Chapter Thirty-two

29 5 0
                                    

Triad



Kylie's POV



Tulala lang ako habang nakahiga sa kama. Hindi na ako nakapasok sa trabaho ko. Tinext ko na lang si Gerald na masama ang pakiramdam ko. At sina Zela at Jake naman, ewan baka nagkatuluyan na.

Si kuya Ryle... Iisa lang sila ni Ryle Shion. Pero kaano-ano ni Ryle Shion si Kyline Shion? Kapatid? Mag-ama ba sila?
Sino ang dapat kong kausapin tungkol kay kuya, si dad ba o siya mismo?

At bakit kailangan pang magpalit ng apelyido? From Shion to Sy?

Kuya ano ba talaga ang tinatago mo?

Napabalikwas na lang ako ng bangon dahil may naalala ako. Nagulo ko na lang ang buhok ko.

"Sina Zack at ang iba, may alam sila tungkol kay Ryle. Sa hospital nung nalunod ako nagtanong sila nung nabanggit ko si Kuya Ryle at sinabi nila na may kilala silang Ryle Shion," Napahawak na lang ako sa baba ko.

Sh*t! Bakit feeling ko ang dami nilang tinatago sa akin? Si na dad, kuya, ang mga bestfriend ko! Lahat sila may tinatago sa akin.

Napapahawak na lang ako sa ulo ko tuwing ina-alala 'yung sinabi ni...ni ewan basta 'yung iyaking babae.

At Kary? Saan ko ba na rinig 'yon?

Napapahawak na lang ako sa ulo ko at hinilot-hilot 'yon. Napapadalas na rin ang pananakit ng ulo ko, may kaunting kirot tuwing malapit ako sa grupo nila my life. Bad vibes kasi ang dala nila lalo na si Jake, eww...

"Kary... Kary... Kary, sino ka ba talaga? Ulam ka ba?" Napatawa nalang ako sa biro ko like, Kary-Kary 'yung ulam na kare-kare HAHAHAHA!

Natigilan ako at mas humigpit ang hawak sa ulo ko ng may kung anong imahe na nagpa-flash sa isipan ko.

"T-teka Kary? P-parang... Ahhhh!"

Napatingin ako sa buong paligid... blured, wala akong makitang malinaw. Pero a-anong ginagawa ko sa bundok?

"Uy, Guhit ng buhay ko! Kailan mo ba ako sasagutin? Ilang buwan na lang recognition na ah!"

Napatingin ako sa dalawang tao na nasa gilid ko.

T-teka si-sila na naman?!

"Bakit Mister? Naiinip ka na ba? Ha?!"At nameywang ang babae.

T-tama! S-si Kary na nasa panaginip ko nung nalunod ako.

I-ibig sabihin, p-panaginip lang din 'to? P-pero b-bakit p-parang totoo?

"Feeling ko kasi hindi mo naman ako mahal, eh!" Tumayo 'yung lalaki. At sigurado akong ito si Kary base sa boses niya nung nakaraang napanaginipan ko siya.

P-pero bakit ko naman sila napapanaginipan?

Walang nagsalita gusto kong lumapit pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"M-may pr-problema ba?" Base sa tono ng boses ni Kary ay nag-aalala ito.

"W-wala. T-tara na p-pagod na ako."

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon