20

811 25 0
                                    

Potsdam, Germany

Natapos ang rambulan este meeting sa isang closed door... Hindi namin alam ang nangyari sa loob noon dahil hinatak na ako palabas ni bossing at dinala sa opisina ni sir Carlos Ytan binilinan pa akong wag maglilikot dun at hintayin syang bumalik . Parang bata ako nun pero sinunod ko sya kasi mainit takaga ang ulo...

Umuwi kami sa villa matapos niyon... Gginamot ko pa ang pasa at sugat na natamo ni bossing sa away nila ni bobong pogi! Kapatid nila pala si bobo...

Ngayong araw na ito ay libreng araw ni bossing... Walang appointment ang dragon kaya day off ko din... Sabi nya free daw ngayon mamasyal...kaya heto ako at maagang gumising at nag-ayos... Excited na kong maglibot sa lupain ng mga Aleman! Hihihih

Nang matuwa na ako sa hitsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko... Sa kabila kasi si bossing! Akala ko nga tototohanin nya na tabi kami sayang naman.... Charot!

Nagtungo muna ako sa kitchen para magready ng almusal at kape ni bossing bago ako gumala... Bilin sa akin yun ni madame Yvangelin na laging siguraduhing may kakaining healthy at sa oras si bossing. Though health buff ito dahil dating seal.

Pagdating ko sa kitchen ay napangiti ako dahil nakaready na roon ang food nito at hinihintay pa siya ng mga maid from the main house ng mga Hellios. Binati ako ng mga ito at sinabihan akong kumain na ngunit nakangiting tinanggihan ko sila at sinabing sa labas na ako kakain.

Nasaan kaya si boss? Tulog pa? Pero imposible dahil mas maaga pa kung gumising sa akin yun e!

"Kindly tell, Sir Ymar that I'll stroll around. I'll be back before 5pm!" Paalam ko sa isa sa mga ito na tila nag-aalangan na tumango.

Pagkatapos ay masayang naglakad na ako patungo sa pinto nang biglang bumukas ito...at tumambad sa akin ang pawisan at kunut noong si bossing. Nakahoodie at sweat shorts pa ito ...tinanggal nito ang earplugs nya at tiningnan ako .

"Where the hell are you going?! And what are you fucking wearing Ellena?!" May gigil sa malamig na tinig nitong sabi sa akin.

Medyo naguluhan ako dahil doon. Problema nito?

"Mamamasyal ako boss... Wala naman tayong appointment ngayong araw kaya susulitin ko ang Alemanya! Tapos syempre bibilhan ko ang aking kapatid ng pasalubong at si Claring! " Paliwanag ko rito sa excited na tono.

Lalong umasim ang hitsura nito na tila may hindi nagustuhan sa narinig. "You never know how to listen huh? Women." Tila naiinis na sabi nito.

Napakunot ang noo ko sa tinuran nito. "Change. You'll caused a trouble if you'll go out wearing that clothes. Wear something decent...and mind you it's cold outside" utos nito na ikinabigla ko. Sasagot na sana ako nang magsalita itong muli. "Not a word. And wait for me. I'll go with you. May pupuntahab din tayo." Anya na ibinabigla ko.

"WALA NAMAN TAYONG SCHEDULE NGAYON E!" inis kong sabi rito. "At desente ang suot ko! "

"Just do as I said. Gusto mong kaltasan kita ngayong araw na ito? Remember this is not your day off?!" Mapanuyang sabi nito.

Wala akong nagawa dahil doon. Inunod ko na lamang ang sinabi nito kahit labag asa aking kalooban!

Nagpalit ako from dress ay sinuot ko ang tight leather pants ko at isang white t-shirt na fit sa akin na pinatungan ko ng black leather jacket. I wear my black boots. Medyo nagretouch lang ako at tsaka muling lumabas. Naratnan ko ito na bagong shower ... Hula ko quick shower lang yun tapos nagmadaling nagbihis.  Naka plain white tshirt lang ito at black pants at combat shoes nitong black. Bitbit nito ang black coat nya . Ang lakas ng dating ni gago.

Lumapit ako rito at nang makita nya ako ay ngumisi ito sa akin na tila may naiisip ... "You really have a crush on me huh? Matching with my outfit. Really?" Aniya sa mapangasar na tinig at tinalikuran ako . "Let's eat first. Late na kung sa labas pa tayo kakain. Make me a coffee, Ellena." Anya pa .

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon