Questions & Clue
Kylie's POV
Nakatitig lang ako sa salamin at iniisip kung paano ako nakilala ni Rylie, ng may mapansin akong kakaiba. Napanganga na lang ako.
"Ambobo! Nakalimutan kong maglagay ng contact lens," Napapakamot na lang ako ng kilay ko. Sa halip kasi na 'yung dark brown contact lens ang gamit ko ay wala! Kaya kitang-kita ang hazel brown eyes ko! Halatang-halata pa naman.
Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang ipit ng buhok ko. Ng may mapansin na NAMAN ako. Anak ka ng tikbalang, oo!
Nakalimutan kong maglagay ng concealer sa hindi kalakihang nunal ko sa gilid ng labi ko. At maglagay ng nunal sa gilid ng kanang kilay ko.
Napahampas na lang ako sa noo ko at pumasok sa isang cubicle. Buti na lang at ako lang mag-isa dito. May kaniya-kaniya kasing C. R. sa bawat room kaya bihira lang magamit ang mga banyo dito sa labas ng room.
Napatingin na lang ako sa sugat ko na medyo wala na. Tsk, buti hindi nagkaroon ng peklat.
Kinuha ko ang concealer at nilagyan ang left hypochondrium ko. Buti na lang at makapal ang na ilagay ko nung nakita nila akong na walaan ng malay sa banyo, kung hindi buking na ako.
Kahit kasi sa pictorial o modeling ko ay talagang tinatakpan ko ito. Lalo na pagmaiiksing damit o halos bra na lang ang pinapasuot nila sa akin.
Paglabas ko ng cubicle ay inayos ko naman ang mukha ko. Hindi naman tipikal na nerd si Kyline sadyang nakasalamin lang siya. Psh, pasalamat siya at magkahawig kami kaya hindi ako nahihirapan. Baka nga kambal kami eh hahaha.
Mahanap nga si Kyline. I'm gonna dig infos about her.
10:20 na pala. Nakatingin lang ako sa wrist watch ko at pinag-iisipan kung papasok pa ako ganiyong late na ako sa A. P. subject namin.
At sa huli na isipan ko na lang na pumasok dahil wala naman akong gagawin.
Napatigil ako sa paghakbang ng maramdamang nag-vibrate ang cellphone ko, 'yung touchscreen.Napatingin ako sa paligid, walang tao. Pa-simple ko itong kinuha sa bulsa ng palda ko.
From: PKRS
2300STH13
Psh, here we go again!
Napapa-iling na lang ako sa kagagahan nitong babaitang ito. Minsan na iisip kong baliw ito dahil tuwing ite-text ako nito ay laging gan'to, hindi tulad ng text ng iba na deretso tulad nito...
From: SPRK
9 PM sa hall, 5 floor
O kaya ganito...
From: RSKP
10 PM sa forest tayo...
See? Mas madaling intindihin ang dalawang 'yan. Pero the best pa rin ang text ko.
To: KRSP
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...