Chapter Four

48 9 6
                                    

Magic Letter

Kylie's POV

Habang na kain kami sa hapagkainan rinig na rinig ko ang pagbulong nila at reklamo na hindi ko naman na pinapansin.

Bahala sila sa buhay nila!

"Seryoso Kyle, papakainin mo kami nito?" Naiinis na tanong ni Zack.

"Oh? Nagsasalita ka pala?" Sarkastikong sabi ko with irap pa.

Hindi ko sila mapapatawad!

"Kyle! Sige na ipagluto mo ulit kami. Promise hindi na namin gagalawin ang niluluto mo! Cross my heart, 'till death do you die!" Si Jameson na parang nanunumpa pa na may kasamang kumpas pa.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin dahilan para mapatigil ito.

Anong 'till death do you die? Baka gusto niyang ma-die ng maaga dahil magda-die-t talaga siya habang buhay, bwiset!

"Subukan niyo kaya munang tikman 'yang tuyo. Puro kayo reklamo eh, hindi niyo pa naman natitikman." Inis na bulyaw ko sa kanila at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Ayaw kasi nila ng tuyo, eh ang sarap sarap nga nito eh. Lalo na pag sinawsaw mo 'yung ulo sa sukang maanghang. Namnamnamnam...

At dahil ayaw yata nilang magutom magdamag kaya kahit may pag-aalinlangan ay kumain sila.

"Hmmm, ang sarap nga!" Magiliw na sabi nila, lalo na si Jameson ma sunod-sunod ang maging pagsubo.

Napatingin ako kay James na sinisipsip ang ulo ng tuyo bago ibabalik sa suka. Eww, may laway na binabalik pa, takte 'yan!

"Ang sarap nga nito... Pero mukhang mas masarap si Rylie," Natigilan ako sa sinabi ni Jake. Sa dami ng babastusin niya huwag lang ang kaibigan ko! Padabog akong tumayo at tinignan siya ng masama.

"F*ck you!" Inis na sabi ko bago itarak ang tinidor na hawak ko sa lamesang kahoy, at iniwan sila doong nakanganga.

Badtrip naman oh!






Cedrick's POV







Napatingin kami sa papalayong pigura ni Kyle.

"Ang gago mo naman tol. Sa dami ng babastusin mo, ng pagti-tripan mo, pinsan ko pa talaga?" Naiiling na sabi ni Zack at tumayo. Dumaan ito sa likudan namin at na kakagulat talaga ang sunod niyang ginawa. Binatukan niya ng pagkalakas-lakas si Jake sabay sabi ng, "Baliw." At pumasok na ng kwarto.

"Nakainom ba 'yun? Ang sakit eh," Reklamo ni Jake habang hinihimas ang batok nito.

Napailing na lang ako at tumingin sa pintuan kung saan lumabas si Kyle.

"Magtatapon lang ako ng basura. Ako ang naka-assign ngayon na magtapon ng basura eh."

"Grabe ang lakas pala ni Kyle. Kita mo, na ibaon niya 'yung tinidor sa lamesa natin," Hindi makapaniwalang sabi ni James. Kahit naman ako hindi makapaniwala.

Ang kapal kaya nitong kahoy na lamesa.

"Bunutin niyo na nga 'yang tinidor ng maitapon na," Utos ko sa kambal.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon