After 2 years...
Damascus, Syria"Wrap it up for me. Good job team!" Nakangiti kong sabi sa aking team.
At tumalikod upang lumabas na ng makeshift operating room namin dito sa Syria... May malakas na pagsabog kasing naganap kaninang madaling araw sa kabisera ng Damascus... maraming sibilyan na naman ang namatay at napinsala... kanina ay limang operation ang sunud sunod naming isinagawa... Mabuti na lamang at nasa labas kami ng mismong lugar... At malayo sa kabahayan at syudad... Kasama namin ang mga U.S. troops sa baracks. Ngumiti ako ng malungkot... I missed him so much... pilit kong iwinawaglit ang isiping iyon.
Huminga ako ng at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaing container van... I need to take a rest... Mag-aanim na buwan na simula ng bumalik ako sa aking medical missions... Ayaw sana ng pamilya ko ngunit sinabi kong kailangan kong gawin ito hindi lamang makatulong kundi para sa akin... Hiniling ko sa kanila na bigyan ako ng isang taon upang tapusin ang nais ko bago bumalik at buoin ang lahat sa akin.
Kinuha ko ang aking pamalit at nagtungo sa banyo ng aking container van... naligo at nagbihis na roon. Nang masigurong maayos na ako ay lumabas na ako ng banyo at tutuloy na sana sa kama nang magulat ako dahil may maiinit na bisig ang bumalot sa akin..
"I missed you so much, wife." Napangiti ako sa narinig at pumihit paharap rito.
He look so tired while looking at me lovingly..."I missed you too, husband... You look so tired..." Sabi ko rito...habang hinahaplos ko ang kanyang mukha at napapikit ito.
"You should...take a shower now...para makapagpahinga na tayo... Go... And wash... I'll prepare something to eat. " Sabi ko rito.Ngumiti ito at tinamnan ako ng magaang halik sa labi... "Ligo ka ulit...sabay tayo." He said ... He's being naughty again. Kaya napaiwas ako ng tingin rito
"YMAR! " Naeeskandalo kong saway rito na ikinatawa nya na alam kong pilit lamang nyang pinagagaan ang lahat. Alam kong nahihirapan ito tuwina...
"Yeah... I'm just kidding... I know you are tired and not yet ready for it... I'll go now. Maliligo lang ako..." pinakawalan ako nito at nagtungo sa loob ng banyo namin.
Ako naman ay mabigat ang pusong na naghanda ng dinner namin... Well it's past 12 midnight already...
Mula nang araw na akala ko ay mawawala na si Ymar sa buhay ko ng tuluyan ay mas tinatagan ko ang loob ko at hindi sumuko sa buhay... Dalawang buwan itong coma... May mga time na bumibitaw ito ngunit hindi ko siya hinayaang sumuko... pero isa lang ang hirap akong labanan... Ang hhalimaw na binuhay ng demonyong iyon sa akin...
---
Almost 2 years ago..."N-NO... NO... HADES! DON'T GIVE UP ON HIM! PLEASE!". histerika ko ng sa pang-anim na pagkakataon sa loob ng dalawang buwan na coma ang asawa ko ay nag-flatline ulit ito. Halos gumuho ang mundo ko ng tumigil sa pagrerevive sina Hades... Kaya dali-dali akong pumasok at hindi nagpapigil sa kanila...
I did the drill...
Hindi... Hindi ko kayang isuko ka Ymar... Ayoko... Hindi ko kaya...
"Tama na...Serene... Tumigil ka na..." pigil sa akin nina Hendrick.
But I didn't listen...
BINABASA MO ANG
Stavros 4 : Inside Out
Romance"Let me see the dark sides as well as the bright I'm gonna love you inside out I'm gonna love you inside out Let me see the dark sides as well as the bright I'm gonna love you inside out I'm gonna love you inside out " -InsideOut (Chainsmoker)