34

1K 22 9
                                    

"ANONG SABI MO?! FUCK! YES! PAPUNTA NA AKO JAN!" kinabahan ako sa naging akto ni Ymar nang dahil sa tawag na iyon. Humarap ito sa akin upang magpaalam. "Chalamity... Kailangan kong pumunta sa base...urgent." paalam nito

"A-anong nangyayari? M-may balita na ba sa kaso ko? Kay mutter? " Nagaalala kong tanong rito.

Nakita ko ang pagtikom ng bibig nito na tila sinasabing hindi siya maaring magbigay ng impormasyon... Alam ko... Kasama iyon sa trabaho nito... Kaya ayaw ko man ay nagiwas ako ng tingi sa kanya "I-I understand...take care." Nanghihina kong sabi rito. Naramdaman ko ang pag-aalinlangan nito ngunit nakatanggap muli ito ng tawag at wala itong nagawa kundi ang magpaalam ...hinagkan nito ang aking noo bago umalis at nagbiling huwag lalabas sa Yvangelin Mansion.

Puno ng kaba ang puso ko sa buong durasyon na wala ito... Ako lamang ang naririto sa mansion kasama ang mga katiwala at guards ...maging ang aking security team...

Hindi ako mapakali... Tila may masamang mangyayari ano mang oras...

"Miss Serene... Heto na po ang meryenda ninyo... Bilin po kasi ni Sir Ymar na soguraduhing kakain kayo" anang isang kasambahay na pumasok sa silid ni Ymar matapos nitong kumatok.

Napasalamat ako rito at sinabihang ayos na ako... Kinuha ko ang baso upang uminom ng juice roon... Ngunit sa kaba ko ay nasagi ko ang picture namin na nakaframe sa nang masagi ko ito... Agad ko iyong pinulot at nakita na may lamat na ang salamin nyon... Kasunod ng isang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero...

Kinakabahan na sinagot ko iyon...

"H-hello..."

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon