27

674 23 7
                                    

Huminga ako ng malalim habang pinanonood ang napakagandang tanawin ng islang pag-aari ng pamilya ni Ymar... Ang mabining paghampas ng tubig sa batuahang malapit sa aking kinauupuan ngayon... And marahang haplos ng hangin sa aking mukha... At ang unti-unting paglubog ng araw... Tanda na may panibagong araw na namang sisimulan sa kalayaang natatamasa ko ngayong kasalukuyan...

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon...  Hindi naging malinaw ang lahat sa pagitan namin nito ngunit alam kong may pagbabago na... 
Nabibilisan ako sa mga pangyayari sa pagitan namin ni Ymar ngunit tila ba walang tutol ang puso ko sa ideyang mayroon kaming dalawa sa kabila ng maaaring manganib ang buhay nito ng dahil sa akin...

Huminga akong muli ng malalim at nagpasyang maglakadlakad muli...nasisiguro kong nasa isang activity facility sina Claring at Junie tulad ng paalam ng mga ito kanina... Ako naman ay mas gustong manood lang ng magandang view ... Dahil kahit papaano ay miss ko na ang dagat sa San Isidro... At maging ang mga taong naging malapit sa akin...

Kung hindi nga lang naging parte ng buhay ko ang lalaking iyon at ang pamilya nito siguro'y naroroon pa rin kami ni Junie at masayang nakikibaka sa buhay... Habang si amang naman ay nananatiling masayahin at matulungin kapitan ng barangay...

"Wala akong pakialam kung anong plano mo sa babae mo, Stavros! Pero ang ayoko lang ay bakit pati ang aking si Maria ay dinadamay mo!? Alam mong mapa---"

Pamilyar ang boses... Parang ang bobong kapatid ni bossing iyon... Teka... Bakit galit ito? At sinong babaeng tinutukoy nya? Ako ba?

"Your woman herself wanted to come with us. Why don't you fucking blame her brother." There was a taste of sarcasm and coldness on his voice. Ymar's voice.

"Iuuwi ko na sya! And don't you fucking dare drag her again with your mess, fucker! I told you million times that your plan is a suicide! Pero tulad nang inaasahan ko... Gago ka rin tulad nang ama mo!" Gigil na saad ng pamilyar na boses...

Tila pinnalamigan ako dahil sa sinabi nito... Anong tinutukoy nila? Anong plano?

"Na ama mo rin. Kaya hindi nakapagtatakang kasing gago mo si Celestino. Just mind your own business, Alejandro...dahil hindi ko pinakikialaman ang baho mo...o gusto mong sabihin ko mismo sa babae mo?"

"Fuck you! Hindi ko alam pero nakakaawa siya dahil ---"

"Just fuck off, Alejandro. Wala kang alam kaya manahimik ka na lang! "

"Why? Are you falling for her  , for real?"

"That's not for you to know my answer."

Hindi ko alam ngunit sa kaba ko na malaman nilang nakikinig ako ay napatakbo ako pabalik ng casa... Pilit kong kinakalma ang aking sarili...

Anong plano?

At bakit sinasabi ng kapatid nito na suicide iyon?

Naguguluhan na ako...

Anong alam mo , Crisostomo Ymar? Bakit tila may hindi tama rito?

Stavros 4 : Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon