19

752 29 15
                                    

Potsdam, Germany
Hellios Estate -Hellios Castle

"Boss... Natawagan ko na si Lady Rebel, sabi niya ay tatawag siya kung magagawan nya ng paraan. " Balita ko rito

Nasa sasakyan kami ngayon patungo sa Medical Center na pinagdalhan kay Toni. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kasidhi ang kagustuhan nitong nakausap ang mga kamag-anak ni Lady Rebel... Sabagay hindi mo naman talaga maiintindihan ang mga mayayaman minsan sa mga trip nila.

Hindi nagtagal ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng Medical Center... Pinagbuksan ng pinto si bossing at bubuksan ko na sana nang makitang nagmamadaling pinagbuksan ako nito ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Naninibago talaga ako sa ginagawa ni bossing sa akin ngayon. Ibang iba kasi ito sa pakikitungo niya sa akin simula ng tambangan kami ng ilang beses ...

Naging mabait at gentle ito sa akin. Tila nagiging overprotective sya sa welfare ko at laging sinasabing hindi nya hahayaang maulit sa akin ang nangyari noon sa "kanya" na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya.

Pagdating namin sa room ni Toni ay dinatnan namin itong naka-upo habang nanonood ng TV. Hininaan nito iyon ng makita nya kami.

"How are you?" Malamig ang boses na tanong ni bossing rito habang umuupo kami sa couch .

Ngumiti naman si Toni sa amin na tila walang napinsala rito. "I'm fine. I'm just waiting for the clearance of the docotr then I can be discharged tomorrow. " Anito .

Tumango naman si boss ."That's good. You should not overstay here. " Sabi nito na may multong ngiti sa mga labi. Grabe! Talent nya ata yung ganung smile.

Ngumisi naman si Toni na nakakaloko. "Of course! We still have a syndicate to hunt down!" He said with no humor. Ngumisi rin si bossing na tila may masamang plano.

Nangingilabot ako tuwing ganun ang tono nila. Ang lakas.

"HOY! Lakas makademonyo nyang boses at ngisi nyong dalawa! Para kayong si Luci at si Tan!"sabi ko sa kanila.

Kumunot ang noo ng mga itong tumingin sa akin... "WHO THE HELL ARE LUCI AND TAN?!" buga ni Bossing na highblood na naman kaya napangiwi ako habang si Toni naman ay natatawa.

"Si Lucifer at Satan! Duh?! Di nyo knows mga friends nyo?!" Sarkastic kong sabi rito.

"YOU REALLY WANT TO----"

Naputol ang sasabihin nito ng sunud-sunod na tumunog ang mga phone namin... Nagkatinginan kaming tatlo at alam kong may nangyaring hindi maganda....o malaking news...

Sabay sabay namin sanang sasagutin ang mga phone namin kasabay ng pagkarinig namin sa balita...

'One of the richest and powerful men in the corporate world announces that he found out that he has another heir. He will introduce his son in the right time. Here is the interview with him and his wife.'

Nagflash ang seryosong mukha ni Sir Celestino at ang may ngiti sa mga labing si madame Yvangelin sa screen. Nasa labas ang mga ito ng Stavros airline dito sa Germany... Dadalo kasi ang buong angkan ng ng mga Stavros sa banquet bilang suporta sa lehitimong  panganay ng anak na si Carlos Ytan at asawa nito.

"My family was happy.I never knew about Alejandro's existence not until that day. I will be forever grateful to my Empress because she always accept and love my children even they are not hers. So I hope this won't be an issue to everyone cause you know how we work ." Malamig na sabi ng Patriarch ng pamilya tsaka inalalayan ang maybahay paasakay ng kanilang sasakyan...pinatay na roon ni Ymar iyon.

"WHAT THE ACTUALLY FUCK?! PAPA REALLY CHOOSE THE COMPLICATED WAY! " gigil na sigaw ni Ymar sa kausap nya sa phone tsaka tinapos iyon.

Kasunod ng walang tigil na pagtunog ng mga phone namin.

Damn. This will be a long day I guess.

"Hi! This is Mr. C---"

"Ysa... Kindly tell your boss that we will have an emergency family meeting now. Get his ass here in Stavros Tower. Now."
At tinapos ni Miss D.a ang tawag.

"Boss... it's Miss Devone Angela...
Emergency family meeting po sa Stavros Tower, now na." Sabi ko rito.

"Fuck!" Mura nito sa inis.

Dali-dali itong nagpaalam kay Toni at nagmamadaling umalis na akin namang sinundan.
---

"Papa... Hindi nyo man lang hinitay na matapos ang banquet ng mga Hellios. Alam nyo naman pong importanteng pagtitipon iyon na pinangungunahan ni Carlos Ytan at Rebel." May inis na sabi ni kuya Ymar

"Tama si Queen ate, papa. Isa pa, hindi po ba't hindi pa tayo tanggap ni Alejandro? Hindi po ba't isinusuka nya pa ang dugong dumadaloy sa kanya?" Sabi ko rito.

"Ai... Calm down... " Bulong sa akin ng aking asawang si Jaime.

"No ... This is a big news and a mess! Lalong lalayo ang loob ni Alejandro sa atin!" Giit ko.

Halos higit isang taon na ang nakakaraan ng malaman namin ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Alejandro Detumon, na dating assistant ni kuya Carlos Ytan. He is our brother. He is at my age ... Just a month older than me. Si aunt Yvangelin pa ang nakatuklas at nagpakilala rito sa amin. But our brother loathed our family. He told us na hinding hindi nya isusunod ang pangaoan nya sa amin. And that is a big blow on our part. Tinanong ko pa sya noon kung bakit pa sya lumapit at nagtrabaho sa pamilya...ang sagot nya ay para malaman kung anong klaseng tao ang ama at pamilya nito... And he doesn't like what he knew ...at yun ang di ko maintindihan.... We never treated him or anyone ill para gumanon ito... Wala naman daw sa plano nyang magpakilala but the Empress is way too smart to found him .

"Hindi ko alam kung anong plano nyo kay Alejandro, papa...but this is not the right time and right place to do what did earlier. You know how it will affect the banquet because of this issue... Lalo na't isa siya sa mga dadalo ...as we invited him." Ani Carlos Ytan. "This is too much for my wife papa." Dagdag pa nito

"No... It's fine ... We can handle it naman po pa...don't worry po. My team will do something about it. Kung iyon ang inaalala ninyong lahat... And this is for the family... Alejandro is still part of the family kaya we will protect him from this mess. " Ani Rebel sa matured na pananalita.

Rebel will always be the favorite in-law of papa ... Dahil ito ang dahilan kung bakit naibalik sa pamilya si kuya... And we are all grateful because of that....

"Thank you, Rebellianne..." Pasasalamat nito kay Rebel na ngumiti at tumango bilang tugon sa kanya.
"I know that you are all worried on how will Alejandro reacts about my sudden announcement. But that will be the least of my concern ... He is my blood...he is my son... He deserves to be recognized and known by the world. He deserves everything you have. And my Empress and I agreed to do it. " Malamig at puno ng otoridad na sabi ni papa. Walang sino man ang nagtangkang sumalungat roon.

"Your papa was right. I agreed to his plans. Na kay Alejandro na lamang iyon kung tatanggapin nya ang lahat... But it will always be for him. I know that young man well... He is a good person. He will understand." Ani aunt Yvangelin.


Sasagot sana si kuya Ymar nang biglang bumukas ang pinto at galit na pumasok ang taong pinaguusapan namin na pilit na pinipigilan ni Ysa at Jade.

"Al..please ... Ayokong mawalan ng trabaho..." Dinig ko pang pakiusap ni Jade rito.

Ngunit wala itong paki... "ABA NAMAN SIR! SINABI NA PONG MAY MEETING SILA AT MATATANGGAL KAMI SA TRABAHO PAG NAGKATAON NAGPUPUMILIT PA RIN TALAGA KAYO? KONSIDERASYON NAKAN! GWAPO KA NGA HINA NG PAGINTINDI  NAMAN! " singhal ni Ysa rito habang pilit inilalabas sa conference room si Alejandro
Na hinawi lamang sila at si Ysa ang natamaan at kamuntikan ng matumba sa sahig kundi lamang sa bilos ng reflexes ni Kuya Ymar...

"FUCK IT ! KUNG MAY PROBLEMA KA SA AMIN WAG MONG IDAMAY SI ELLENA! FUCK YOU" galit na singhal nito kay Alejandro at napa tili na lakang kaming mga babae ng sinapak pa nya ang kapatid namin... Damn! Nagpambuno na ang dalawang gago!

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon