28

720 25 16
                                    

"Happy birthday, Ate Ysang!" /"Happy birthday Ysay!" Napangiti ako nang marinig ang pagbating iyon mula kina Clara at Junie mula sa labas ng balkunahe ng Casa... Dalawang araw lamang ang pagitan ng aming kaarawan ni Junie... Ito na rin ang huling araw namin rito sa isla ...

Nang araw na iyon... Napagalaman kong hindi sumama si Clara kay Alejandro sahalip ay si Alejandro ang nanatili rito... Hindi lang minsan kong nahuhuli itong nakatingin sa akin na tila kinaaawaan nya ako sa kung ano na labis kong ikinababahala... Dahil lumalakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy nila sa pagtatalo nilang magkapatid ng hapong iyon...

Si Ymar naman ay mas naging attentive ito sa akin ngunit may mga oras na nakikita ko itong malalim ang iniisip o kaya naman ay nakatingin sa phone nito at tila may hhinihintay na kung ano roon... May mga pagkakataon ding may kausap ito ng palihim sa phone nya at tila seryoso ang topic ng mga ito... Hindi ko alam pero tila praning na ako ... Napapraning ako dahil sa nangyayari sa paligid ko. Ramdam na ramdam ko na na may mali rito...

"Maraming salamat sa inyo!" Pilit kong iwinawaglit sa isipan ko ang mga bagay na iyon at masayang nginitian ko ang mga ito. Yinakap naman ako ni Junie habang si Clara ay inilapit ang cake sa akin upang hipan ko ang kandila ...

Pumikit muna ako at bumulong ng maikling kahilingan...

"Lord, head my prayer. Give ne and my brother a secured and safe life. This is all I pray for. Thank you for the gift of life. "

At hinipan ang kandila ... Masayang yumakap naman sa akin si Clara matapos iabot kay Alejandro na seryosong nanonood lamang sa amin ang cake.

"Happy birthday ulit Ysang! Masaya ako't nakikita ko ang pagbuti ng buhay nyo ng kapatid mo! Heto ang regalo ko!" Aniya at iniabot ang isang paperbag na may tatak na Zen .

Isang sikat na fashion house iyon dito sa Asia...

Binuksan ko ito at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ang laman ng paperbag... Isang limited edition na bag iyon... Alam ko dahil sinabi ko noon kay Clara na ang ganda nito at nais ko sanang bilhin kaso nagtitipid ako...

"C-Clara... M-mahal ito... Hindi ko matatang--"

"Magtatampo ako talaga pag hindi mo kinuha yan, Ysang... Regalo ko yan sayo... At wag kang magalala hindi naman ako gumastos dyan! " Nakangising sabi nito sa akin at tinapunan ng mapang-asar na tingin si Alejandro na tila wala lang rito ang ginawa ng babae.

Lokaret talaga! Hindi ko alam kung ano talaga ang estado ng dalawang ito para magkaroon sya ng access sa pera ng binata...

Ngumiti naman ako at niyakap muli si Clara. "Thank you Claring!" Sabi ko rito.

"Ate... Heto po ang regalo ko... Inipon ko po ang pinambili ko dyan sa sahod ko po noong nagpart time po ako ... Para pambili po dyan!" Masayang sabi ni Junie.

Naginit ang gilid ng mga mata ko dahil doon... Iniabot ko ang regalo ni Junie at niyakap ang kapatid ko... "Thank you, bunso... Pero sana ay hindi ka na nagabala pa... Alam mo naman na ayos na sa akin na magaral ka nang mabuti hindi ba?"

"Gusto ko po ate e " anito at alam kong nakanguso ito.

"Thank you... Junie. Mahal na mahal ka ng ate." Bulong ko dito.

Kumalas ako rito at binuksan ang regalo nito... Isang scarf ang naroroon at may nakaembroid na Ysadora Ellena roon...

"Thank you ...bunso... Nagustuhan ni ate..." Madamdaming kong sabi rito.

"Maligayang kaarawan ... Ysay! Here's pur gift from SD. " Ani Toni na kapapasok lamang...at iniabot ang isang paperbag na may tatak ng Hermes.

Nanlalaki ang mga mata kobg tinanggap iyon... Damn!

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon