Chapter Twenty-seven

30 5 0
                                    

Misteryo sa C. R.

Cedrick's POV

Na pa tingin kami sa labas ng classroom dahil sa makabasag pinggang tinig mula sa kabilang room. Pamilyar 'yung boses pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil parang isang lyric na lang ng kanta niya ay dudugo na talaga ang tainga ko!

"Mukhang nagsisimula na ang P. T. ng taga-carnation," Sabi ni Sir Kalibak na asawa ni Ma'am Kalibak na MAPEH teacher din namin.

"Nako, kawawa naman ang misis ko," Sabi ni Sir at tumingin sa amin ng naka-ngiti. Mabait sila parehas at pagtinabi kay Ma'am Lumario? Ehem...nevermind.

"Oo sir. Sakit sa tainga eh!" Reklamo ng kaklase namin. Napatingin naman ako sa mga katabi ko.

Si Jake na nagtakip na ng tainga at umub-ob. At si Zack na nakangiwi at isang pitik na lang ay sasabog na tala-----.

"AAAIIIISSSSHHHHH!" At ginulo ang buhok. Sabi ko na nga ba at bibigay na din 'yan.

"Gusto niyong manood sa kabilang section?" Tanong ni Sir.

"No!"

"Yes!"

"Pwede next time?"

"Sir, baka mabingi kami!"

At 'yan na nga kaniya-kaniya na ng reklamo.

"Tapos na rin naman tayo sa module 3," At ngumiti ito bago lumabas.

Kaya ayon, no choice kami kung hindi ang sumunod, may ilan din namang nagpaiwan at sinabing susunod na lang, na paniguradong walang balak na sumunod.

Ng makarating kami sa tapat ng Carnation...

"Lakas tama,
Si Ma'am Kalibak na maganda,
Nawawala ang isip niya,
Dahil sa aking kanta,
Lakas tama! "

Hindi ko alam kung kanta ba ang matatawag sa ginagawa ng estudyanteng 'yun.

Tapos ng mag-strum ng gitara at rinig na rinig ang hiyawan ng mga kaklase niya sa room, kinig rin ang tawa at apila ng kambal. Teka, apila?

Napatigil ang ingay sa loob ng kumatok si Sir.
Agad namang pinagbuksan ni Ma'am Kalibak ang asawa at halatang na gulat ito ng makita si Sir at kami sa labas ng classroom.

"O, bakit?" Tanong ni Ma'am.

"Gustong manood ng mga estudyante ko sa inyo. Pwede ba?" Sabi ni Sir at sumilip pag sa loob.

"Nako, si Sir ginawa pang dahilan ang P. T. natin."

"Gusto lang makita si Ma'am Kalibak!"

"Kyaaaahhh!"

"Ayiiieee!"

"Lamporeber!"

"Quiet!" Sigaw ni Ma'am na namumula pa. "Doon na lang kayo pum'westo sa likod o kaya maki-upo na lang kayo sa vacant seat," Sabi ni Ma'am at minuwestra ang daan papasok.

Pagpasok naming tatlo ay na patigil kami sa nakita naming nakaupo sa teacher's chair at nakapatong ang gitara at bag sa teacher's table. Si Kyline. At ang mas nakakagulat pag ay ang ayos nito, parang na ligaw lang, gulo gulo ang buhok, gusot na uniporme, at...at ang dungis niya.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon