promise... I'll do everything in my power just to protect you... I promise that... Calm down... Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo..." anito puno ng sinseridad ang tinig
"T-thank you...Rebel .. thank you... Please... Protect him too... Protect Ymar... H-hindi ko kakayanin kung pati sya ay madamay at mapahamak dahil sa akin...please ... Hindi ko kakayanin..." pagmamakaawa ko
"I promised... But ... Serene... You have to face him ... He deserves to know the truth... He can help you... He---"
"NO! I CAN'T ! I CAN'T! H-HINDI KO KAYA... HINDI KO KAYANG HARAPIN SIYA... HINDI KO KAYA! Basta... Ipangako mo lang... Ipangako mong poprotektahan mo sya tulad sa pagprotekta mo sa amin ni Huri... Please... Please...Rebel... Please... Hindi ko kasi kaya e... Parang-awa mo na..."
BINABASA MO ANG
Stavros 4 : Inside Out
Romance"Let me see the dark sides as well as the bright I'm gonna love you inside out I'm gonna love you inside out Let me see the dark sides as well as the bright I'm gonna love you inside out I'm gonna love you inside out " -InsideOut (Chainsmoker)