The Beggining
Kylie's POV
"Whaaat theee?!" Sigaw ko dahil hindi ako makapaniwala sa laman nito.
"Manang Lordes kaninong uniform 'to, hindi naman 'to kay Kuya Ryle ah!" Muling sigaw ko at kasunod noon ay ang mabilis na pagpasok ni Manang sa kwarto.
"Pinalalagay 'yan ni Rylie sa kwarto n'yo sabi ayan daw magiging uniform n'yo," nakangiting sabi ni Manang sa akin.
"What!? seriously manang?"
"Oo hija. Ay ito pala pinapabigay ni Rylie sa iyo," sabay abot ni manang ng isang papel.
"Sige manang ako na po bahala dito," at umalis na si manang sa kwarto ko at binasa ko na ang sulat na ibinigay ni Ry.
Dear Ky,
Nagustuhan mo ba yung uniform? Hahaha panigurado ang efic ng peslack mo. Nakalimutan kong sabihin na ALL BOYS ACADEMY ung school na pag-aari namin.
By the way puntahan mo yung NEW birthcertificate mo. See yah later... Mwuaahh.Nagmamahal,
Rylie'ng maganda di makita
kung saan banda. ♡Hindi ko alam kung tatawa ako dahil mali ang spelling niya ng 'epic' at sa iba pa niyang sinulat o maiinis ako sa 'di niya pagsasabi na for boys pala ang school nila.
"Humanda ka sakin Rylie Santos!" Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa sobrang inis sa kaniya.
Dali-dali akong umalis ng bahay dala ang uniform at sumakay sa sasakyan ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at 9:10 na pala ng gabi doon na lang siguro ako matutulog.
Shit, panigurado patay ako kay daddy pag na laman 'to... Sa sobrang inis ko pinaghahampas ko ang manobela ng aking sasakyan.
Pagkarating ko do'n si Ry ang nagbukas ng pinto. Kailangan kong makausap si Tito, hindi ang bruhilda niyang anak.
"Konbanwa, I hope you like my surprise?" Nakangising saad nito na siyang kinairap ko.
[Konbanwa = Good Evening]
"Where's Tito Smith?" Seryosong saad ko at iginala ang paningin sa loob ng bahay nila.
"Hmm, nasa loob ng bahay, tara pasok ka," Natatawa n'yang sabi sa akin bago na unang pumasok.
Pagpasok pa lang sa loob ay saktong pagbaba ni tito sa hagdanan.
"Konbanwa, Tito Smith." Masigla kong bati sa kaniya at bahagya pang yumukod.
"Ohh hija, gusto mo ba talagang lumipat d'on?" Paninigurado ni tito sa'kin at si Rylie naman ay kumukuha ng inumin. Hindi ho ako ang may gusto, 'yung anak niyo ho iyon, mga katagang gusto ko sanang sabihin pero huwag na lang.
"May choice pa po ba ako? "Mataray na ani ko na may kasama pang irap na tinawanan niya lang. "Syempre wala, kaya po huwag niyo na lang pong sabihin kay dad or kay kuya baka mag-alala pa po sila eh."
Tumango na lang ito at nginitian ako na parang naniniguradong mananatiling sikreto ang pagpasok ko doon.
"Siya nga po pala, sino po ang namamahala doon kung may busness po kayong inaasikaso?"
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...