... & Wasted
Kylie's POV
"Ugh!" Napapahagod na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.
"Aaahhhh!" Ungol ko at tuluyan ng bumangon.
Takte 'yan! Anong oras na ba? May pasok ba?
Bumalik ako sa pagkakahiga at itinaklob sa pagmumukha ko ang napaka-lambot na unan para maibsan ang pananakit ng ulo ko.
Ang bango naman ng unan ko.
"Ha? Mabango?" Inamoy-amoy ko ang unan at isa lang ang na realize ko. Amoy panlalaki.
At hindi amoy lalaki ang unan ko, amoy laway pwede pa.
"Aray!" Nahilot ko na lang ang ulo ko dahil sa sobrang sakit ng bigla kong pagbangon. Niligid ko ang paningin ko at bumungad sa akin ang puting kwarto. Itim na kobre kama at ash-gray na kumot at unan.
"Hindi ko 'to kwarto ah," Napakamot na lang ako sa kilay ko at inamoy ulit ang unan.
Lacoste black for men yayamanin!
Kanino ko ba na amoy 'to?
Sa halip na intindihin kung kanino 'tong kwarto, inalala ko na lang ang mga nangyari kahapon at baka may makuha akong clue.
Sa sagutan namin ni Zack --- me loves --- at ang grupo niya. Pagtambay sa tambayan nila Rylie at ang ehem sagutan na nangyari. Pag-inom sa T. Hotel kasama si Yui. Tumawag si James para puntahan sila sa isang bar. At nung pumunta ako sa bar nakipag-suntukan, na uwi sa inuman, at... at...
"At?" Napa-isip ako kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos uminom para ma-uwi ako sa kwarto ng isang lalaki.
"Lalaki?" Nanlaki ang mga mata ko at na pa kapa sa buong katawan ko. "Hay, buti na lang hindi masakit ang ano ko. Ang masakit lang talaga ito." Tinignan ko ng mabuti ang ilang pasa at sugat sa katawan na sa palagay ko ay na tamo ko sa suntukan kagabi.
Humiga ulit ako para sana muling matulog kaso mukhang hindi na ako dadalawin ng antok kaya kahit ayaw ko man ay napilitan akong bumangon.
Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang isang sala. Mukhang nasa isang condo unit ako.
"Buti gi ---"
"Ay kabute!"
" --- sing kana."
Tinignan ko ng masama ang judas na hindi ko inaakalang makikita ko ngayon.
Jake.
"Tsk, tara na sa dining. Kakain na." At iniwan na ako nito na nakatunganga.
So, gano'n-gano'n na lang? Parang walang nagyari kahapon? Parang hindi nila ako pinagtulungan ah! Tinde!
"Huwag ka ngang magdabog d'yan!" Napa-irap na lang ako sa sigaw nito at padabog pa ring naglakad, paki-alam niya. "Tsk!"
Nyenye ne nyenye!
"Hell..." Na ibulong ko na lang ng makitang kumpleto ang mga kulugo. Bwiset!
"Umupo ka na," Malamig na utos ng hari ng kulugo.
At dahil may sampung upuan sa dining nila at magkakatapat sila ay pinili ko kung saan medyo malayo sa kanila. Galit pa rin kaya ako.
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...