Activity
Kylie's POV
Day 3... August 28, 2019
Pagkagising namin ay sabay-sabay kaming kumain kasama ang ibang taga-dorm 225 at 226.
"Happy birthday Jake!" Napatingin ako sa lahat ng batiin nila ng sabay-sabay si Jake.
Birthday niya pala?
"Salamat," Nakangiting tugon nito bago umupo.
Infairness ha? Hindi na halata ang mga pasa niya sa mukha. Pangit na siya hindi na pinakapangit, hahaha!
"Happy birthday!" Nakangiting bati ko, tinignan ako nito at nginitian din.
Nagpatuloy kami sa pagkain namin at sa pakikipag-daldalan.
"Hmm, oo nga pala mamaya may pa-activity," Sabi ni Eron, kaklase ko siya.
"Anong activity?" Tanong naman ni James.
"Ewan, pero ia-announce daw mamaya."
Nagpatuloy kami sa pagkain. Mga bandang alas-nueve ng sabay-sabay kaming lumabas. Napansin namin na nagkukumpulan ang ibang taga-A. B. A.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa katabi ko.
"Ia-announce na daw 'yong activity," Napatango naman ako.
"Ang activity natin ngayon ay tinatawag naaaaa.... Tantadadaaaa, COOKING CONTEN!" Sabi ni Jem, remember 'yong bakla na si Jimmy? Hahaha!
"Kaya tinawag na cooking conten dahil lahat ng iluluto niyo ay dapat niyong ibenta ng sampung piso. Walang labis pero pwedeng kulang, HAHAHA! Ibebenta niyo siya sa kaklase niyo, schoolmate, at sa ibang turista para mabawi ang puhunan niyo. At lahat ng kikitain ay ido-donate natin sa isang ampunan," Nakangiting sabi nito kahit ang ibang turista ay napatigil. "Lahat kayo magbebenta, so goodluck!" At kumindat pa ito. Paalis na sana kami ng bumalik ulit ito. "By cottage ang grupo sa pagbebenta!" Pahabol pa nito bago ulit bumalik kasama ang iba pang kampon niya.
Habang pabalik ay walang nag sasalita sa amin.
"So, ano lulutuin natin?" Basag ko sa katahimikan.
"Kahit ano," Naglakad kami papuntang convinience store ng may natanaw akong nagbebenta ng kamote kaya may na isip ako.
"Alam ko na!" At tinaas ko pa ang hintuturo ko. "Magluto tayo ng kamoteng turon!"
"Kamo---what?!" Tanong ni Jameson.
"Kamoteng turon," At ngumiti ako ng malaki.
"Kamuting turon?" Nagtataka nitong tanong. Napahagalpak naman ako ng tawa.
"G*go! Karateng turon!" At binatukan ni James ang kakakambal. Mas lalo akong napatawa.
Itatama na nga lang ang kapatid, mali-mali pa.
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...