Time Square, NYC
"Boss, you'll have an 8:30am meeting with Mr. Smiths, lunch with Madame Yvangelin and Ma'am Devone Angela, your flight to Germany was booked at 4pm for you surprise inspection for Stavros Steel's branch in there...as you instructed, you'll stay there for a week for the annual banquet of the House of Hellios hosted by Lady Rebel." Masigla kong saad rito ng kanyang schedule ngayong araw.
Masayang masaya ako dahil approved ang hiningi kong dalawang linggong off two weeks from now. Pansamantalang papalitan muna ako ni Demi na isa sa mga kasamahan kong assistant ni boss ... Apat kasi kami...
Si Toni na syang outdoor assistant slash driver ni boss, si Charlie na syang taga-ayos, collect at file ng mga documents from Stavros Steel and Security at si Demi na syang social assistant ni boss na syang nag-aayos ng mga social activities at function na ihohost at dadaluhan ni boss...
Ako?
Ako lang naman ang overall at personal assistant slash the dragon slayer ni boss!
For more than a year ay now lang ako nagfile ng off. Kailangan kong makaipon para sa amin ni Junie para tuluyan na kaming makawala sa mapait na buhay na naghihintay sa amin sa San Isidro.
"Cancel my 8:30am... Move it next week. " Malamig nitong utos.
"Are you sure sir? Matagal natin bago nakapagsched kay Mr. Smith---"
"I don't fucking care. Just cancel it!" May bahid na inis na sabi nito sa akin. Kaya umirap na lang ako sa hangin at nilagyang ng cancelled mark at nag-note na tatawagan ang secretary nito.
"Noted boss!" May bahid na sarkasmo kong sabi.
Pag ako kinulit nitong kumuha ng madaliang schedule kay Mr. Smiths nako! Sasamain ito sa akin! Kainis!
"Did you packed your things already? You'll come with me to Germany." Anito habang busy sa pagtingin sa mga files na ipinasa ng accounting department rito.
Kumunot ang noo ko at medyo na guluhan... Ang alam ko ay si Toni ang sasama sa kanya mamaya dahil may lahing German ang binatang iyon... At ito rin ang madalas isama ni boss sa mga international affairs nya plus pag trip nya ay kasama ako.
"Boss ...si Toni at si Demi ang kasama nyo mamaya tulad ng nakagawi---"
"AND YOU! Demi will stay here as I had instructed her. So after my Lunch date with my mother and sister you'll go home and pack your things. Stupid!" May iritasyong utos nito na nakapaginit ng ulo ko.
"BO---"
"Not a word, Ellena! Just do as I said. Now get out! I want my peace now." Pagtataboy nito sa akin kaya napasimangot ako at nagmartsa palabas ng office nya at nagtungo sa desk ko na nasa labas lang ng pinto nito... Padabog kong inilapag ang folder at Ipad na provided ng company para sa notes at sched ni boss... Huminga ako ng malalim at hinilot ang aking sentido bago muling tumayo at dinampot ang Ipad tsaka nagtungo sa Secretarial Department na opisina naming mga assistant ng boss.
Binati naman ako ng mga kasamahan ko at tinanong kung bakit nakasimangot ako umagang umaga. . Lumabi lamang ako at tumingin ng masama sa mga ito na tumawa lamang... Bago ko binalingan si Toni...
"Ton! Kindly call Mr. Smiths' secretary and tell her that the dragon cancelled their appointment and it's better not to let them have time for him! " Yamot kong sabi rito . Tumawa naman ito ng nakakaloko kasabay ng dalawa kaya napasimangot ako lalo.
"I bet, the dragon slayed the slayer today!" Biro ni Demi
"It was painted all over your face Ysa..." Ani Charlie.
BINABASA MO ANG
Stavros 4 : Inside Out
Romance"Let me see the dark sides as well as the bright I'm gonna love you inside out I'm gonna love you inside out Let me see the dark sides as well as the bright I'm gonna love you inside out I'm gonna love you inside out " -InsideOut (Chainsmoker)