42

847 26 8
                                    

"W-WHY ARE YOU DOING THIS ?! TRAVIS?WHY DID YOU ABDUCT ME ? ANO BANG NAGING KASALANAN KO. SA IYO?! BAKIT HINDI MO PA AKO TIGILANG? "  Pilit kong pinatatatag ang aking kalooban habang nakatali ako sa kama at pinanonood ng lalaking labis kong kinamumuhian.

Nasa loob akong muli ng napakapamilyar ng silid... Ang impyernong silid na ito...

Ngumisi ito sa akin na tila natutuwa sa kanyang nakikita. Isa na talaga itong baliw. "Simple. Pag-aari kita. At sa lahat ng babaeng natikman ko, ikaw lang ang hindi ko makalimutan sa di ko malamang kadahilanan..." Anito sa nakakakilabot na tono. Puno ng pagnanasa sa kanyang mga mata na labis kong ikinakakatakot.

"H-HAYOP KA PABLO! NAPAKAHAYOP MO!" puno ng pagkamuhing sigaw ko rito.

Naging madilim ang mukha nito ... Ang mukhang ginamit nya...ang mukha ni Travis. Ayon sa kwento nito ay tinorture at pinatay niya ang head ng royal security ko. Tanda ng pagpaparusa sa kataksilang ginawa nito sa kanila. "DEMONYO AKO, KAMAHALAN! HINDI LANG HAYOP! KAYANG KAYA KONG MAGING DEMONYO! BAKIT KO GINAGAWA ITO?! Huh?!" Sa gulat ko ay lumapit ito at marahas na hinawakan ang aking baba paharap sa kanya... Nanginginig ang buong katawan ko sa takot lalo na sa tuwinang hahawakan nya ako ngunit pilit ko itong nilalabanan. "PARA MAGHIGANTI! PARA GUMANTI SA PUTANGINANG STAVROS NA NAHUHUMALING SAYO AT KINAHUHUMALINGAN NINYONG DALAWA NI YSANG! PAGAARI KO KAYONG DALAWA! MGA PUTANGINA PERO MAS GUSTO NYO ANG STAVROS NA IYON! ANG STAVROS NA SYANG SUMIRA NG LAHAT! TAHIMIK AT MAGANDA ANG TAKBO NG BUHAY KO...NATIN! KUNG HINDI PUMASOK SA EKSENA ANG PUNTANGINANG LALAKING IYON!". Galit na sigaw nito sa mukha ko kasabay ng paghigpit ng hawak nito sa aking baba... Alam kong makakapasa ako...iyon ang huling bagay na dapat kong isipin. Pabalya nya akong binitawan... At tumalikod sa akin ...tumingin ito sa kawalan... "M-maayos naman ang lahat e... Ikakasal kami ni Ysang... kumpleto ang mga pag-aari kong babae... Maganda ang takbo ng negosyo...at kumpleto ang pamilya namin... Si papa... At si mama... P-pero! " Humarap itong muli sa akin at nakita ko ang kademonyohan sa mukha nito. "PERO DUMATING ANG PUTANGINANG LALAKING IYON! NAKIALAM SIYA! GUMULO ANG LAHAT! INIWAN AKO NI YSANG... TINALIKURAN KAMI NI MAMA... NAPATAY SI PAPA AT PUTANGINA! NAMATAY NINYO SI MAMA DAHIL SA INYO! KAYA IKAW... IKAW ANG KABAYARAN NG LAHAT! IKAW ANG KAPALIT NG MGA NAWALA SA AKIN! PAG-AARI KITANG MULI! PAG-AARI KO KAYONG DALAWA NI YSANG !AT SISIMULAN KO ANG PANININGIL KO NGAYON!" Napatili ako sa sobrang takot ng punitin nito ang aking damit...nanginginig ako sa takot habang walang habas nya akong hinahalikan at hinahawakan sa kung saan saan.... Nanlalaban ako sa gitna ng aking kalagayan... Pilit kong inililigtas ang sarili ko sa kahayupan ng lalaking ito... Nagmamakaawa ... Sumisigaw .... Humihingi ng tulong ngunit alam kong walang makaririnig sa akin... Alam kong walang tutu---

"Señorita Ysadora...hindi po talaga pwe---"

"P-PABLO! P-PANGGA! ITIGIL MO YAN! ANO BA?! T-tinatakot mo ko G-ga... Tumigil ka na... parangawa mo na... Pangga... " Tila binuhasan ako ng malamig natubig ng makita at marinig ang pinagmulan ng tinig na iyon...

Tila natauhan naman si ang demonyong lalaki at dali-daling tumigil at tila isang maamong tupang bumaling at lumapit kay Ysang na umiwas ng tingin sa akin ... Yumakap sa kanya ang demonyo na ginantihan nito ng yakap...

"N-natakot ba kita, pangga? Patawad... Huwag kang matakot... Hindi kita sasaktan... Wag mo kong iiwan...parangawa mo na ga... Mahal na mahal kita Ysang... " Anang demonyo na nakatalikod sa akin habang si Ysang na yakap yakap nito ay nakatingin sa akin ... May kung ano sa mga mata nito at malungkot na ngumiti sa akin .

"Huwag kang mag-alala... Hinding hindi kita pababayaan... Hinding hindi kita iiwang pang muli... " At umiwas ito ng tingin "...pangga..."

Tila ba ang mga binitawan nitong mga salita ay para sa akin...pero paanong napunta ito rito? Akala ko ba? Umalis na ito ng isla?

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon